Chapter 17: Elegance

8 1 0
                                    

"I thought may sasakyan ka na?" Inis na tanong ni Roll pagkalabas ko ng bahay namin, "bakit sinusundo pa rin kita?"

Isang ngisi lang ang binigay ko sa kanya bago kinuha ang helmet mula sa kamay niya at sumakay sa motor. Sa debut na ni Joy ko gagamitin ang sasakyan dahil alam kong bibinyagan nila yun kapag nakita nila ang sasakyan ko.

Ako na ang bumaba nung huminto ang motor ni Roll sa tapat ng bahay nina Jasper, at pinindot ang doorbell. Hindi pa ako nakontento at kinatok pa ang gate nila, dahilan para mairita si Roll dahil sa ingay, at muntik na akong batuhin ng helmet.

Bumukas ang isang side ng gate nila, tamang-tama lang para makapasok ang motor ni Roll, at binati kami ng yaya nila. Nasa sala pa sina Tito at Tita at mukhang papaalis na papunta sa office. Lihim akong napangiti nang madatnan naming inaayos ni Tita Ivy ang necktie ni Tito Hans. Lumingon sila sa amin at mukha pa silang nagulat bago kami nginitian.

"Jarren, Roll," bati ni Tita at niyakap kami. "I didn't expect you kids would be here this early." nagkatinginan kami ni Roll bago bumaling sa mga magulang ni Jasper.

"Sabi kasi ni Jasper may practice daw para sa 18 roses ngayon,"

Silang dalawa naman ni Tito ang nagkatinginan bago napailing habang may ngiti pa rin sa kanilang mga labi.

"Mamayang hapon pa ang practice." natatawang sabi ni Tita Ivy dahilan para muntik nang mapamura si Roll. Nasulit niya sana ang tulog niya kung hindi kami napagtripan ng magaling naming kaibigan.

"Oh, andito na pala kayo." Jasper grinned as he glided down the stairs. Kung ano-ano ng panlalait ang naririnig ko sa katabi ko habang nakatingin siya kay Jasper na inosenteng nakikipagyakapan sa mga magulang niyang paalis na para sa trabaho.

Tahimik namin siyang sinundan patungo sa kitchen nila. Tahimik din namin siyang pinagmasdan habang umuupo siya sa high stool ng bar counter nila. Napakamot siya bigla sa batok niya bago kami tinanong kung ba't kami tahimik.

"G*go ka Jasper, ang aga-aga namin dito tapos mamayang hapon pa pala yung practice," reklamo ko. Hinatak ko naman ang tahimik na nag-aalburoto naming kaibigan at pinakita ang mukha nito kay Jasper. "Tignan mo oh, kawawa masyado. Nasulit niya sana ang pagtulog niya ngayon,"

Inis na pinalis ni Roll ang kamay kong nakalahad sa may baba niya at binatukan ang kaibigan namin.

"You liar! Noong last week ka pa ha," reklamo ni Roll habang kami ni Jasper ay lihim na natatawa dahil kay Roll. "First yung pasalubong ni Tita tapos now yung schedule ng practice. I lost my tulog dahil sabi mo early dapat,"

Hindi na namin nakayanang pigilan at humalakhak na kaming dalawa ni Jasper. Kulang nga talaga sa tulog 'tong batang 'to.

"Gagi, matulog ka na lang doon sa kwarto kung gusto mo," pagpresenta ni Jasper habang pinupunasan niya ang luhang kumawala sa mga mata niya. Kumalma lang kami nang may binigay na plato ng brownies si Yaya Nelly.

"Kumain muna kayo Roll, Jarren," pag-aaya ni Yaya Nelly, "si Joy gumawa niyan kaninang umaga." tukoy niya sa brownies.

Tumaas naman ang kilay ng kapatid ni Joy at kumuha ng isang piraso.

"Gising na pala si Joy?" tanong niya bago sinubo ang isang slice ng brownie at mabilis na pumunta sa lababo para iluwa ang kinain niya. Nilingon niya saglit ang plato na may brownie at tinaas ang kamay niya para pigilan akong kainin ang brownie.

Ang pula ng labi niya, pati tenga at pisngi niya namumula rin.

"Ya, kumain ka rin ba nung brownies?" tanong niya kay Yaya Nelly. Tumango naman ang matanda at sinabing masarap at tama lang ang tamis nung brownies. "Ya, para akong nakakain ng puno ng sili nung tinikman ko yan,"

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now