Chapter 20: Kisapmata

7 1 0
                                    

Maaga kaming natapos sa klase namin ngayong Wednesday kaya dumiretso na ako sa music room. Akala ko ako ang mauuna sa loob pero nandoon na si Kuya Vanguard at Kuya Ringgo, parehong tinuturuan ang isa't-isa sa drums at nagpapalitan ng notes. Iba talaga kapag lahat ng instruments kaya mong tugtugin.

"Nasaan si Ate Aira?" tanong ko nang mapansing tahimik sa loob. Naging routine na namin ni Roll na hanapin si Ate kapag hindi namin siya nakikita sa loob ng music room — lalo na kapag present si Kuya Ringgo. Mukha tuloy kaming mga anak na hinahanap ang nanay namin.

"Bakit? Na-miss mo ako?" tumakbo ako palayo sa kanya, papasok sa music room, at hinimas ang batok ko. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko dahil sa boses niyang katakut-takot. Tumawa siya at pumasok na rin sa loob bitbit ang dalawang plastic bag na puno ng pagkain.

"Mukha kang engkanto," reklamo ko, dahilan para muntikan na akong matamaan ng Frooties kung hindi agad ako yumuko.

Mabilis akong tumayo at kinuha ang bass sa lalagyan nito saka isa-isang pinatunog ang strings. Pinalitan naman ni Kuya Ringgo si Kuya Vanguard sa drums habang kinuha ng gitarista namin ang gitara mula sa stand nito. Iba na ang kulay nito, kaya hindi ko maiwasang malungkot nang maalala ang nangyari doon sa gitara.

Ngumisi ako nang may maisip akong kantang i-jajam namin; matagal na rin namin itong hindi natutugtog. Nilagay ko ang mga daliri ko sa second fret ng E string, sa fourth fret ng A string, at sa fourth at fifth fret ng D string, at isa-isa itong pinatunog. Mahina akong tumawa nanag lumingon silang dalawa sa akin at nagsimula na ring tumugtog.

🎶 May isang umaga na tayo'y magsasama

Haya at halina 🎶

Dahil wala pa si Roll, ako muna ang kakanta. Nag-volunteer sana si Ate Aira pero hindi na namin siya in-encourage dahil baka mabasag ang bintana ng music room — kahit gawa ito sa kahoy.

🎶 Hanggang sa dulo ng mundo

Hanggang maubos ang ubo 🎶

"Kapag ikaw nadapa, tatawanan talaga kita," rinig kong sabi ni Ate Aira sa kararating lang na si Kuya Charlie. Nagmamadali siyang pumunta sa gilid at sinet-up ang gitara niya at muntikan ng madapa dahil sa mga cord na nasa sahig.

🎶 Masdan mo ang aking mata

Di mo ba nakikita 🎶

Sumulyap ako sa pintuan nang marinig ang tunog ng motor ni Roll. Sabay silang bumaba ni Kirsten at pumasok sa loob ng music room. Kinuha ni Roll ang isa pang microphone at nilagay ito sa mic stand, bago tumikhim at nagsimulang kumanta.

🎶 Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing

Ng iyong mga matang hayop kung tumingin 🎶

Kuya Charlie whistled in amusement habang kami naman ay napahiyaw nang kinanta niya ang Kisapmata. Roll only smirked and continued singing the next line — hands playing with the microphone's wire. Tignan natin kung madudugtong niya ang dalawang kanta.

🎶 O, kay bilis naman maglaho ng pag-ibig mo, sinta (Kalimutan lang muna ang lahat ng problema)

Daig mo pa'ng isang kisapmata (Huminga ka nang malalim at tayo'y lalarga na) 🎶

Sabay naming kinanta ang chorus ng dalawang kanta; ako sa Alapaap, at si Roll sa Kisapmata. Nagkamali pa nga kami dahil hindi pa tapos sa chorus si Roll nung tinugtog namin ang interlude ng Alapaap.

🎶 Ang daming bawal sa mundo (Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing) Sinasakal nila tayo (Nitong umaga lang, pagkagaling-galing) 🎶

Nagpipigil na ako ng ngiti habang tinatapos namin ang kanta dahil hindi na tumutugma sa kaskas ng gitara ang kinakanta namin. Wala na kaming pakialam kung nasusunod pa ba ang groove ng Alapaap, basta maitugma lang sa kinakanta namin okay na.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now