Hindi na ako sumagot pa dahil kung ano pa man ang susunod na lalabas sa bungaga ni Crae ay puro katotohanan at mas sinasaktan ko lang ang sarili ko.
"Crae, magpapahinga lang ako,"
"Cass..."
Hindi ko na siya pinansin at natulog na lang ako. Narinig kong lumabas na siya ng kwarto at ako naman itong hindi mapigilan ang pag-iyak ko hanggang sa nakaramdam ako ng sakit sa bandang puso ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Sinubukan ko tumayo pero nabigo ako at natumba at natamaan ang isang picture frame at lumabo na ang paningin ko.
"CASSY!!"
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Nagising na lang ako bigla at andito na ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Puro kulay puti ang nakikita ko. Nasilawan ng ilaw ang aking mga mata. Sa 'di kalayuan narinig ko may nagsasalita, "Gising na si Ate." Hanggang sa namulat ko na ng maayos ang mata ko at napansin kong nasa ospital ako ngayon.
"Bakit ako andito?" sabi ko habang inoobserbahan ko ang mga nakakabit sa mukha at kamay ko.
"MA! MA!" biglang sigaw ko. Agad namang lumapit si Mama sa akin.
"Anak.. Shh.. Okay ka lang,"
"Ma, ma! Bakit po ako nasa ospital. Umuwi na po tayo! Ayoko dito. Ma! Please ayoko dito. Uwi na tayo..." mangiyak-iyak kong sabi kay Mama pero hinawakan niya lang ang ulo ko at hinalikan ito.
"Anak, makinig ka..."
Hindi ako makapaniwala. Bakit ba nangyayari itong kamalasan sa buhay ko.
♥ '•.¸.•' ♥ ♥ '•.¸.•' ♥♥ '•.¸.•' ♥
Wednesday. Balik na ulit ako sa klase. Normal na ulit ang buhay ko. Kailangan ko lang ngumiti. Nakita ko ang Crazy twins sa di kalayuan kaya tinawag ko sila. Lumingon si Zy ngunit hindi Crae.
"Oy Crae! Wag ka ngang madrama jan. HELLO!" sabi ko at ginulo ang kanyang buhok.
"CASS!" tumingin siya sa akin at pagkatapos ng tatlong Segundo ay tumawa lang rin kaming dalawa. Sabay-sabay na kaming lahat na pumunta sa klase.
Mahaba habang oras rin ang dumaan at finally lunch na. Nagulat ako ng sinundo ako ni Drake sa may pinto. Napatingin ako sa nilalang na nasa harap ko. Captivated again. Haaay.
"Old place?" Ilang Segundo pa bago nag process sa utak ko ang ibig sabihin niya. Tumango lang ako at umalis na siya. Kinuha ko ang aking lunch box at tinext sina Crae at Zy na hindi muna ako sasabay sa kanila kumain ng lunch.
Agad na akong dumiretso sa rooftop at nakita ko siya na tumutogtog ng gitara.
♪ ♫ We keep this love in a photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing
Hearts are never broken
And times are forever frozen still
Hindi ko siya dinisturbo at hinayaan na magpatuloy sa kanyang pagkanta hanggang sa.. naisip ko siyang sabayan.
♪ ♫ So you can keep me
Inside the pocket
Of your ripped jeans
Holdin' me closer
Til our eyes meet
You won't ever be alone
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA story about how to fall in love, how to sacrifice love and how to move forward. As what the story says there are NO STRINGS ATTACHED even if you are madly, deeply in love. - [Tagalog Short Story] Written by BabyBlueAngel
Red String 6 ~ Because She is Stupid...
Start from the beginning
