Chapter 30: To Tell or Not To Tell

2 0 0
                                    

Roll was having a dilemma when midterms were over; obvious naman sa mukha niyang parang ilang dekadang walang tulog. Nasa kiosk kaming dalawa at kumakain ng lunch habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Lagi naman siyang nagrereklamo pero ito ang unang beses na nagsasabi siya ng problema niya mismo, siguro dahil hindi lang siya ang involve dito.

"She doesn't want them to know, ayaw niya ring isumbong namin sa school," sabi niya bago uminom ng kalamansi juice. Hindi ko naman maiwasang ngumiti habang pinapanood siyang inumin iyon. "She said she can handle it, pero every time I see her, lagi siyang kinakawawa. Every time na pupuntahan ko siya, lagi akong may dalang ice or first-aid kit. Do I look like a medic?"

"Lagi ka nalang nagrereklamo, gusto mo naman." ngisi ko at uminom din sa kalamansi juice na nilibre niya.

"No, I don't."

"Sinong niloloko mo? Obvious kaya!"

"Yung feelings ko napapansin mo, how about yours?" ganti niya, dahilan para mapakunot ang noo ko. He was clearly trying to change the topic and evade my question.

"Anong akin? Obviously, gusto ko si Gwen," do I? I felt uneasy after I answered his question. Tumaas ang kilay niya at umiling na para bang inaasahan niya na ang sagot ko pero hindi iyon ang gusto niyang isasagot ko.

"You better know what you're doing, Jarren." tinukod niya ang mga kamay niya sa gilid ng upuan at tumingala sa langit. "Marami ang masasaktan if you make a wrong decision,"

I leaned forward with my elbows propped on the table, hoping I could read what he's thinking right now. Mukha kasing may alam siyang hindi ko alam. Lagi naman siyang ganyan, alam naming may alam siya but he's always beating around the bush.

"Bakit ba napunta sa akin ang usapan?" reklamo ko. "Ikaw 'tong may problema."

"Pareho lang tayong may problema." he pointed out, causing me to let out an exasperated sigh. Paano 'yon magiging problema kung hindi ko naman pinoproblema – hindi nanaman ako makakatulog sa kakaisip sa sinabi niya. "I just don't want na mangyari ulit 'yon."

Binalik ko ang tingin sa kanya. Hindi niya pa rin pala nakakalimutan – mahirap naman talagang kalimutan ang nakaraan pero akala ko okay na siya.

"Hindi mo iyon kasalanan," seryoso kong sabi. Wala namang nag-expect na mangyayari iyon.

"I know." buntong-hininga niya. Yumuko siya at nilagay ang mga kamay sa ulo niya. "If only I did something to prevent it."

"You didn't know,"

"I did know." he countered. "I just turned a blind eye and let them be na dapat ay hindi pala."

Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, baka ginawa niya na. We were immature back then; kahit ilang karatula pa ang ipaskil sa pader at gate ng school tungkol doon, hindi pa rin namin ito maintindihan – or we just refused to understand it. Walang kinalaman si Roll sa nangyari at iyon ang malaking pagsisisi niya – doing nothing.

"Hindi mauulit ang nangyari dati," sabi ko at tinapik ang balikat niya. "Trust me."

Umalis na ako doon, dahil tinataboy niya na ako, at bumalik sa building namin. Kung alam ko lang, iiyak lang iyon sa sulok at ayaw niyang may makakita kaya pinapaalis niya na ako. I laughed at my own thought ngunit napawi rin iyon nang makarinig ako ng malakas na sampal.

"Isabelle!" mabilis akong tumakbo sa cottage ng Tinker's Haven at dinaluhan si Gwen habang nakatingin pa rin sa kanya. Jasper was still standing there, frozen by what he witnessed. "Bakit..." gusto kong malaman kung anong rason niya para sampalin si Gwen. Kirsten always kept a cool head, kahit umuusok na siya sa galit, pinipigilan niya talagang manakit ng tao. But I couldn't ask her, not when her terrifying eyes were trying its best not to let a single tear escape.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora