Chapter 31: Truth

3 0 0
                                    

Simula noong araw na iyon, parang nag-iba na ang paligid. It's like a trigger of a story to finally change the set. Jasper is facing some problems right now, umaaraw umuulan naman ang mood ni Roll, Gwen is acting strange, and Kirsten was nowhere to be found. It's like she never existed in the campus. Tinanong ko si Roll kung lumipat ba ng paaralan si Kirsten, pero tinawanan niya lang ako.

"Give her some space. She needs that, you need that, lahat kayo need yan." tinapik niya ang balikat ko at napailing bago ako iniwan dito sa kiosk ng department nila. Wow! Hindi man lang ako sinamahang magmukmok dito. Ang layo ng nilakad ko oh.

Sinunod ko naman ang payo niya, sumuko na rin sa kakahanap kay Kirsten. Ano namang gagawin ko kung makikita ko siya? It's not like I have something to say besides apologizing.

Dinaig ko pa si Gwen sa pagiging busy ngayon dahil sa dami ng mga ginagawa ko. Hindi ako tamad kaso hindi rin ako masipag – sakto lang – pero kahit next month pa ang deadline ng ibang activities ay sinimulan ko nang gawin para lang magpalipas ng oras. Lagi na rin akong tumatambay sa music room tuwing break time para tumugtog. Kahit si Kuya Vanguard na permanent tenant na ng silid na ito ay nagulat din dahil sa araw-araw kong presensya.

"Isa pa," sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko. Kunot-noong lumingon sa akin si Kuya Charlie at pinasadahan ako ng tingin.

"Broken ka ba?" tanong niya, dahilan para mahinang tumawa ang ibang members.

"Bothered lang." Roll joked before drinking from his water bottle and giving me another set of meaningful stares.

Bumuntong-hininga ako at maingat na nilagay ang bass sa stand nito. Nakaupo na si Roll kaya hindi na kami makakapractice. Tinignan ko ang mga daliri kong nanginginig na at mapula-pula dahil sa strings ng bass, at napangiwi nang maramdaman ang sakit na dumadaloy patungo sa dulo ng mga daliri ko. Masyado akong naging desperado na ma-distract ang sarili ko.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makausap nang maayos si Gwen. Nakakulong pa rin siya sa mga iniisip niya; minsan kapag sinasamahan ko siyang mag-aral, bigla na lang siyang mapapatingin sa kawalan at makakalimutan niya na ang mga libro at notebook na nasa harapan niya.

"You're starting to catch up with my perfect attendance," Kuya Vanguard commented when he found me inside the practice room again. "Are you running away from something?" tanong niya dahil hindi naman ako palapunta sa music room – pumupunta lang ako kapag nag-aaya silang mag-jam o di kaya ay may gusto akong i-practice na bassline.

"Kuya," tawag ko, dahilan para mahinto siya sa pagkuha ng gitara, "anong gagawin mo kapag nag-zozone out ang girlfriend mo?"

"You talk to her,"

"Paano kung ayaw niyang sabihin?"

"Leave her be." kibit-balikat niya at pinasadahan ang G major scale. Sa akin siya nakatingin habang ngumingiti pero parang hindi para sa akin iyon – parang si Kirsten kapag nagkukwento tungkol sa kaibigan niya. "It's true that communication is key to a healthy relationship, but don't force her to spill it. It will be uncomfortable for her, and you're crossing a boundary that shouldn't be crossed – even by you. If you really want to know and help, then wait for the time when she's ready to tell you. The least you can do right now is to show you are there for them."

Huminto ako sa tapat ng Tinker's Haven nang makita ko si Gwen sa isa sa mga cottage nito. Nakatunganga lang siya habang may mga librong nakabuklat sa harap nito. Lumapit ako at umupo sa tapat niya pero mukhang hindi niya ako napansin dahil nakatanaw pa rin siya kawalan. Ilang oras na ba siya dito?

"Gwen." she jolted when I called her name before looking at me. Tipid siyang ngumiti at itinabi ang mga libro. "May problema ba?" huminto siya sa pag-aayos ng mga libro niya at tumingin sa akin bago ito iniwas ulit. Pinanood ko siya habang pinagpapatong niya ang mga libro at guluhin ito para lang ayusin ulit.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora