Epilogue

113 10 1
                                    

Shin's POV:

Ilang araw na din ang lumipas simula nung umalis siya at iniwan na niya ako nang tuluyan. Hindi naging madali para sa akin ang makaahon nalang basta-basta sa nangyari. Halos araw-araw pupunta ako sa parke, umaasang makikita at babalik pa din siya.

Pero naghihintay lang ako sa isang bagay na malabong mangyari kailanman.

Alam kong hindi na siya babalik. Wala na siyang dahilan para bumalik. Doon na siya mag-aaral at titira. Hindi ko lang talaga matanggap ang realidad.

Bakit ba kasi kailangan pa niyang umalis?

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng fountain, na madalas naming puntahan ni Sandra at pinapanood ko lang iyon. Gabi na din kaya umiilaw na ang mga ito.

Naaalala ko na naman siya. Naalala ko yung una naming pagkikita. Naaalala ko kung paano niya ako iniwan.

Isinarado ko ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko lang ang simoy ng hangin at muli na namang bumalik sa isipan ko lahat-lahat ng mga sinabi niya sa'kin.

"Paano kung hindi mo ako nakilala?"

Siguro, hindi ko nalaman kung paano mabuhay, kung paano magmahal...

"Shin...huwag mo 'kong iiwan, ha?"

Hindi naman kita iniwan. Binalikan pa nga kita.

"Magkaibigan lang kami!"

Ayos lang. Pero sana nandito ka pa rin.

"Naalala ko pa talaga dati kung gaano ka ka-iyakin."

At naalala ko naman kung gaano ka ka-taray sa akin.

"Bakit parang iba ang kahulugan sa akin lahat ng mga sinasabi mo...O baka ako lang yun..."

Kasi mahal kita.

"Salamat. Salamat dahil naging kaibigan kita..."

Ako nga dapat ang nagpapasalamat na naging kaibigan kita.

"Bestfriends forever!"

Sige ba. Pero sana hanggang sa dulo, ha?

"Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Mamimiss ko ito."

Ako din, lalong-lalo na ikaw.

"Paano nalang pala kung ito na yung kahulihan kong makakasama ka? Paano kung hindi na kita makita? Paano kung mag-isa nalang ako?"

Ako nga dapat ang nagsasabi niyan.

"Edi kumapit ka nalang sa'kin...para hindi ka mahulog."

Pero nahulog na ako eh.

"Siguro kung bibitawan natin ang isa't-isa, pareho tayong masasaktan at mahuhulog."

Pero hinayaan mo naman.

"Masakit lang magpaalam...lalo na kung--ito na pala yung huli."

Huwag ka namang magpaalam o. Babalik ka pa, diba?

"Joke lang yun. Makikita ko pa naman kayo next year kapag nagpasukan na..."

Bakit nagsinungaling ka?

Binuksan ko ang aking mga mata at tiningnan ko ang pagbababa ng mga fountain. 

At hanggang sa oras na ito, nagbabakasakali pa rin akong makikita ko siya sa tapat ko, sa pagbaba ng mga fountain tulad ng mga nasa pelikula. Pero, ito pa rin ang realidad.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Where stories live. Discover now