Chapter 1 [EDITED]

721 26 23
                                    

Sandra's POV:

Napatingin na lamang ako sa bintana ng aming classroom, habang nagtuturo ang aming prof ng isang boring na subject. Nakita kong umuulan na naman at hindi ko mapigilang mapa-ngiti sa mga nakikita kong bawat patak nito.

Parang mga luha lang kung titingnan.

Sabi ng iba, kapag umuulan may nasasaktan. Hindi pisikal, pero emosyonal. Sa madaling salita, nasaktan sa pag-ibig.

Ngayong umuulan, naaalala ko siya. Naaalala ko yung mga oras na magkasama kami— yung unang pagkakataon na nakilala ko siya, at yung mga oras na naradaman ko ang pag-ibig.

Masaya, ngunit malungkot din pala kapag umibig ka. Wala kasing perpekto sa mundo. At ang aming istorya ay nagsimula at natapos sa pagpatak ng ulan.


*-*-*-Flashback*- *-*

Fourth year highschool. 4:00 PM.

Kasalukuyang labasan na namin. Mag-isa lamang siyang naka-upo doon sa dulong bench, habang basang-basa na sa ulan.

Nung mga sandaling iyon, naglalakad ako. Hawak ko ang aking pulang payong, na nagbibigay proteksyon sa'kin mula sa ulan. Nakangiti akong tumingala sa itaas para tingnan ang pagpatak nito. At pagbalik ko ng aking tingin sa daan, nakita ko siya.

Natigil ako saglit sa paglalakad, pinagmamasdan lamang siya— iniisip kung ano nga ba ang ginagawa niya doon.

Lumapit ako sa kan'ya sabay isinukob ang aking payong. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko, dahilan para mapatingin sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti nang mapansing mukha siyang malungkot.

"Ayos lang 'yan. Marami ka pang magiging dahilan para maging masaya."

Tumingin ako nang diretso sa mga mata niyang itim at singkit. Mukha naman siyang natauhan sa aking sinabi.

"Salamat." sabi niya sabay ngumiti pabalik.

Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nagulat na lang ako sa kasunod na nangyari.

Niyakap niya ako.

Hindi ko alam kung bakit iba yung pakiramdam ko sa yakap niya. Nag-uunahan sa pagtibok ang aking puso, at saka ko lang napansin na naka-ngiti na ako.

Pag-kalas niya sa pagkakayakap sa'kin, bigla niyang itinapon ang aking payong at hinila ako patungo sa ulan.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang