Chapter 38

66 12 2
                                    

Shin's POV:

Kinabukasan, pumasok na si Sandra sa school. Nawala na ang pangamba ko sa mga nasabi niyang salita sa akin dahil sa nangyari kahapon. At ngayon, kasalukuyang nasa stage court kami dahil pinagtipon-tipon kami dito

"Attention to all college students! Since, magtatapos na ang school year, there will be a masquerade ball for everyone sa March 16. At dito, pwede na kayong pumili ng gusto niyong maka-partner sa sayaw. Ang lahat ay kasali dapat. Walang K.J. sa closing of school year!" sabi ng announcer.

Hinanap ko naman si Sandra at nakita kong may ilan na lumapit sa kanya para akitin siya sa magaganap na event sa school. May ilang sikat na lumapit sa kanya pero tumanggi siya. At isa lang lagi ang sasabihin niya.

"Hindi ako pwede. May hinihintay ako."

Si Insan kaya ang tinutukoy niya?

Siguro kung aakitin ko siya, ganyan din ang magiging sagot niya sa'kin. Siguro din, kailangan ko na atang humanap ng iba. Yung mga sikat at mahitsura, nakaya niyang tanggihan. Ako pa kaya?

Tumalikod na ako at saktong aalis na sana ako nang biglang may pumigil sa'kin. Kinuha pa niya ang kamay ko.

At lumingon naman ako.

"S-Sandra?"

Tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata.

"Partner tayo."

A-ako? Ako na hindi sikat, gwapo, at macho? Bakit kaya?

...

Siguro dahil magkaibigan nga kami...O kaya, dahil may napili na si Insan na iba.

Tiningnan ko si Insan at nakita kong wala pa siyang ka-partner.

Hindi siguro.

"S-sige." sabi ko.

Inilahad niya ang kanyang pinky finger. Inilahad ko din ang aking pinky finger at ipinatong ko iyon sa kanyang daliri.

"Bestfriends Forever!" sabi niya at ngumiti siya sa'kin.

***

Dumating ang labasan at mag-isa akong naglalakad ngayon nang makasalubong ko si Mangkukulam.

"Sino nga ba yung ka-partner mo sa ball?" tanong niya sabay ngisi sa akin. "Edi si Sandra, diba?"

Sinamaan ko siya ng tingin at natandaan ko nalang bigla yung sinabi niya sa'kin kahapon.

"Sama ng ugali mo. Sabi mo mamamatay na si Sandra...?" sabi ko.

Tumawa naman siya nang sobrang lakas.

"Hoy! Wala naman akong ginagawang masama, ah! Hindi mo muna kasi ako pinatapos. Ang sasabihin ko ay mamamatay na yung lola niya kaya siya nandun! Engot!" sabi niya.

Ah...

"Kung maka-react, wagas! Akala mo si Sandra yung namatay ano?" tanong niya at siniko niya ako. "Wow! Masyadong caring ata tayo tol, ah!"

Tss.

"Hindi. Nag-aalala lang ako doon sa lola niya." palusot ko.

"Sus! Pakunwari ka pa! Ano naman pati ang kinalaman ng lola niya sa buhay mo?"

"Wala."

Dumating naman si Sandra.

"Ay buti naman nandito ka na." sabi ni Mangkukulam. "Sino nga pala ang ka-partner mo sa ball?"

"Si Shin." sagot ni Sandra. "...magkaibigan naman kami eh."

"Ouch!" sigaw ni Mangkukulam at bumulong pa siya sa'kin. "Friend-Zone!"

Sinabi mo pa.

"Eh sino naman ang ka-partner mo, Aira?" tanong ni Sandra.

"Wala pa rin. Single lang ako." sagot ni Mangkukulam.

Dumating naman si Insan.

"Ano? Wala ka pa ring ka-partner?" tumawa siya. "Palibhasa, panget kasi!"

Kinurot siya ni Mangkukulam.

"Eh ikaw? Sino bang ka-partner mo?!"

Tumigil naman si Insan sa pagtawa at nanahimik siya sandali.

"Wala din."

Tumawa nang mas malakas si Mangkukulam.

"Sa hitsura mong yan, walang pumatol sa'yo? Grabe din ang kapangitan mo, noh?"

"Single siya. Single ikaw. Bakit hindi nalang kayo?" tanong ni Sandra.

Nagkatinginan sina Mangkukulam at Insan.

"Kami? Ayoko nga!" sabay nilang sabi.

"Pero dahil walang pagpipilian, sige na. Siya na." sabi ni Insan.

Sumigaw naman si Sandra para sa kanila.

"Alam niyo, bagay kayo." sabi niya.

"Mas bagay kayo!" sabay nilang sabi sa amin ni Sandra.

***

Sa paglalakad namin pauwi, natira na lamang kami ni Sandra. Si Insan at si Mangkukulam ay umalis na kaagad.

"Shin..."

Humarap ako sa kanya.

"Punta tayo sa may tabing-dagat." pagpapatuloy niya.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla niya akong hilahin at kaladkarin papunta sa tabing-dagat na malapit sa school namin.

Nang makarating na kami doon, umupo na muna kami sa isang duyan na nakasabit sa tabi. Matapos nun, pinagmasdan namin ang paglubog ng araw sa may dagat.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napakanta.

"Magkatabi tayo sa duyan sa ilalim ng buwan. Buhangin sa ating mga paa. Ang dagat ay kumakanta..."

Bigla ding kumanta si Sandra at tiningnan niya ako.

"Matagal naring magkakilala. Minahal na kita simula pa nung unang, unang makita ang iyong mga mata..."

Ngumiti naman ako sa kanya at sabay na kaming kumanta.

"Sana ay h'wag nang matapos tong pagibig na para lamang sa iyo. Gusto kong Tumalon, tumalon sa saya dahil ikaw ang kapiling. Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang ang puso ko. Sumayaw, sumayaw, sumayaw tayo sa ilalim ng araw."

Pinagmasdan ko ang paligid. Lumalabo na ang kulay ng mga ulap at mararamdaman na din ang malamig na ihip ng hangin.

Parang isang panaginip.

Ang ganda ng paligid. Ang ganda niya...Ano na naman ba ang sinasabi ko?

"Hindi ko din malilimutan ang araw na ito. Mamimiss ko ito." sabi niya nang hindi nakatingin.

"A-ako din..." sabi ko.

Bakit na naman niya sinasabi yun?

"Ano ba ang mamimiss mo sa araw na ito?" tanong niya.

"Yung magandang paligid. Yung malamig na simoy ng hangin. Yung sabay nating pinagmasdan ang paglubog ng araw." sagot ko.

At ikaw.

"Ikaw ba?" tanong ko.

"Hmm...lahat. Basta lahat." sabi niya. "Basta ayokong malimutan ang miski isang pangyayaring mahalaga sa buhay ko."

Ako din. 

...

Ayaw kong malimutan ang lahat.

(FZLF) Friend Zone lang, Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon