Saan ka makakakita na may parusa ang intramural??? Premyo ay malamang. Pero parusa?? Tsk malamang sa end class lang nila gagawin yon.

"Pag wala tayong naipanalong limang laro ay tayo ang magiging janitor nila ng isang buwan.... di patas yon. Ilan lang ba ang laro. Maliit ang tyansa Tskkk.  my dalawang laro lang akong nakikitaan na maipapanalo natin. Bukod sa magagaling ang players ay kulang tayo sa manlalaro. Kaya naman Tanging chess at badminton lang ang kinakikitaan ko" napapabuntong hininga na sabi ni mr.

Mukang di nga patas ang intrams na ito. Lintek ahh

"Peroo ang premmyo--"binitin ni mr. Tom ang sasabihin dahilan para mag angat kaming lahat ng tingin sa kanya

"Angg premmmyo???"takang tanong namin

"Isang araw na beach vacation satiiiinnnnn!!!!!" Sigaw ni mr. Tom at ang lungkot nila ay tuluyang nabura ng magsipagtayuan pa ang lahat at napasigaw sa tuwa. Parang mga bata.

"Yeheyyyyy"
"Pre pree mag swimsuit kaya si fice na tomboy bwhahahahah"
"Huy babaon moko sa lupa don haa"
"Mag bonfire tayo don"
"Paanong pagkain natin sinong bibili?"

Natigilan sila sa pagsasaya ng my isang magtanong niyon at nagulat ako ng bumaling sila sakin at sabay sabay pang sumigaw na "may palamura tayooo!!!!whooooo"

"Anak ng??" Napapamurang maang ko sa kanila at nagsipagtawanan sila. Sa aking pagtagal ay napansin ko na ang pagiging di patas sa kanila ay napapawi sa isip nila ng simpleng premyo lang. Walang puwang sa kanila ang negatibong bagay. Sa reaksyon nila ay parang sigurado na silang mananalo kahit pa sabihin ni mr. Tom na kulang sa ganto at magaling si ganto. Nag saya sila at nag usap usap.

Saan sa mundo ko makikita ang ganitong klase ng silid??

NAG umpisa kaming mag plano. Madaming pinaliwanag si mr. Tom tungkol sa mga bagay bagay sa bawat palaro. Malamang eh my ilan lang akong naiintindihan pero dahil parepareho silang abnormal eh sila sila ang nagkakaintindihan.

Sinabi ni mr. Tom na di siya magklaklase dahil kailangan namin mag ensayo, maikli ang isang linggo sa amin. Kaya naman sa araw ng linggo lang daw kami makakapagpahinga ng ayos at magkakapag basa ng topics, inunawa naman namin yon dahil narin sa takot na baka alipinin kami ng main campus

Aba tangina alipin na ng end class alipin pa ng main campus. Eh putangina patayin niyo na lang ako.

Sa basketball ay mga nakalaban na daw sa nationals ang makakalaban namin kaya naman critical kami. Ang ihahanda naming walong players ay ang mga matatangkad

Si steal, ice, jethro, vincent, klover, trone, plee at lenster yon.

Sa boys volleyball ay si marco, tartilite, ken, brave, peter, shida, at gio

Sa girls. Malamang eh walang choice. Eh para anim kami. Saktong sakto eh.

Sa badminton ay si kaye, na kapatid ni vincent pero di ka apilido at di magkaugali ang ilalaban

Sa boys naman ay si trone

Sa chess malamang ay ang henyong hamog na si steal. Sa girl division ay si ang tomboy na si fice

Sa soccer ay wala kaming tyansa don pero susubok parin kami, aaralin ng mga lalaki iyon. Maging sa base ball

Sa sepak naman ay si jethro na barako. Tch

My swimming pa dahil nga private, si fice naman ang nag bulontaryo sa babae at si ken sa lalaki. Ang problema lang ay ang pag prapraktisan nila daw ang sagot naman ng teacher eh sa isip na lang daw.

Nawawalan nako ng pag asa sa kanila....

Nung araw den nayon ay nag umpisa kaming kumilos. Mula sa bodega sa likod ng room ay kinuha namin ang kagamitan namin, nagtayo ng maliit na gawa sa kahoy na basketball ring ang mga kalalakihan nung araw na yon. Ganon nadin ng net para sa badminton at volleyball. Salamat sa malawak na bundok na ito at nagagawa naming posible ang imposible

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now