Chapter 14: Hesitate

9 1 0
                                    

Nakaupo si Jasper sa gitna ng hagdanan ng entryway ng building namin nang makarating kami. Tumayo siya at hinintay na huminto ang sasakyan niya sa tapat nito; naka-high beam pa ang ilaw nito kaya napatakip siya sa mukha niya. Mabilis siyang naglakad papunta sa amin at parang umuusok ang ilong at tenga sa galit nang makita akong lumabas mula sa driver's seat - ilang masasamang salita ang pinakawalan niya habang lumalapit ito sa sasakyan niya.

"Sinasabi ko sayo Jarren, kapag -" naputol ang sasabihin niya nung lumabas si Kirsten mula sa passenger's nang nakayuko. Nilingon ako ng kaibigan ko, at parang bulang nawala ang galit nito at napalitan ng isang nakakalokong ngiti. "Kayong dalawa ha, napapadalas na yang pagka-cutting niyo. Mamaya niyan-"

Naputol ulit ang sasabihin niya nang hindi siya pinansin ni Kirsten at dire-diretso itong tumungo sa loob ng H building. Tatawagin niya sana ito pero hinila ko ang balikat niya at umiling lang.

Hindi na namin napag-usapan kung ano ba talaga ang nangyari doon kanina. Gusto ko sanang tanungin si Kirsten tungkol doon sa nangyari sa sementeryo at kung sino yung binisita at iniyakan niya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ikukwento niya naman sa akin kung gugustohin niya. There's a fine line between being concern and being nosy.

"Walang gasgas 'yan, kahit ilabas mo pa ang magnifying glass mo." pag-iiba ko ng topic dahil naiintriga na rin siya sa kung anong nangyari sa palangiti at madaldal naming kaibigan. Nilingon niya naman ako at tinaasan ng kilay na para bang wala siyang tiwala sa akin. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin habang kinakapa ang loob ng bag niya para sa magnifying glass niya. I scoffed at his reaction and raised my hands in surrender before stepping away one meter away from his car.

Pinanood ko siya habang iniinspeksyon niya ang sasakyan niya. May ibang estudyante na ring napapalingon sa gawi namin kapag napapadaan sila dahil sa postura ni Jasper; nginingitian at tinatanguan ko na lang sila kapag nagkakasalubong ang mga mata namin para mawala ang atensyon nila sa baliw kong kaibigan - may tumitili pa nga eh.

"Don't give me that look," sabi niya sabay turo sa mukha ko gamit ang magnifying glass niya, "mas malala ka pa sakin kung sakaling maisipan mong bumili ng sasakyan,"

Nagkibit-balikat na lamang ako at nauna nang umalis sa building namin. Kaya nga hindi ako bumili ng sasakyan dahil baka mamatay lang ako sa stress. Kahit anong gawin nating pag-iingat sa isang bagay, hindi maiiwasang may mangyayari dito.

Tumingala ako sa langit at napabuntong-hininga na lamang habang inaalala ang nangyari kaninang tanghali. Ginulo ko ang buhok ko at kinuha ang cellphone ko para sana tanungin siya kung okay na siya, pero hindi ko alam kung paano sabihin iyon. Nakailang bura na ako sa chat ko dahil nagdadalawang-isip ako kung kukumustahin ko ba siya o hindi. Baka kasi ayaw niya ng kausap ngayon. Sometimes, being alone is more comforting.

Sinend ko na bago pa magbago ang isip ko. Pwede naman siyang magreply na ayaw niya muna ng kausap o di kaya ay i-ignore ang chat ko, ang mahalaga alam niyang may taong nag-aalala para sa kanya at handang makinig sa kanya. At isa pa, hindi ko naman alam kung ano ba talagang gusto niya. Malay natin kailangan niya pala ng kausap at naghihintay lang siyang may mag-reach out, pero dahil minsan inaakala nating gusto nilang mapag-isa, hinahayaan na lang din natin sila.

Mabilis kong binuksan ang cellphone ko nang bigla itong nag-vibrate. Akala ko si Kirsten, pero si Miss Senior High lang pala.

Miss Senior High:

Kuya Engineering.

Busy ka?

May klase ka pa?

Me:

Uy himala, ang aga mong nag-text... nakauwi ka na no?

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now