Chapter 12: Neglected

4 1 0
                                    

Miss Senior High:

Uy, Kuya, Happy Halloween!

Oh, binati na kita ah

HAHAHA

Me:

Happy Halloween din sayo... tutal ghoster ka naman

Miss Senior High:

Grabe siya

Pareho lang tayo

Ginhost ang isa't-isa

HAHAHA

•°•🎶•°•

"Kanina mo pa tinititigan ang parte na yan," komento ko at humalumbaba habang pinapanood siyang tumitig sa kanyang libro. Natapos na lang akong kumain, hindi pa rin siya umaalis sa page na iyan at paulit-ulit na binubura ang sinusulat sa notebook niya. Gusto kong tulungan siya pero hindi ko na tinuloy ang pag-aalok ko dahil alam kong tatanggihan niya ito. This is Kirsten we're talking about, she's a strong and independent woman.

I jolted when she slapped the table with her hands. Bumuga siya ng hangin at hinipan ang buhok niyang naliligaw sa mukha niya bago ibinaling ang tingin sa akin. Her frustration was reflected on her frightening eyes, making it more terrifying than before. Nakiupo ang katahimikan sa amin hanggang bumuntong-hininga si Kirsten at sumuko.

"Paano ba ito?" sumuko na siya at tinulak ang libro patungo sa akin habang tinuturo ang pahina nito gamit ang lapis.

Sumandal ako palapit sa mesa at kinuha ang lapis mula sa kanya bago sinulatan ang libro. Pinaliwanag ko sa kanya kung paano makuha ang sagot pero nakakunot pa rin ang noo niya at marami pa ring tanong. I tried to simplify my explanation because it might be the reason why she can't follow, and it worked.

Tahimik niyang sinasagutan ang practice test na nasa libro at paminsan-minsan ay magtatanong kung tama ba ang ginagawa niya. Not a while later, nakiupo si Jasper sa pwesto namin at ginulo si Kirsten.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets kung paano yan kinocompute," komento ni Jasper habang nakatingin sa libro.

"Pinapakomplikado mo pa kasi," tugon ko at itinama ang computation ni Kirsten sa number three.

"Kailan pa hindi naging komplikado ang Math?" Sabat niya at tinuro ako. "Ikaw lang ang nadadalian eh,"

Gumanti naman ako at nagsimula na kaming mag-debate sa kung madali o mahirap ba ang Math. Kirsten, on the other hand, was still struggling with the problems on her book; paminsan-minsan din niyang ginugulo ang buhok niya at bumubuga ng hangin para alisin ang mga ito sa mukha niya.

"Ugh, bakit ba ako nag-engineering?" reklamo niya at mahinang nagpapadyak bago sinubsob ang ulo sa libro nito. Jasper and I laughed and patted her head to empathize with her.

Sa dinami-daming kursong pagpipilian, hindi ko rin alam kung bakit Engineering ang pinili ko bilang back-up kung sakaling hindi talaga para sa akin ang music career. Creative careers, like music or art, are paths that are very challenging to take; konti lang ang mga taong nakaka-appreciate sa mga ganitong bagay dahil karamihan sa atin ay mas pinupuri ang mga trabahong nangangailangan ng talino. It's difficult to make a name in the industry when you start as a nobody.

•°•🎶•°•

"Jarr," mahinang tawag nang kung sino man. Naramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat ko habang tinatawag ako. May lindol ba? "Jarr,"

Minulat ko ang mga mata ko at sinamaan siya nang tingin. Her voice is the last thing I want to hear early in the morning. Nakapantulog pa siya at mukhang pugad ng ibon ang buhok niya habang nakaupo sa kama ko at iniistorbo ang pagtulog ko.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now