Chapter 28: Between You and Me

6 1 0
                                    

Na-iimagine ko na ang mga mukha nina Jasper at Roll kung sakaling nakikita nila akong nakatayo sa mahabang pila dito sa Y-building. Halos malukot na ang folder na naglalaman ng mga documents ko kakapaypay ko sa sarili ko dito sa loob ng building. Dapat pala sumabay na lang ako sa kanilang dalawa nung nag-aya silang magpa-enrol last week.

Sumilip ako mula sa likod para tignan kung ako na ba ang susunod, kaso napakalayo ko pa sa desk – mga sampung estudyante pa yata bago ako – buti na lang at ito na ang huling step ng enrolment kaya pagkatapos kong ipasa ang form ko sa counter at makuha ang schedule ko, makakahinga na ako nang maluwag.

"Par!" lumingon ako sa katabing linya namin at nakita si Kirsten doon, kumakaway. Kumurap-kurap pa ako para malamang hindi ako naghahallucinate. Himala, siya ang unang pumansin. Ngumiti ako sa kanya at kumaway rin. "New phone?" ngumuso siya sa hawak kong bagay kaya napatingin din ako.

"Ah, oo." nahihiya kong sabi. "Nawala ko kasi yung dati kaya bumili ako ng bago." binalik ang tingin ko sa kanya at nakitang biglang nag-iba ang tingin niya – a hint of understanding.

True to her words, binilhan nga ako ni Irene ng bagong cellphone at yung pinaka-latest model pa. Nanghihinayang pa rin ako at minsan ay hindi ko maiwasang mapapatingin sa ilalim ng kama at sofa, at nagbabasakaling bigla na lang itong lilitaw. Sabi nga nila, kung kailan hindi mo na hinahanap saka pa magpapakita.

"Hindi mo kasama sina Roll?" ngumiti ako nang nakakaloko sa tanong niya.

"Bakit mo hinahanap? Crush mo no?" pang-iintriga ko, dahilan para mapailing siya sabay ikot sa mata at bumuntong-hininga. "Aminin mo na kasing crush mo yung tao. Malay mo willing pala akong tumulong," biro lang dapat ito pero iba yung nararamdaman ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon. Hindi ako natutuwa.

"You're hopeless." she surrendered bago hipan ang naliligaw niyang buhok paalis sa mukha niya. "What made you think na gusto ko si Roll?"

Actually, wala, maliban doon sa lagi silang sabay pumunta sa practice room. May ilang beses ding nakikita kong nakatitig siya sa kaibigan ko habang nag-uusap kami ni Roll. Minsan nga gusto ko na lang iharang ang sarili ko para hindi niya makita si Roll, pero ang weird naman ata nun; isipin pa nilang nagseselos ako. Ba't naman ako magseselos, may girlfriend na ako?

"Pinaglihi ka siguro sa Oceanic crust," komento niya at umabante sa pila, "o 'di kaya sa osmium,"

Kung nagjojoke siya, hindi ko naintindihan. Matalino ako pero pang Sheldon Cooper ata na IQ ang kailangan para maintindihan ko ang sinasabi niya.

"Willing akong maging tulay niyo ni Roll." iniba ko na ang topic dahil baka malilipat na sa Physics ang usapan namin nang wala sa oras. "Sabihin mo lang." 

A part of me felt like a deflating balloon going all over the place as I made the offer. Hindi ko na talaga maintindihan itong nararamdaman ko. May girlfriend na ako for Pete's sake, ba't ba ako nagkakaganito. Pakiramdam ko niloloko ko lang si Gwen dahil sa gulo ng isip ko.

"If I were Cupid, hindi ko ipapasa ang trabaho ko sayo." humalukipkip siya at mahinang umiling habang tinitignan ako na parang disappointed siya. "Baka sa maling tao mo kami ibigay."

Hinawakan ko ang dibdib ko at tinignan siya na para bang nasaktan ako sa sinabi niya. Narinig ko ang magandang tawa niya habang nawawala ang kanyang mga nakakatakot na mata dahil sa tuwa. Muntik ko nang isumpa ang sarili ko dahil tinamad akong magpa-enrol last week, pero mabuti na lang pala at ngayon ko naisipang pumunta ng school.

Akala ko magtatagal ang iwasan namin pero nung nagsimula na ang klase, nakakausap ko na siya nang maayos; yung tipong hindi nagmamadali at hindi lang hanggang pagbati at ngitian ang nakukuha namin sa isa't-isa. Nakilala ko rin ang student buddy niya nung isang beses dahil bigla itong tumili at tinuro ako; turns out, fan ko pala – Kirsten doesn't like her though, kitang-kita ko sa mga mata niya.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now