Chapter 34

81 12 7
                                    

A/N: Hi guys! Malapit na uli ang pasukan. :( Sana matapos ko na ito kaagad ASAP. :) BTW, if may mga questions kayo, feel free to ask me and feel free na magpahayag ng inyong thoughts about the story. Thank you! <3 :)

Sandra's POV:

Matapos ang klase ngayon, dumeretso na ako sa pagpa-plano ng dekorasyon sa aming campus. Hindi naman nagtagal ang pagpa-plano ko kaya mabilis din akong natapos.

Ngayon, kasalukuyan akong naglalakad sa hallway at bigla akong napadaan sa isang bakanteng room. Binalewala ko lang iyon pero nang may marinig akong boses galing doon, bumalik ako.

Pamilyar ang boses pero yung kinakanta niya, parang ngayon ko lang narinig. Sinabayan pa niya ng isang hindi pamilyar na tono sa gitara.

Nang makarating ako sa may tapat ng bakanteng room, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ko kung sino ang kumakanta.

S-si Shin?!

Maganda ang mensahe ng kanyang kanta pero para saan naman kaya? Anong kanta naman ang kinakanta niya? Hayae na. Papanoorin ko nalang siya nang tahimik.

...

"Uy, Sandra andiyan ka pala!" bigla nalang may nagsalita.

Napatingin naman sa'kin si Shin pero agad kong isinarado ang pinto.

Lagot.

Humarap ako sa taong tumawag sa'kin.

Bakit ba naman kasi binanggit pa ang pangalan ko?

"B-bakit?" tanong ko.

"Ayos daw ang plano mo, sabi ng organizer." sabi niya. "Sige, una na ako. Keep it up!"

Yun lang naman pala ang sasabihin. Tinawag pa talaga ako.

Hay.

Humarap nalang ako uli sa pinto at bubuksan ko sana iyon nang biglang bumukas iyon. Bumungad pa sa harapan ko si Shin.

"Sandra? B-bakit ka nga pala nandito?"

Shems. Ano ba ang sasabihin ko?

"Ah...napadaan lang ako dito." sabi ko.

Oy, anong klaseng sagot yan?

Napatingin naman siya sa may bintana ng bakanteng room.

"Gabi na pala." sabi niya.

Napatingin din ako sa may bintana.

"Oo nga."

Aalisin ko na sana ang aking paningin sa may bintana nang may makita akong umiilaw sa ulap. Lumapit naman ako sa may bintana at tiningnan ko iyon nang malapitan.

Shooting stars!

Agad kong pinuntahan si Shin at hinila ko ang kanyang kamay. Matapos nun ay tumakbo na ako nang sobrang bilis.

"O-oy, saan ba tayo pupunta?" tanong niya.

Ilang segundo ay nakarating na kami sa rooftop. Pinagmasdan ko naman nang mabuti ang ulap at nakita kong hindi pa bumabagsak ang mga shooting stars.

"Tara, mag-wish tayo bago mahulog yun." sabi ko kay Shin.

Tiningnan niya lang ako. Matapos nun ay sabay kaming tumingin sa mga shooting stars at humiling na kami sa aming mga isip lamang.

Matapos naming humiling, sabay kaming nagkatinginan ni Shin at nagka-ngitian pa kami sa isa't-isa.

Sana magkatotoo ang hiling ko... 

...

Siya kaya? Ano ang wish niya?

***

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang February 14. 3:00 P.M. ang simula ng event kaya maaga akong pumunta sa school para mag-decorate ngunit pagkadating ko ay halos walang katao-tao sa stage court. Wala din ang mga tutulong sa'kin.

Siguro, mamaya pa ang dating nila.

Naghintay ako ng kaunting minuto pero wala pa ding dumadating. At dahil dun, nagsimula na akong mag-decorate ng aming campus.

...

Maya-maya ay may narinig akong mga nagtatawanang babae. Pero hindi ko nalang sila pinansin.

Ngunit narinig ko ang kanilang ipinagbu-bulungan.

"Oh, si Sandra pala ang decorator natin. Ang malas naman!"

"Oo nga. Bagay naman talaga sa kanya na maging decorator nalang kaysa sa magkaroon ng ka-date."

"Boyfriend stealer na nga, malandi pa!"

Lumingon ako at nakita ko ang tatlong kaklase kong babae. Matapos nun ay pinuntahan ko sila. At dahil sa galit, ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa kanila.

"Ano ba ang pakialam niyo?! Ang bilis niyo naman kasing mang-husga! Tao din naman ako at nagkakamali at kung nasa sitwasyon ko kayo, sigurado akong ganon din ang iisipin sa inyo ng iba!"

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko. Tiningnan lang nila ako at matapos ay nilampasan pa. Lumingon ako at nakita ko sila na dumeretso sa parte na nilalagyan ko ng dekorasyon.

"So cheap!"

"Eww!"

"Disgusting!"

Sinira nila bigla ang mga ginawa kong decorations at nagtawanan pa sila. Matapos nun ay ngumisi sila sa'kin at umalis na sila.

Wala akong nagawa para pigilan sila. Lumuha lang ako.

Hindi nagtagal, pinunasan ko na ang aking mga luha at umulit na naman ako sa simula.

...

Ilang oras ay nagawa ko na din ang mga dapat kong gawin. Malapit na akong matapos pero ang kulang nalang ay ang heart na ilalagay ko sa center.

Teka, asan nga ba yun?

Lumingon-lingon ako para hanapin yun at bigla nalang akong nagulat nang makita ko si Shin. Dahil dun, napasigaw at nahulog ako. Pero kung sinuswerte nga naman, sinambot niya ako.

"Ayos ka lang?" tanong niya. "Ah...heto nga pala yung center heart." 

Binigay niya sa'kin yung center heart at itinayo niya ako.

"S-salamat." sabi ko.

Umakyat na ako muli sa hagdan at ikinabit ko na ang center heart.

"By the way, ano nga pala ang ipinunta mo dito?" tanong ko.

"Eh...ikaw."

Seryoso?

"A-ako?"

"Ah...G-gusto ko lang kasing bumati sa'yo ng Happy Valentine's eh."

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ay, Happy Valentine's din. Dapat hindi ka na pumunta dito, kung pupuntahan mo lang naman ang napaka-walang kwentang tao sa mundo."

Tiningnan niya lang ako.

"H-hindi ka naman walang kwenta. Kung sa iba, iyon ang iniisip nila ... p-para sa'kin, mahalaga ka."

Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa'kin.

Siguro, ikaw nalang talaga ang meron ako.    

...

Pinahidan ko siya ng pintura sa mukha. Pinahidan din niya ako pabalik. Nagpatuloy lang kami sa pagpapahidan at pagtatawanan hanggang sa tulungan na din niya ako sa pagdadagdag pa ng mga decorations.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Where stories live. Discover now