"I'm sorry ate. 'Wag mo nang ituloy—"

Iling ang agad kong ginawa. "N-no. I need to let this all out, you know. Kung hindi, mababaliw na ako Shiena." Suminok ako't napatingala para kumalma. "Nawala si Papáng, nawala sa amin ang hacienda, saglit na nawala sa sarili si Mamáng. Kaya ako bumalik dahil ayaw kong maging ang anak ko'y mawala rin sa 'kin." Bumuga ako nang marahas na hangin. "I was once had them all."

Ibinaba niya ang aming mga kape at muli akong pinaloob sa kaniyang mga bisig. Pilit kong pinapatatag ang sarili pero bumigay pa rin ako sa kahinaan. Iniyak ko muli lahat ng sakit, ng paghihirap at ng sama ng loob.

Ilang sandali pa'y lumabas na ang doktor na tumingin sa anak ko. Inayos ko ang sarili bago humarap sa kaniya.

"Your child has anaphylaxis. It is a serious allergic reaction that can be life-threatening. Buti na lang at aware ang kasama n'yo sa bahay dahil agad siyang naturukan ng epinephrine bago isinugod dito. So far Ma'am, nasa maayos nang kalagayan ang inyong anak. Though, he still needs to be under medical supervision for several hours because a second wave of serious symptoms called biphasic reaction might happen to him."

"S-sure, sure! No problem. We can stay all night."

Ngumiti nang tipid ang doktora. "We will transfer him to his new room para maaari rin po kayong magpahinga roon kasama siya."

"Thank you, Doc."

Tumango na lang ito bago umalis.

Nailipat na nga si Silious sa isang kwarto kung saan doon kami pumasok ni Shiena. Agad kong dinaluhan ang anak na tulog na. Pagod marahil sa magdamagang pag-iyak. I sat beside him on the edge of the bed and gently caressed his face. Finally, his rashes were starting to fade.

"Tinext ko na sila Aling Linda na dito tayo magpapalipas ng gabi ate," untag ni Shiena at naupo sa isang upuan sa gilid.

Tumango ako habang hindi nililisan ang titig sa anak. "Hindi ka ba uuwi? Tiyak kong pagod ka, Shiena. Kaya ko namang mag-isang magbantay."

Hindi na muling bumalik si Simon at hindi ko alam kung babalik pa siya rito. At himalang nawalan na rin ako ng pake.

"Okay lang ate. Sasamahan kita."

I looked at her and smiled. "Salamat."

Huminga ako nang malalim bago hinila ang isang upuan at itinabi sa gilid ng kama. I sat there as I held my son's hand. Tuluyan nang naalis ang takot sa aking puso ngayong maayos na ang kaniyang kalagayan. Sa katunayan ay wala na akong ibang maramdam kundi ang pagod dala ng pag-iyak kanina.

I laid my head on the bed and stared at him. I thanked the heavens for keeping my son away from danger.

Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata ngunit pilit ko iyong binubukas dahil baka biglang umiyak sa gitna ng pagtulog si Silious. Ngunit hindi ko na nasundan pa ang sumunod na pangyayari nang tuluyan na akong iginupo ng antok.

Naalimpungatan ako nang makarinig nang mahinang pag-uusap bago ang pagbukas-sara ng pintuan.

I opened my eyes and I was welcomed with a blurry vision. Mahapdi ang mata ko at hirap imulat. Muli kong ipinikit-bukas ang mata at nang malinawan ay titig ni Simon ang agad bumalandra. Napaayos ako ng upo at bahagyang napakapa sa mukha kung may muta man o rumi.

Hindi siya nag-iba ng posisyon. Naroon lang siya't nakaupo habang nakatitig sa aking katapat niya. My gaze went to our son and a smile plastered on my lips seeing him awake while playing with his hands.

He was finally fine. Thank goodness.

I stood up and planted a kiss on his forehead that made him giggle.

Sprouted Desire ✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें