Cero

10 3 0
                                    

Maribel's POV

"Why are you still awake, Detective Rodrigo?" Napatingin ako sa may pintuan at nakatayo roon si Sergeant Ebuelo. "You should be sleeping. Sabi ng doktor ay over fatigue daw ang dahilan kung bakit ka nahimatay. Kulang ka rin sa tulog at mahina ang katawan mo."

"I got too invested on my work again," I sighed. "Everything ends here, right, Sergeant?"

"Yeah. Nahuli na natin ang may sala. Dahil sa mga ebidensyang nalikom mo, mapapatawan s'ya ng parusa." Umupo si Sergeant Ebuelo gilid ng kama kung saan ako nakahiga. "Good job, Maribel. You did a really great job. Ang tapang mo at ang galing mo."

"Salamat po." Ngumiti ako ng matamis bago ko ibinalik ang tingin ko sa kisame. "May sasabihin po ako sa inyo, Sergeant Ebuelo."

"Ano 'yon, hija?"

"I want to resign as a police detective. Gusto ko na po ng simpleng buhay." Bumuga ako ng malalim na hininga. "I'm quitting, Tito."

"Are you sure about that?" Nahimigan ko ang pagkadismaya sa boses n'ya. "Sayang naman. P'wede kang ma-promote dahil sa ginawa mo."

"I want to start a new life, Tito," sabi ko sa mahinang boses. "Malayo sa mga bagay na naranasan ko sa mga nakalipas na taon."

He sighed. "That's your decision. Wala akong karapatang tumutol."

Tumayo si Sergeant Ebuelo dahil tumunog ang phone n'ya. He excused himself and I just nodded.

Napatingin ako sa bintana ng hospital room kung saan ako pansamantalang nakalagak.

Everything is good now. Magbabayad na ang may sala. Nagawa ko na ang trabaho ko. Alam kong hindi pa 'yon sapat para mag-quit ako agad, pero ngayon ko lang napagtanto na pagod na ko sa ganitong buhay.

May mga alam ako na hindi ko sinabi tungkol sa mga kaso, pero ang mahalaga ay magkakaroon na ko ng pagkakataon na makatakas sa madugo at delikadong trabaho na 'to. Hindi ko naman p'wedeng gawing ebidensya na narinig ko sa mga crime scene ang mga naiwang ingay bago may namatay doon.

I want to live a happy life. I'm killing myself because of my job. Pakiramdam ko rin, hindi mawawala ang mga boses na bumubulong sa 'kin kung hindi ako aalis sa trabaho ko.

I want to move to a new town. Maybe to the city and start a business or find a new job. I want something that will change my life.

Kailangan ko lang na magsimula ulit. I don't care if I will go back to square one. I just badly want to set off on a new adventure that will free my soul.

Kung maririnig ko man ulit ang mga bulong sa isipan ko, mas magiging malakas ako para ignorahin at isantabi ang mga 'yon. Oras na para pahalagahan naman ang sarili ko. Oras na para ako naman ang piliin ko.

Nalunod ako sa trabaho. Nalunod ako sa tungkuling binigay sa 'kin. Nalunod ako sa paghahangad na maging magaling na detective. Nalunod ako sa mga papuri ng maraming mga tao sa tuwing nagagawa ko ng maayos ang mga bagay.

Dito na magsisimula ang pag-ahon ko. Kailangan ko ng huminga. Kailangan ko ng bumalik sa upuan.

I need to see the waves below me. I need to see what's more out there.

Sawa na kong malunod. Gusto ko ng makahinga ng maluwag at maiwaksi ang lamig na matagal ng bumabalot sa buong pagkatao ko.

TinTalim

Lunod (Completed)Where stories live. Discover now