Chapter 19 [EDITED]

130 17 2
                                    

Shin's POV:

"Oy, tulala kayo?" Ikinaway ni Insan sa pagitan namin ni Sandra ang kan'yang kamay at naputol ang aming tinginan.

"Ano naman ang ipinunta mo dito?" iritadong sabi ni Sandra.

"Date kita." sagot ni Insan sabay kumindat.

"Date?" gulat naming nai-sigaw ni Sandra. Nagkatinginan pa kami pagkatapos.

"Oo." sagot niya. "At sabay pa talaga kayo?"

Parang ang aga naman ni Insan para sa date. Kaka-kilala lang nila ni Sandra nung Biyernes, tapos date agad?

"N and O! No!" sabi ni Sandra.

"Joke lang. Di ito mabiro, eh." Ngumiti si Insan. "Gusto pa kitang makilala."

Inirapan lang siya nito.

"Wala akong oras para makipag-meet and greet. Hindi tayo close!"

Inakbayan ni Insan si Sandra, na siyang ikinagulat ko.

"Wala pang babae na hindi pumapayag sa gusto ko. Pagbigyan mo na kasi ako, Babe."

"Babe mong mukha mo!" inis na sabi ni Sandra sabay alis sa naka-akbay na kamay ni Insan sa kan'ya. "At tsaka ngayon ay meron nang tatanggi sa'yo!"

"Sus, wag nang papilit." malambing na sabi ni Insan sabay pinisil ang ilong ni Sandra. "Matatanggihan mo pa ba ang iyong gwapong boyfriend?"

"Asa ka!" sarkastikong sabi sa kan'ya.

"Hoy, hoy, hoy, hoy!"

Napalingon kaming tatlo nang aming marinig ang boses ng nanay ni Sandra. Nakakalaki ng mata ang nakita naming hawak nitong kutsilyo. Napaka-tilos at napaka-laki.

"Sino sa inyong dalawa ang boyfriend ng anak ko at papatayin ko na!" sabi nito habang itinututok sa aming dalawa ni Insan ang kutsilyo. Wala naman kaming nagawa kun'di ang magturuan na lamang.

"Ma, wala naman po talaga akong boyfriend. Mga kaibigan ko lang sila..." Tiningnan kami ni Sandra. "... at napag-usapan lang po namin ang tungkol sa boyfriend."

Hindi ko maiwasang mangilabot nang tingnan kami nang masama ng kan'yang nanay. Parang mamaya, matutunaw na kami ni Insan.

"Kayo talagang dalawa, napaka-bad influence niyo sa anak ko! Ang babata niyo pa, jowa agad ang inaatupag! Lumayas nga kayo! Layas sa pamamahay ko!"

"Ma, boarding house po 'to, Hindi bahay natin." singit ni Sandra.

"Ay, sabi ko nga." nahihiyang sabi nito, na siyang tinawanan ni Insan nang palihim. Maya-maya din ay bumalik na ito sa pagkagalit sa amin. "Umalis na nga kayo! Alis!"

***

Linggo. Kasalukuyang natutulog pa ako nang bigla na naman akong istorbohin ni Insan ng kan'yang napaka-lakas na sigaw.

"Tara, Insan, sisimba!"

Ha? Ang aga naman! Hapon pa naman ako sumisimba tuwing Linggo. At tsaka, kailan pa siya nahilig sa pagsimba, ni pagdadasal ay kinakatamaran niya.

"Pupuntahan uli natin siya."

Ah... Kaya naman pala.

"Ano bang plano mo ngayon?" tanong ko.

"Basta. Wag nang maraming satsat. Tara!" Itinulak niya ako mula sa kama, na siyang ikina-inis ko. "Ikaw ang magtuturo sa'kin kung saan siya sisimba."

Ha?

Nakakatamad naman.

"Insan!" sigaw niya muli.

"Eto na." sabi ko sabay bangon na habang kinakamot ang aking ulo.

"Oy, Insan, may kuto ka ba? Kahapon ka pa kasi kamot nang kamot sa ulo mo, eh!" pang-aasar ni Insan.

"Tinatamad lang." Nakangising sabi ko.

***

Pagdating namin sa simbahan, saktong nandoon na rin si Sandra, kasama ang nanay niya. Nasa may bandang unahan siya at si Insan naman ay nagmadaling umupo sa kanilang likod. Sumunod na lang ako sa kan'ya.

"Nandito rin kayong dalawa?" sabi ng nanay ni Sandra. "Bakit ba kayo sunod nang sunod sa amin, ha?"

"Magsisimba lang po kami. Masama po ba 'yun?" natatawang sabi ni Insan at isang simangot ang kan'yang natanggap.

"Lagot ka sa akin mamaya."

Tinawanan lang ni Insan ang sabi ng nanay ni Sandra pagtalikod nito.

***

Matapos ang misa, naisip kong umuna na kaagad kay Insan dahil naalala kong may galit nga pala sa kan'ya ang nanay ni Sandra.

"Insan, una na 'ko. May gagawin pa 'ko, eh." paalam ko.

"Sige."

Pagkasabi niya nun, agad akong lumabas ng simbahan at tumago sa mga halaman. Titingnan ko kung anong mangyayari kay Insan.

"Gandang araw, Tita." nakangiting bati ni Insan sa nanay ni Sandra, na tila ba'y nalimutan na yata ang atraso dito. Kakalabas pa lamang nila ng simbahan.

"Anong Tita, ha?" Hinampas bigla ng nanay ni Sandra si Insan ng dala nitong payong. "Ayoko sa mga taong bastos ang ugali!"

"Aray!" sigaw ni Insan sabay takbo papalayo. Hinabol naman siya ng nanay ni Sandra.

Sabi ko na nga ba, nakalimutan na niya ang tungkol doon.

Hay.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Where stories live. Discover now