Chapter 15 [EDITED]

112 17 6
                                    

Sandra's POV:

Si Shin ang pinsan niya!

Tatawa ba ako, maiinis, o maasar? Hindi sila magkamukha! Hindi ako makapaniwala.

"Pinsan mo siya?" gulat kong tanong kay Shin. "Bakit hindi kayo magkamukha?"

"Oo." sagot niya.

"Bakit? Ako gwapo, tapos siya mukhang kulugo?" nakangiting sabi ng pinsan ni Shin.

Ang hangin. Tsk. Kabaliktad ng ugali ni Shin!

"Teka, magkakilala kayo?" tanong ni Shin habang nakatingin sa aming dalawa.

Umiling ako.

"Hin—"

"Oo!" sabi ng stranger sabay umakbay sa akin. "Insan, girlfriend ko nga pala."

"Ano?" sabay naming nai-sigaw ni Shin.

Loko talaga 'yun! Akala niya, sasagutin ko ang mga tulad niya?

"Huwag ka ngang maniwala dito! Hindi kami magkakilala nitong bastos at manyak na ito!" Agad kong inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Ano?" gulat na sabi ni Shin. Nilapitan niya ako sabay sinigurado na ayos lang ako. "May ginawa ba si Insan sa'yo?"

"Insan naman, kung makapag-alala ka diyan ay wagas." sabat ng pinsan niya. "Kayo ba?"

"H-hindi." sagot ni Shin.

"Akin ka na lang." Muli siyang ngumiti sa akin nang nakakaloko at inikot ko na lamang ang aking mga mata. "Ano bang pangalan niya, Insan?"

"Ahh...si—"

"Huwag!" Bago pa masabi ni Shin ang aking pangalan, tinakpan ko na kaagad ang kan'yang bibig. "Don't you dare na sabihin ang pangalan ko diyan!"

"Bakit?"

"Basta." Humalukipkip ako't tiningnan nang masama ang pinsan niya. "Sigurado kasi akong malayo ang ugali nito sa'yo."

"Pogi at good boy 'to." sabi ng kan'yang pinsang GGSS. Gwapong-gwapo sa sarili.

Lumapit siya sandali sa akin sabay yumuko upang maging pantay lamang ang aming mga mukha.

"Gusto kita..."

Loko.

"At sa tingin mo, magugustuhan kita?" maldita kong sabi.

"Gusto kitang... ihagis!" Ngumisi siya sabay bumulong. "Huwag kang assuming."

Hinawi niya ang kan'yang buhok, sabay ngumiti, at kumindat uli. Siguro, may sakit na talaga ito sa mata.

"Shin, pagsabihan mo nga 'yang kakambal mo! Itinulak ko kay Shin ang kan'yang pinsan.

"Shin, pagsabihan mo nga 'yang kakambal mo!" ulit ng pinsan niya sa tono ng nang-aasar.

Bwisit naman.

"Chill ka lang. Wala ka namang lasa."

"Ang yabang mo, mukha ka namang adik!" Sinambunutan ko siya nang malakas.

"Aray! Tama na!" sigaw niyang paulit-ulit.

Ngumiti ako nang nakaka-insulto.

"Gusto mo, i-todo ko pa?"

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon