Timeless II: 16 Part 1

En başından başla
                                    

Pero mali pa ring iwan ko siya rito. Ito ang kauna-unahang makakadalo ako sa Family Day niya. “Pero gusto kitang makasama—”

“Dad, marami pa pong Family Day na darating.” Ngumiti siya para ipahiwatig na ayos lang. “I understand po.”

“Thank you.” I kissed his forehead before leaving.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse sa paaralan ni Kiru. Hindi naman ito gaanong malayo kaya mabilis lang akong nakarating at kitang-kita ko agad si Kiru na nakaupo sa ilalim ng isang puno.

“Kiru!” tawag ko saka tumakbo papunta sa kaniya.

Agad siyang napatayo at nagpagpag. “Uncle, bakit po kayo nandito?”

“I’m not your uncle.” Ginulo ko ang buhok niya saka ngumiti. “I’m here because I’m your Daddy, remember?”

“E-Eh?”

“Hey, why are you crying?” Halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nang magsimula siyang humikbi.

He suddenly hugged me. “Nothing. I’m just happy.”

“Excuse me? Mr. Kit Perez?” Agad akong napalingon at nakita ko ang isang guro. “Oh, I’m sorry.” Tumingin siya kay Kiru. “Is this your Uncle?”

“He’s my Dad.”

“O-Oh, your Dad. Magsisimula na ang program kaya tara na kayo,” yaya nito kaya nakangiti kaming magkahawak ng kamay ni Kiru papunta sa pwesto ng section nila.

Sa rami ng tao ay hindi maiwasan na may tumitingin talaga. Nahihiya akong napapangiti saka yumuyuko nang kaonti kapag may ngumingiti rin sa akin.

Nagsimula na ang program at halos nagsigawan na ang lahat nang magsimula na ang mga palaro. Hindi ko maiwasang tumingin kay Kiru na ngayon ay nakangiting nanonood sa mga kaklase niyang naglalaro.

“Kiru, ang gwapo naman ng kasama mo ngayon. Nasaan si Kit? Ang gwapo rin non,” papuri ng isang babae na kasing edad lang namin ni Kit habang nakangiti nang malapad.

“He’s busy. That’s why, Dad’s here,” sagot ni Kiru saka pinisil ang kamay ko.

“Ay Daddy mo pala ’to? Akala ko si Kit ang ama mo?”

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Napatingin ako kay Kiru at nakayuko na siya ngayon habang mahigpit na nakahawak sa akin.

“Excuse me? Can you please stop asking questions? You’re making my son uncomfortable,” pilit akong ngumiti upang hindi magalit sa babaeng kaharap ko. Ayokong gumawa ng eksenang magpapasira sa araw ni Kiru.

“Oh, sorry.” Humarurot na ito papaalis.

“Kulang tayo ng isang pares sa section natin,” wika ng adviser ni Kiru kaya napatingin ako sa field.

A marathon relay? May nakapwesto na na mga bata at magulang sa field.

“Kami! Sasali kami ng anak ko.” Nakataas ang kamay ko habang nakangiti.

“Pero, Dad—”

Nilingon ko si Kiru. “Kaya natin ’yan.”

Tumayo na ako saka hinila si Kiru papatayo kaya wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang asul ribbon na isusuot namin sa noo. Bawat section ay may iba’t ibang kulay na ribbon kaya mahahalata talaga ang magkakaibang section.

Pinigilan kong ngumiti kay Kiru na halatang kinakabahan dahil pabalik-balik itong naglalakad. Parang ako lang.

“Huwag kang kabahan, okay? Mabilis akong tumakbo kahit na hanggang nood lang ako dati,” kwento ko sa kaniya.

“Pfft.”

“Hey, don’t laugh at me. Just trust me, I’m your Dad after all,” nakangiting saad ko para kumbinsihin siya.

Magkahawak ang kamay namin na pumunta sa field. Kumaway pa ako bago siya tumakbo papunta sa pwesto niya. Tatlong pares bawat section kaya anim na players: tatlong bata at tatlong magulang. Si Kiru ang nasa pinakahuli habang ako naman ang unang tatakbo sa aming dalawa.

I will do my best to make Kiru proud.

Pagpapalitan na ng sigawan ang naririnig namin sa mga manonood. Ang atensiyon ko lang kay nandoon kay Kiru na ilang metro rin ang layo sa akin na hindi mapakali kaya ngumiti lang ako sa kaniya at sinuklian niya naman ito ng isang ngiting pilit.

Napatingin ako sa likod ko at malapit na ang kasama namin. Mabilis kong hinigit ang relay baton at wala na akong sinayang na segundo at napaharurot na ako ng takbo.

Fuck! Ramdam ko ang buong buto ko na gumagalaw. Damn! This is hard! Hindi ako sanay idagdag mo pa ang napakainit na panahon kaya nahihirapan akong tumakbo nang mabilis. Pakiramdam ko ay hindi na ako humihinga sa habang tumatakbo.

Napatingin ako sa harapan at ngiti ni Kiru ang sumalubong sa akin sa hindi kalayuan kaya pinilit kong iabot ang relay baton sa kaniya.

“Thanks, Dad,” saad niya matapos niya itong makuha.

Nakangiti akong humihingal habang nakatingin sa anak kong tumatakbo nang mabilis. “Woah! Bilisan mo pa sa pagtakbo! Konti na lang, kaya mo ’yan, Kiru!” I cheered for him. At nang siya ang unang nakalampas sa finish line.

“Woah! Anak ko ’yan!” Halos magtalon-talon pa ako habang kinakaway ang ribbon na kanina ay nakatali sa ulo ko.

Nakangiti niya akong pinuntahan. “I did it, Dad!”

“You did a great job, son.” Mabilis ko siyang kinarga matapos kaming mag-fist bump. “I’m so proud of you.”

My eyes widen when his eyes are watering. “W-Wait. Did I do something wrong?” Ibinaba ko siya saka sinuri ang buo niyang katawan lalo na ang mga paa niya. “Tell me, are you hurt? Where is it? Hey—”

Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ko. “Thank you po.”

Nakangiti kong ginulo ang buhok niya saka kinarga siya. Hanggang ngayon ay humihikbi pa rin siya kaya hinanap ko agad ang adviser niya at nagpaalam na magpapahangin lang kami.

Pagkalayo namin sa field ay agad akong nagpalinga-linga upang makahanap ng mauupuan namin. Isang bench ang nakita ko na nasa ilalim ng isang kahoy kaya doon kami pumunta at ibinaba si Kiru.

“Hey, Kiru. May problema ba?” Inayos ko pa ang buhok niya saka pinunasan ang mga pawis sa kaniyang mukha.

Agad na naman niya akong niyakap. I decided to pat his back gently.

“I’ve been longing for my Dad’s warmth,” humihikbing wika niya habang patuloy na isiniksik ang ulo sa leeg ko. “I found that warmth on you, Mr. Rui Teru.”

I stunned for a minute. What did he just said? I felt pain on his words but that pain, for me, it’s comforting.

“I want you to be my home. I want you to be our home.”

Kasabay ng mga kabayong tumatakbo sa puso ko ay ang paghulog ng mga luha ko nang hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

It’s like the happiness I felt when Kit became my boyfriend six years ago.

Timeless [MPREG]✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin