Chapter 36

78 13 0
                                    

Sandra's POV:

Matapos ang event, bumulong si Shin sa'kin.

"Punta ka sa park bago ka umuwi. Susunod nalang ako sa'yo."

Huh?

"Bakit?" tanong ko.

Ngumiti siya sa'kin.

"Basta..."

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.

Hmm...bakit kaya?

***

Pumunta nga ako sa park, gaya ng sinabi sa'kin ni Shin at umupo muna ako sa isang bench para maghintay sa kanya. Ang pinili kong upuan ay yung katapat ng fountain para kitang-kita ko iyon.

Maya-maya ay may narinig akong tumugtog ng gitara at kasunod nun ay may kumanta. At yung kantang yun ay yung kantang hindi pamilyar sa'kin.

"Nang dumating ka sa'king buhay, nagkaroon ako ng kulay. Akala ko, tayo ay bagay. Yun pala, ikaw ay kaaway..."

Lumingon ako at nakita ko si Shin.

"Noon, ayaw ko talaga sa'yo, dahil sa iyong mga asar, loko at tukso. Ngunit bumaliktad ang ating mundo. At dahil dun, nagkabati din tayo..."

Lumapit siya sa'kin at binigyan niya ako ng bouquet at mga chocolates. Naramdaman ko na naman uli ang pagtulo ng mga luha ko. Ngunit pinunasan naman niya iyon.

Ngayon ko lang ito naranasan! Ang saya sa pakiramdam. Galing pa talaga sa kaibigan ko...

"Magkaibigan tayo. Kaibigan kita, kaibigan mo 'ko. Andito ako, kung ako'y kailangan mo. Sa isa't-isa tayo ay nangako, na hanggang dulo, ganito pa rin tayo..."

Teka, yun yung narinig kong kinakanta niya nung minsan!

Bago niya tapusin ang kanta, may isang linya sa kanta na hindi ko narinig.

"Ngunit bakit nga ba ako nahulog sa iyo?"

Napatayo ako sa aking kinauupuan at pumalakpak ako sa kanya.

"Ang galing! Ano bang title ng kinakanta mo? Luma na ba yan? Bago? O research?" sunod-sunod kong tanong.

Napakamot naman siya sa kanyang batok.

"Ah...Eh...Ako kasi ang gumawa nun." sabi niya.

Gawa niya? Edi ibig-sabihin...inisip pa niya yun?

"Pinaglaanan mo pa talaga yan ng oras? Eh dapat, hindi na. Pero...ang galing." sabi ko. "Pwede ka nang sumali sa banda!"

"Ah...s-salamat."

Ngumiti siya sa'kin.

"Happy Valentine's Day. Sorry kung hindi ko naibigay kanina yung bulaklak at chocolate." sabi niya.

Ngumiti ako.

"Ayos lang. Hindi ko naman inaasahan na bibigyan mo ako."

"B-basta para sa kaibigan ko, hindi ko nalilimutan."

Mahalaga ako sa kanya. Eh bakit nga kaya sa dinami-dami ng tao na naging mahalaga sa buhay ko, nalimutan ko siya, siya na hindi nang-iwan sa akin.

Bakit ngayon lang? Bakit hindi ko pa yun naisip noon?

"Gusto mong mag-count down?" tanong niya nang hindi nakatingin sa'kin.

Huh? Bakit kaya?

"S-sige...?"

"Ngayon, ipikit mo ang mga mata mo."

Ipinikit ko ang aking mga mata at sabay kaming bumilang ni Shin.

"...3...2...1....0!"

Iminulat ko na ang aking mga mata at nagulat nalang ako nang may nakita akong mga fireworks sa langit at bumubuo pa ito ng mga salita.

Happy Valentine's Day, Sandra! 

Wow. Pati ba naman ito, pinaghandaan niya?

"A-ayos ba, Sandra?" tanong ni Shin. "Pasensiya ka na mumurahin lang ang nabili ko."

"Ayos lang. Nagustuhan ko nga eh." sabi ko.

...

Masaya na ako dito sa Pilipinas. Kontento na ako. Parang ayoko na ding umalis...

Dahil may isang dahilan pa para manatili ako.

Tiningnan ko si Shin.

"Oo nga pala, bakit hindi mo isinayaw ang ka-partner mo sa Valentine's Date?" tanong ko.

Tumingin siya sa'kin.

"Ah...eh...umayaw sa'kin yung ka-partner ko. N-naaapakan ko daw lagi ang paa niya." nahihiyang sagot niya.

Tumawa nalang ako at sumabay din siya sa pagtawa.

...

Gusto ko pang manatili...pero kailangan kong umalis.

Shin's POV:

Kinabukasan, magkakasabay kaming Tropang Ez na pumasok sa school. Tahimik lang kami nang biglang tumawa si Insan. Tiningnan pa niya ako na parang may nakakatawa sa'kin.

"Insan, galing ng da-moves mo kahapon ah!" inakbayan niya ako.

Sabay naman kaming napasigaw ni Sandra.

"Friendly date nga namin!"

Tss. Kung ano-ano ang sinasabi.

Sumingit si Mangkukulam.

"Friendly date? Wow! Walang ganon kaya!"

Nagkatinginan sila ni Insan at sabay silang nagsalita.

"Wag niyong sabihin...kayo na?!"

Sabay naman kami ni Sandra.

"Sinabing hindi nga!"

Humarap si Mangkukulam kay Insan.

"Hoy! Huwag mo ngang ginagaya ang mga sinasabi ng mga magaganda! Bawal ang panget!"

Ginaya naman ni Insan ang sinabi ni Mangkukulam pero sa matinis na tono ng boses.

"Hoy! Huwag mo ngang ginagaya ang mga sinasabi ng mga magaganda! Bawal ang panget!"

"Wow! Nagsalita ang panget!" sabi ni Mangkukulam.

"Wow! Nagsalita ang panget!" ulit ni Insan.

Nainis naman si Mangkukulam at sinambunutan niya si Insan. At si Insan ay nagmamakaawa sa kanya.

Tiningnan ko naman si Sandra at nakita kong nakangiti siya kina Mangkukulam at Insan.

May nararamdaman pa rin kaya siya kay Insan? O natutunan na niyang bumitaw?

...

Sana...ako naman.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Where stories live. Discover now