Chapter 30

95 14 0
                                    

Sandra's POV:

Matapos ang January 1, dumating na naman ang pasukan. Kasalukuyan naman kaming magkakasama nina Aira, Ariz, at ako. Uwian na kaya magkakasabay kaming naglalakad pauwi. Si Shin umuna na muna sa amin para mag-aral sa bahay.

"O sige mga Amigas, there's my house at uuna na ako." sabi ni Aira. "Babush!"

Nagpaalam kami ni Ariz sa kanya. Matapos nun, tumakbo na si Aira papunta sa kanyang bahay. Kami naman ni Ariz ay naiwang tahimik na naglalakad nang sabay.

Awkward.

"Sandra..." bigla niyang binasag ang katahimikan.

Tumingin naman ako sa kanya.

"Hmm...?"

Tiningnan din niya ako.

More awkward...

...

"Gusto kita..." seryoso niyang sabi.

Totoo ba ang sinabi niya? O nagsisinungaling lang siya?...Pero, bakit parang seryoso siya?

"Ikaw...ano ba ako para sa'yo?" tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi ko sinagot ang tanong niya.

Nahulog na din ako...

Pero...paano ko ba sasabihin?

"Pwede ba kitang ligawan?"

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Paulit-ulit sa utak ko yung mga sinabi niya...na sinabi din sa'kin noon ni Niko. Parang ang lahat umuulit. Yung pakiramdam ko nung sinabi niya yun, umuulit.

Paano kung ganon din siya? Paano kung lahat sila magkakatulad? Paano kung masaktan ako muli? Paano kung mapili ko na naman ang maling tao?

Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko at sumabay din dito ang pagbuhos ng ulan.

"Ayos ka lang, Sandra?" tanong niya.

Hindi ko napigilan ang pagluha ko. Hindi ko na nasagot ang tanong niya at imbis ay tinakpan ko nalang ng kamay ko ang aking mga matang lumuluha.

"Makikinig ako...Sabihin mo sa'kin kung bakit?"

...

Sinagot ko siya.

"Gusto kita! Pero ayoko nang maloko! Ayoko nang masaktan! Paano kung maging katulad mo siya? Paano kung saktan mo rin ako?...Natatakot ako eh."

"Sandra, ano ba ang mga pinagsasasabi mo? Sino ba iyang tinutukoy mo?" tanong niya. "...yun ba yung gagong Niko?"

P-paano niya nalaman?

Kinuha niya ang mga kamay kong nakataklob sa aking mga mata at hinawakan niya iyon. Matapos nun ay ini-angat niya ang mukha ko para magkatinginan kami sa mga mata ng isa't-isa.

"Kung inaakala mong magiging katulad niya ako, huwag mo sanang paniwalaan yun. Huwag ka munang manghusga. Hindi mo pa ako kilala. Hindi kita sasaktan dahil mahal kita!" sabi niya.

Sa wakas din ay tumigil ang pagpatak ng mga luha ko. Tumila na din ang ulan.

"Pwede ba? May pag-asa ba?"

Tiningnan ko lang muna siya bago ako sumagot.

"Sige, pero para sa chansa lamang."

Niyakap niya ako pero agad ko ding inalis iyon at matapos ay umalis na ako.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Where stories live. Discover now