Chapter 2 [EDITED]

355 24 8
                                    

Shin's POV:

Nakaka-asar. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba 'yun nasabi sa kan'ya. Ngayon, naipit tuloy ako. Sigurado akong iba ang maiisip niya.

Kailangan kong gumawa ng paraan bago niya bigyang-malisya ang aking sinabi.

"I-Ibig sabihin ko pala ay ..." Iniisip ko pa lang ang kasunod kong sasabihin nang sundan kaagad ito ni Sandra.

"Ay ano?..." Humalukipkip siya.

Damn.

Kinabahan ako bigla sa kan'yang titig kaya napa-iwas ako ng tingin.

"K-kausap ko siya ... kanina..." Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi, habang patuloy pa ding humahanap ng salitang bibitawan ko. "A-at tinatanong pa nga niya kung kamusta ka raw?"

"Seryoso ka?" sarkastiko niyang sabi sabay itinaas ang isang kilay. "Ako ba yung tinutukoy mo?"

Lumaki bigla ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Iniisip ba niya na gusto ko siya?

Napakamot ako sa aking batok dahil sa kahihiyan. Tumahimik ang paligid kaya mas lalong hindi ako naging kumportable.

"K-kausap ko siya kanina. T-tapos, ngumiti siya sa'kin nang sobrang laki. Tapos, ganito pa yun oh." Ngumiti ako nang sobrang laki, yung labas lahat ng aking ngipin. Gusto ko siyang patawanin para maiba yung usapan.

Humalakhak nang sobrang lakas si Sandra. Pinagmasdan ko naman siya.

Parang ang saya sa pakiramdam na may napapatawa. Bagay kay Sandra na laging naka-ngiti. Isama mo pa 'yung tawa niyang wagas.

Bumalik din agad ang seryoso niyang mukha nang tumigil na siya sa pagtawa. Pagkatapos nun ay binigyan niya ako ng isang masamang tingin.

Patay.

"Itigil mo na nga iyan! Alam ko naman na..."

Mali. Mali yung iniisip niya!

"Nagkukunwari ka lang!"

"H-hindi yun totoo. Joke lang 'yun." depensa ko. Nagtama naman sandali ang aming paningin at lumapit siya sa'kin. Sobrang lapit, na magkatapat na ang aming mukha.

Ewan ko, pero hindi ako maka-hinga nang maayos ngayon- baka kasi mabaho pala ang hininga ko, tapos masinghot niya. Pero, bakit ba ako nagkakaganito? Bakit nag-uunahan na naman sa pagtibok ang dibdib ko?

Siguro, kinakabahan?

Agad akong umiwas ng tingin. Tumungo ako.

"Hindi ka nagsasabi ng totoo. Hindi mo nga kayang tumingin nang diretso sa akin." sabi niya.

Naramdaman ko ang mainit niyang mga palad sa aking pisnge. Kan'ya itong inangat para maiharap sa direksyon niya.

"Tumingin ka sa akin... sa aking mga mata."

Ang mga mata kong nakatingin sa ibaba ay ipinunta ko diretso sa kanyang mga mata.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ang hirap ipaliwanag kung ano nga ba ang aking nararamdaman. Natataranta ba? Natatakot? O sadyang hindi kumportable?

"Hmm...wala akong mabasa sa mga mata mo. Hindi ko nga rin alam kung ano ba ang tumatakbo sa iyong utak. Siyempre, hindi naman ako psychologist." naka-ngising sabi niya.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora