Chapter 21: Layo

3 1 0
                                    

Hindi ko alam kung paano kumalat ang balita na nililigawan ko ulit si Gwen. Wala pa naman akong sinasabihan dahil parang panaginip ang lahat nang nangyari kahapon. Gusto ko munang manigurado dahil baka mamaya niyan nag-i-illusyon lang pala ako.

"So, it's true na nililigawan mo na siya?" Bungad sa akin ni Roll noong lunch time. Yun lang ba ang sadya niya kaya nandito siya sa building namin? Ang layo ng Science and Numbers dito oh! Mga bagay na nagagawa natin para sa chismis.

"Kanino mo yan narinig?" tanong ko pabalik at sumilip sa likuran niya, nagbabakasakaling nandoon si Gwen. Sabi niya sabay daw kaming mag-lunch ngayon... kung totoo nga yung nangyari kahapon.

"It doesn't matter, so ano?"

"Hindi ka ba kakain?"

"Ano ba! You're changing the topic," inis niyang sabi sa pinaka-conyo niyang boses. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at lumayo nang konti sa kanya para maasar siya lalo.

"Bumili ka muna doon ng pagkain mo, hindi ka mabubusog sa chismis," sabi ko at tinulak siya patungo sa isang stall. "Mamaya niyan yung palakang dinadissect mo ang kakainin mo dahil sa gutom,"

Tinignan niya ako na parang diring-diri siya sa sinasabi ko at naglakad papunta sa kiosk. Nilabas ko naman ang baon ko at hinintay siyang makabalik dito sa Tinker's Haven habang iniisip kung sino ang nagsabi kay Roll tungkol doon. Siguradong hindi ako dahil nagulat din ako nung nakita ko si Roll dito para lang makichismis. Hindi rin si Gwen dahil malihim yun na tao, kung may isang taong pwede niyang pagsabihan...

Inangat ko ang tingin ko nang marinig ang papalapit na boses ni Jasper kasama si Roll. Umupo sila sa tapat ko at nilapag ang plato nila.

"Sabi ni Gwen mauna ka na dawng maglunch," sabi ni Jasper habang binubuksan ang pastil. "May group meeting sila kaya hindi raw siya makakasabay. Ikaw ha,"

Sa mapanukso niyang tingin, alam kong siya ang chismosong nagsabi kay Roll. Inulit naman ni Roll ang tanong niya kaya napakamot ako sa ulo ko at sinagot siya. Bahagya siyang umatras at tinignan ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pareho lang kaming hindi makapaniwala dito.

"Paano si Kirsten?" Biglang tanong niya at tinitigan ako nang maigi.

"Ha?" Hindi ko naintindihan ang tanong niya. Anong 'paano si Kirsten?'

"I mean did you tell her the news? Nasaan ba siya? Diba sabay kayong naglalunch?"

Oo nga pala, nangako akong sasabihin ko sa kanya. Iniisip ko pa lang na lalayo na siya, parang gusto ko na lang ilihim. But I don't want to be selfish, and keep this from her.

"Bakit mo hinahanap?" nanunuksong tanong ko. Napapansin kong lagi niyang hinahanap si Kirsten kapag pumupunta akong mag-isa sa practice. "Gusto mo siya no?"

Isang malalim na buntong-hininga at pag-ikot ng mata ang isinagot niya sa akin bago bumaling kay Jasper.

"Jasper, spell dense,"

"J-A-R-R-E-N,"

Papalag sana ako kaso bigla ulit nagsalita si Roll kaya hindi ko naituloy ang reklamo ko.

"Parang ang surreal naman na bigla nalang lumapit si Gwen at umamin sayo," komento niya. "If I was in your position, I will have some second thoughts about it. Mamaya niyan I will be receiving a call at the crack of dawn dahil pinaasa ulit siya,"

"Hindi yan," paninigurado ko. Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan ko, si Roll ba o sarili ko. Lumingon ulit si Roll sa katabi at nagtanong, "Jasper, spell marupok,"

"J-A-R-R-E-N," Jasper's carefree expression changed to worry. "Seryosong usapan Jarr, handa ka bang masaktan ulit kung sakali man? Kaibigan ko rin si Gwen, pero kaibigan din kita,"

"Wala namang relasyong puro lang saya, may mga araw talagang magkakasakitan kayo,"

Para lang ding buhay ang pagmamahal, may ups and downs, may sunny days and rainy days. Sabi nga nila, love is a rose. Maganda, masarap sa pakiramdam pero kalakip nito ay ang sakit na dala ng tinik, depende na yan sa tao kung paano nila hawakan at alagaan ang bulaklak nang hindi sila nasasaktan.

Parang naluging bumuntong-hininga si Jasper bago nilingon si Roll at ngumisi. "Roll, spell martyr,"

"Tinatanong pa ba yan? It's J-A-S – I mean, R-R-E-N,"

"Alam niyo, zero kayo sa spelling bee niyan," sabi ko at tumayo na; inubos na nila ang oras ko para lang asarin ako.

•°•🎶•°•

"Isabeeeelle." tumakbo ako papunta sa kanya noong nakita ko siyang palabas ng library, pinagtinginan tuloy kami ng ibang estudyante dahil sa ingay ko.

Gulat siyang tumingin sa akin bago ngumiti. She stood there, gripping the straps of her bag, and waited for me to go near her.

"Bakit? Anong meron?" tanong niya at nagsimulang maglakad pabalik ng building. Sumunod ako sa kanya at pinag-isipan kung paano ko sasabihin sa kanya ang balita. It's good news, pero parang bad news naman ito sa kanya.

"Naalala mo yung sinabi mo sa akin nung debut ni Joy?" huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nililingon. "Sasabihin ko 'to sayo hindi dahil gusto kong lumayo ka, ngunit dahil nirerespeto ko ang – "

"Congrats," mahinang sabi niya, hindi pa rin ako nililingon. Hahawakan ko na sana ang balikat niya para iharap siya sa akin, pero mabilis siyang naglakad palayo sa akin at iniwan ako doon sa may pathway – nagtataka kung anong tumatakbo sa isip niya.

Simula noong sinabi ko sakanya ang tungkol sa amin ni Gwen, dumistansya na siya sa amin. Nakakausap ko pa rin siyan nang maayos pero alam kong may nagbago na sa pakikitungo niya. Kapag nakikita ko siya sa building ngingiti lang siya sa akin bilang pagbati tapos lalagpasan ako.

I heard her inviting her friends to visit another café, and I can't help but stare towards their direction. Kami nina Jasper at Roll ang lagi niyang iniinvite dati, palpitation buddies pa nga kami eh. Pero wala akong magagawa kundi titigan na lang siya sa malayo.

•°•°•°•°•°•°•°•°•
A/N

These past few days had been stressing for me. Sino ba namang hindi ma-stress sa finals, no? Pero mas na-stress ako kay Jarren 😂

I hope you had fun – at least – reading this chapter. Don't forget to smash that shimmering star, and type in your rants and comments.

Hindi ko kayo huhusgahan kung naiirita kayo kay Jarren, promise 😁

Sincerely L♡ving,
Zeen

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now