Epilogue

1 0 0
                                    

3 years later...

I stared at the ceiling as I lie flat on my bed. Kakatawag lang ni Roll sa akin kanina, at tinanong ako kung aattend ba ako ng graduation ni Kirsten mamaya. Nagdadalawang-isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na makikita at makakausap ko ulit siya. We both distanced ourselves and ignored each other's presence after our small talk three years ago.

Tumayo ako at pumunta sa walk-in closet ko para maghanap ng damit kung sakaling maisipan kong pumunta. Sa halip na maghanap, tumingala ako at inabot ang isang box na naglalaman ng mga gamit ko. Binitbit ko ito papunta sa kama at nilapag sa sahig.

The blue polo shirt greeted me when I opened the box. Kinuha ko ito at ilalagay na sana sa donation box nang may maliit na bagay na nahulog mula dito. All this time it was just inside this box. Umabot pa kami sa warehouse ng org ni Irene para hanapin ang cellphone ko tapos nandito lang pala.

Tumayo ako at hinanap ang charger nito. I wasn't expecting anything from a phone that hasn't been used for four years but messages from an old friend popped out when I turned my phone on. Hindi ko nagawang basahin ang ibang text niya dahil sa huling sinend niya.

Miss Senior High:

Hi, Kuya Engineering, or should I say Par HAHAHA

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone dahil sa text niya. Tinignan ko ang date nito at ito yung panahong sinabi ko kay Kirsten na nawala ang cellphone ko.

Miss Senior High:

Nagulat ka rin no? Nagulat din ako noong nakita ko ang pangalan ko sa phone mo. I can't believe it was you all along. What are the odds that the person I admire from afar, the friend I had in the long run, and the guy who texts me in the evening are all the same?

I was glad that you lost your phone, that way you won't be able to talk to Miss Senior High again, and I won't have to text you as well. Nilalayuan kita dahil ayokong mauwi sa wala ang panliligaw mo kay Gwen pero kinakausap kita gabi-gabi. What a hypocrite.

Dali-dali akong nagbihis at umalis ng bahay. Tinignan ko ang oras at mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko.

Jarren, gusto kita.

Akala ko paghanga lang itong nararamdaman ko; somehow, you reminded me of my late friend, and you filled the void that she left in me.

I promised myself that I won't shed a tear for a man, pero andito ako at umiiyak dahil alam kong iba ang mahal mo. Una pa lang alam kong talo na, anong panama ko sa babaeng minahal mo at mamahalin mo pa?

I impatiently tapped the steering wheel habang tinititigan ang traffic light – nagbabakasakaling mag-iiba ang kulay nito. Tinignan ko ulit ang oras at naisipang paliparin na lang ang sasakyan para makaabot sa destinasyon ko.

People come and go in your life, some give you lessons, and some help you in making your life beautiful and livable.

I'm just your filler note Jarren, just someone to beautify your world, and eventually, you'll find a better bass riff to make the sound more wonderful than before.

I hope when I end this, my feelings for you will also go with it. Pero hindi naman ganoon kadali ang pag-momove on, so I'll savor this feeling until it's empty.

It's been a year since I last set foot inside the campus. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tarpaulin na nakikita ko sa entrance ng University. I just graduated last year, and yet here I am again... attending another graduation.

Nahirapan pa akong maghanap ng parking space na malapit sa gym kaya sa H ko na lang ito pinarada at tinakbo ang distansya mula building at gym. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Roll.

"Nasaan ka?" tanong ko habang hinahabol ang hininga ko.

"Oh, I thought hindi ka pupunta?" he snickered before sighing. "You're so hopeless, Jarren. Ano nalang ang gagawin mo if wala kami sa tabi mo?" nagtatanong lang ako kung nasaan siya pero iba ang sinasabi niya. Hanggang ngayon, pabugtong pa rin siya kung magsalita. "Left wing, malapit sa electric fan,"

Huminga ako nang malalim bago tumakbo ulit. My heart kept on beating fast as I climb the small steps inside the gym. Kumaway si Roll nang makita niya ako kaya dali-dali akong naglakad palapit sa kanya.

"Good timing, malapit nang tawagin si Kirsten," sabi niya at ibinalik ang atensyon sa stage kung saan umaakyat at bumababa ang mga estudyante para sa diploma nila.

"Dela Cruz, Kirsten Isabelle E." lumipat ang tingin ko sa isang pigurang biglang tumayo at naglakad papunta sa stage. Her maroon toga glistened as she climbed upstage. Malapad ang ngiti niya habang nakikipagkamay sa Director namin. Huminto siya sa gitna at napalinga-linga habang pinipicturan siya ng photographer.

Sa wakas, nagtama ang paningin namin. Her smile widened as she gazed at me, her terrifying eyes disappearing as her face reflected pure joy. I smiled proudly and it's my turn to give her a thumbs up.

Hindi naman tayo talaga, pero pinapalaya na kita.

•°•🎶•°•

The End

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon