"Ano 'yon?" gasgas niyang tinig.

"Nasaan si Aling Carmen?"

Alam kong tunay ang nakita kong larawan sa kuwarto ni Silious noon ngunit gusto kong magmula sa kaniya ang katotohanan. Gusto kong malaman, bakit? Paano?

Malinaw sa aking pandinig ang kaniyang paghugot nang malalim na hininga. "Wala na si Mama."

Pinatigas ko ang panga dahil ramdam ko ang sakit sa kaniyang boses. Napapikit-pikit ako para pigilan ang sarili. "B-bakit? Ano'ng nangyari?" pang-uusisa ko.

Gusto kong malaman.

"Pakibantayan ang anak natin."

"Simo—"

"Good night, Cres."

Pagkasabi no'n ay pinutol na nito ang linya. Nanginginig kong ibinaba ang cell phone.

Tulad nga ng request ni Mamáng ay lumabas kami kinabukasan. She never let me carry my son for too long. Pinapasa niya lang sa 'kin si Silious 'pag may kailangan siyang gawin at kukunin niya rin agad. Kahit gano'n man ay malugod ko ring ipinapaubaya ang anak ko sa kaniya. Nangangamba tuloy akong ibalik si Silious sa Lunes.

We went to Sts. Peter and Paul Cathedral to attend a mass then later stayed on Capitol park to unwind and entertain Silious. Hapon na nang tuluyan kaming makauwi.

"Napagod ang apo ko sa paggala," Mamáng's sweet voice filled our house when I opened the door.

Nakangiti kong ibinaba ang bag sa upuan sa sala at iminuwestra ang kamay para makuha ang anak.

"Magpalit ka muna Mamáng, ihihiga ko lang si Silious sa higaan."

"Put him on my bed, please."

Tumango ako't sinunod ang sinabi niya. Dito kaming tatlo natulog kagabi habang nasa gitna si Silious. And it was so far, one of the peaceful sleeps I had since we returned here.

My chest tightened when I opened my eyes the next morning. Mamáng was hugging Silious tightly in her arms. And I didn't know what to say once she wakes up and discover Silious wasn't with us again.

May nagbara sa aking lalamunan nang anumang sandali ay ibabalik ko na ang anak ko kay Simon. Could we just take him with us forever? Dalawang gabi pa lang namin siyang muling nakasama at halos ayaw ko na siyang muling ibalik.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang orasan sa cell phone. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. I saw a message from Simon thirty minutes ago.

Ingat kayo pabalik dito.

Tumayo na ako at agad nag-ayos upang agad ko nang maibalik si Silious bago pa man maalimpungatan si Mamáng. I was delighted how happy she was when I brought my son home... and I couldn't take it once I see her in tears because of his absence again.

Matagumpay kong naisandal sa aking balikat ang natutulog na anak. Lubos ang kaba ko nang bahagya pang gumalaw si Mamáng bago muling kumalma sa pagtulog. Lumabas na ako ng kuwarto at nilingon ang nakaupong si Kristine. Nahihiya akong ang aga ko siyang ginising para bantayan si Mamáng.

"Ikaw nang bahala, Kristine. I-text mo ako kung may problema."

Tumango siya agad, "Sure ate. Ingat po kayo ni baby. Sayang at isang araw lang pala siya rito."

Ngumiti na lang ako nang tipid bago ninakawan ng sulyap ang natutulog na Mamáng saka lumabas ng bahay.

Eksaktong 5:30 AM nang dumating kami sa mansyon ni Donya Melvira. Agad akong sinalubong ni Shiena nang marinig ang pagtigil ng tricycle sa labas.

Sprouted Desire ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora