Dies

11 3 0
                                    

Ben's POV

"S-She did this to me. It's her fault..."

Nanginginig ang mga kamay ko maging ang mga tuhod ko. Alam ko kung na saan ako. Nakapasok na ko rito noon.

"So the rat is inside the station, huh?" Nakita ko si Sergeant Ebuelo na umupo sa harap ko. "I'm not going to be patient here. Tell me all the things that you know."

"I-I was forced to do it! Sinasabi nila sa 'kin na magiging maayos lang ang lahat kapag pumatay ako! Hindi ako ang may kasalanan!"

Tiningnan ako ni Sergeant Ebuelo. Puno ng galit ang mga mata n'ya. "Mag-uusap tayo ulit kapag wala na ang epekto ng droga sa'yo. Kakailanganin din namin ang bago mong medical records. You're not getting off the hook, officer."

Sergeant Ebuelo's POV

Maribel. I never knew that she will be able to connect everything within two weeks. I know that she's a great detective, but I also knew that this was stressful for her.

Sa pag-iimbestiga ni Maribel, sinundan n'ya ang mga galaw ni Ben. Mula sa CCTV footages hanggang sa mga taong kinakausap ni Ben. Si Ben ang palaging naka-assign sa pagpa-patrol sa bayan. Sa parehong daan s'ya palaging dumadaan at sa parehong oras din. Noong araw ng krimen sa limang lalaki, hindi s'ya nakita sa mga CCTV footages na madalas naman n'yang nadadaanan. Gano'n din ang nangyari ng mamatay si Sai.

Hindi naman nahanap ang bullet shells, pero nakumpirma ang pagbili ni Ben ng mga bagong bala isang linggo matapos matagpuan ang limang patay na lalaki. Sa kaso naman si Sai, nag-match sa sapatos ni Ben ang mga footprint na naiwan sa crime scene. Kasama si Ben sa mga rumesponde noong tumawag ng pulis ang girlfriend ni Sai, pero nalaman ng mga tauhan ko na mas matagal na ang ibang footprints ni Ben sa apartment. Technologyis scary for criminals these days.

These shreds of evidence are not actually enough, so Maribel came up with a plan. She knows that Ben likes her. She used it to her advantage. She planted a trap that he couldn't deny.

Ben is using illegal drugs as well. Mga droga na nagko-cause ng hallucination at malakas ang damage sa utak. Nakuha ang limang pakete ng mga drogang 'yon sa bahay ni Ben. Maribel had a hunch that Ben is using drugs and surprisingly, she's right. Nalaman din kasi ni Maribel na si Mang Jim, isang tricycle driver na ka-close ni Ben, ay nagbebenta ng mga droga at isa si Ben sa mga binebentahan nito.

Natagalan lang naman ang paghahanap sa tunay na kriminal dahil hindi naman inakala ng kahit na sino na pulis din pala ang kriminal. Hindi ko rin inasahan ito mula kay Ben. Matagal ko na s'yang kilala at akala ko hindi s'ya magiging isa sa mga malilihis ng landas.

There are more missing things in these cases, but Maribel made it easy for everyone. Inamin na ni Ben ang mga nagawa n'ya. May ebidensya rin kami na binalak n'yang patayin si Maribel kaya wala na s'yang kawala.

Maybe Maribel knows more, but I don't wanna bug her anymore. She did a good job.

Maribel fainted after the operation. I need to visit her. She's this town's savior after all.

If she knows more, I'll be afraid to know more.

TinTalim


Lunod (Completed)Where stories live. Discover now