Chapter 26: Relationships Don't Last

3 1 0
                                    

I spent my vacation helping Irene with their preparation for the "Back-to-School Donation Drive" which will be held in the middle of July. In short, ginawa niya nanaman akong chauffeur at chaperone. Pero may mga araw ding hindi niya ako ginugulo at minsan ako na ang tumatanggi dahil nasasagasaan niya ang schedule ko. Hindi porque wala kaming klase ay nahihinto rin ang gigs namin.

Dumapa ako sa kama at nagsimulang mag-scroll sa FB, manood ng MyDay, at mag-react ng heart sa IG posts ng mga kaibigan ko. Huminto ako sa pag-scroll nang makita ko ang isang shared post ng bagong café. I took a screenshot of it and was about to send it to Kirsten when I remembered something.

Oo nga pala, hindi ko pala dapat siya kausapin nang basta-basta. Napaisip tuloy ako kung nakita niya na rin ba itong post o kung nandoon na siya at nag-oorder ng specialties nila.

Bumuntong-hininga ako at tumitig sa kisame bago bumangon. Binuksan ko ang chat box namin ni Gwen at sinend ang screenshot.

Jarren Petersburg Santiago:

Coffee date?

Sigurado akong nag-aaral siya ngayon kaya gusto kong makapag-unwind siya kahit ilang minuto lang. Alam ko namang one percent lang ang probability na papayag siya, pero nagbabakasakali pa rin ako.

Looking back, Kirsten did manage to talk me out from my fear of getting rejected. Kung hindi dahil sa kanya baka hanggang titig lang ako sa screen ng cellphone ko ngayon. Dahil sa kanya, natuto akong sumugal kahit alam kong maliit lang ang chances. Nagagawa ko na ring mag-aya at tanggapin ang sagot nila na hindi nararamdaman ang awa para sa sarili ko. Ang laki ng impact niya sa buhay ko kaya mahirap na basta-basta ko lang siyang iwasan.

My phone vibrated kaya kinuha ko ito at bumuntong-hininga pagkabasa ng reply niya.

Gwendolyn Arellano:

Can't. I'm studying.

Tumayo na ako at pumasok sa walk-in closet ko para maghanap ng damit. Ako na lang ang pupunta doon – nabobored na ako dito sa bahay. Kung kailan kasi wala akong ginagawa saka rin ako hindi ginugulo ng kakambal ko. Speaking of, binuksan ko ang chat box namin ni Roll.

Jarren Petersburg Santiago:

Hoy, bored na ako sa bahay... kape tayo

My phone vibrated again, and Roll's and Gwen's chat heads popped out of the screen. Binasa ko muna ang kay Gwen bago ang sa kaibigan ko.

Gwendolyn Arellano:

On second thought, I might need some.

Roll Mendoza:

okay

where?

Napangiti ako nang magbago ang isip ni Gwen, at agad siyang nireplyan na susunduin ko na siya ngayon. Nakokonsensya naman ako kay Roll, pero sinabi ko pa ring hindi na kami matutuloy.

Jarren Petersburg Santiago:

Wag na pala... pumayag na si Gwen hahaha

Roll Mendoza:

**** ka talaga!

Sinendan ko na lang siya ng "haha" emoji at peace sign bago pinaandar ang sasakyan ko.

Hindi ko pa nga napatay ang makina ng sasakyan, nakapasok na sa loob ng passenger's seat si Gwen. May dala siyang puting tote bag na naglalaman ng notebook at sketchpad niya, dahilan para mapangiti ako. Kahit saan siguro ilalagay si Gwen, pag-aaral pa rin ang nasa isip niya. Minsan naiisip ko kung nagpapahinga pa ba siya.

"Ah! I think half of my worries disappeared." she smiled and lolled her head back dahilan para mapangiti rin ako habang pinapanood siya. Masaya akong may napala rin pala ang pagyaya ko sa kanya; minsan nakokonsensya ako kapag niyayaya ko siyang lumabas ng bahay dahil baka naaabala ko siya sa pag-aaral, at imbes na maaliw siya... mas nag-aalala lang siya sa mga iniwan niyang libro at notebook sa bahay.

"Half lang?" natatawa kong tanong at sumipsip sa kape ko. Umupo siya nang maayos at pinaglaruan ang straw ng milkshake niya.

"If I let all of my worries go away, mas mag-aalala lang ako dahil wala na akong inaalala,"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Tama nga naman siya; kapag nasanay kang halos araw-araw kang may inaalala, mas mababalisa ka lang kapag bigla kang walang pinagkakaabalahan. Parang naninibago ang katawan mo dahil bigla kang nagpahinga nang wala sa oras.

Napansin ko ang sketchpad at lapis niya sa tabi ng mesa kaya bigla akong na-curious.

"Nagsisimula ka na sa plates mo?"

"They're just rough sketches." kibit-balikat niya at binigay sa akin ang sketchpad para makita ko ang mga gawa niya. Rough sketches pa 'to sa kanya?! "Merely ideas."

"Kapag magpapatayo ako ng bahay, kayong dalawa ni Jasper ang kukunin ko." napanganga na lang ako habang nililipat ko ang bawat pahina ng sketchpad niya. May maliliit na salita at arrow na nakasulat sa gilid ng mga drawings niya, mga labels at kung ano-ano ang functions nito.

"Bahay mo?" napahinto ako sa gitna ng paglilipat ng pahina dahil sa tanong niya. Ilang segundo bago ako nalinawan sa kung ano ang ibig-sabihin ng tanong niya.

"Ang ibig kong sabihin..." I trailed. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya ang gusto kong sabihin. Nakatitig lang ako sa kanya habang pinaglalaruan niya ang straw ng iniinom niya habang nakayuko.

It may seem petty but it's not a reason to invalidate someone's feelings because we don't feel the same intensity of pain regarding the subject. Kapag kasi papasok tayo sa isang seryosong relasyon, naiisip natin sila sa mga future plans natin. Hindi natin maiiwasang umasa na sila na talaga ang makakasama natin hanggang sa huli kahit na may posibilidad na maghihiwalay kayo. Kaya nga mas masakit kapag isinama mo siya sa mga plano mo tapos sa huli, iiwan ka lang niya. Pero mas masakit na akala mo kasama ka sa plano niya pero hindi pala.

"It's fine, Jarren." tipid siyang ngumiti. "I'm not expecting you to include me in your future plans,"

"Gwen," mahinang tawag ko at maingat na nilagay ang sketchpad niya sa mesa. Sinubukan kong abutin ang mga kamay niya pero iniwas niya ito sa pamamagitan ng paghawak ng baso at straw.

"Relationship these days..." saglit siyang huminto at tinanaw ang mga taong dumadaan sa loob at labas ng café, "they don't last long. Even if both parties are seriously in love, there will be an external force that will drive them away from each other." binalik niya ang tingin sa akin bago ngumiti nang mapait. "I witnessed that, second-hand."

"Ibig mo bang sabihin, hindi rin tayo magtatagal?" tanong ko sa kanya, dahil sa tono ng pananalita niya parang nakikita niyang hindi talaga kami magtatagal.

Kumibit-balikat lamang siya at sumipsip sa inumin niya habang iniiwas ang tingin sa akin. I should be the one feeling remorse, instead, I caught a glimpse of guilt in her eyes.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now