Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

 "What? Teka, teka, teka.. Bakit parang baligtad naman yata? Kapag tinanggap ko ang offer, di mo na ibebenta sa akin? Hindi ba dapat kapag tumanggi lang ako?"

 Nakita ni Kira ang pagkislap ng kapilyuhan sa mga mata ni Callan. "Well.. Kung papayag kang maging nobya ko, baka ibigay ko na lang sa 'yo ang lote. Kung hindi naman... Hmm, siguro pagtatayuan ko na lang 'yon ng restaurant."

 "At kakaribalin mo pa ako, gano'n?"

 Tumango si Callan at mas lalong tumingkad ang ngisi nitong nagpapahiwatig ng kapilyuhan. Halos lumuwa ang mata ng dalaga sa sinabi ng binata.

 "Walanghiya ka! May balak ka'ng gawin talaga 'yon?"

 "Oo naman. When it comes to business, dapat maging matalino tayo. May kompetisyon sa lahat ng bagay, Kira. Sa tingin mo, kapag naging magkaribal tayo sa negosyo, sino sa atin ang mananalo?"

 Naningkit ang mata ng dalaga. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Callan. Mas nauna sa kanya ang lalaki sa pagnenegosyo. Nahawakan na nito ang kompanya ng mga ito at nagkaroon ng mas maraming kaalaman pagdating sa pagpapalago ng isang negosyo. Naniniwala si Kira na kahit mas matalino siya sa lalaki noong nag-aaral pa sila, mas makakalamang pa rin sa kanya si Callan. Sa kanilang dalawa, mas maraming alam si Callan kung paano maka-akit ng mga customer. Puwedeng-puwede siya nitong matalo kapag ginamit nito ang looks and charm nito.

 Maisip pa lang niya na malulugi siya dahil sa kasakiman ng lalaking ito, parang kumukulo na sa inis ang utak niya. Ofcourse, he won't let him bring her down! Hindi siya makakapayag na mawala lang ang mga pinaghirapan niya. At hindi rin siya papayag na si Callan pa ang maging dahilan para maagaw nito ang pangarap niya.

 "So, what's your decision, honey?"

She gritted her teeth and shot him a deadly stare. "Don't call me honey. Hindi pa ako nakakapagdesisyon."

 "Kung ako sa 'yo, magdesisyon ka na. Hindi ka naman mahihirapan maging girlfriend ko."

 "Oh, really? Callan, sa tingin mo ba matutuwa ako na maging nobya mo?" Nginitian niya ito ng nakakaloko, na para bang sinasabi na hindi ito kaakit-akit.

 Sinungaling, bulong ng isip niya.

 "Bakit hindi? Masarap ako magmahal. Hindi ka rin malulugi sa akin dahil hindi mo na kailangan magsarili sa kuwarto mo kung sakali."

 "Jerk."

 "You can call me jerk, honey. Or anything you want. But i just want to tell that this jerk owned your virginity.. Kahit na sabihin mo na wala akong karapatan sa 'yo o kaya sabihin mo na hindi ako ang lalaki na tipo mo. You can't still change the fact that i'm the only man who owns your innocence." he said, and it sent a chill down to her spine--in a seductive way.

 At nang ngumiti ito sa kanya, tila naramdaman ni Kira kung paano ang matunaw sa ngiti ni Superman. That smile almost melt her on the spot and she hated the way her heart skipped a bit.

 Mahinang napamura si Kira. Iniiwas niya ang tingin kay Callan at sa mahinang boses ay nagsalita. "O-Okay. If that's your condition, pag-iisipan ko ng mabuti."

 He nodded at her. "Pag-isipan mo ng mabuti." Tumingin ito sa relos nito at muling tumingin sa kanya. "Kailangan ko na umalis. May duty pa ako."

 "Sige."

 Sabay silang tumayo. Inihatid niya ang lalaki hanggang sa pinto, may unting distansya sa pagitan nila. Kung maaari lang ay ayaw niyang payagan ang sarili na mapalapit dito ng husto. Hindi maaari. Hindi puwede. Ayaw niyang maakit ng tuluyan.

 "May kailangan ka pa bang sabihin?" tanong niya nang huminto ito at lumingon sa kanya.

 Umangat ang isang sulok ng labi ni Callan. "Oo."

 "Ano 'yon?"

 "Naisip ko, kung tutuusin hindi ko na dapat 'to ginagawa."

 "Anong ibig mo'ng sabihin?"

 "Dapat hindi na kita inaalok pa na maging nobya ko, Kira. Dahil noong gabing 'yon, malinaw na malinaw na sa akin ka na."

 Napatanga si Kira.

 "But maybe my father is always right. Pinaghihirapan ang mga bagay na gusto mong makuha." With that, tumalikod na ito sa kanya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay nito.

 "MA'AM, kanina pa kayong paikot-ikot sa paglalakad. Nakakaliyo din kayong pagmasdan. Ano po ba'ng problema?"

 Napalingon si Kira sa isang crew na kanina pa pala siyang pinagmamasdan. Magsasara na sila at ang ibang staff ay nakauwi na. Hindi pa siya makaalis dahil ang iba ay hindi pa tapos maglinis. Bago sila umuuwi ay sinisigurado niya na malinis ang loob ng restaurant para pagbalik kinabukasan ay hindi masyadong madaming kalat ang lilinisin.

 Kanina pa siyang paikot-ikot, lutang ang isip. Iisa lang ang lalaking dahilan ng pinagkakaganoon niya.

 Walang iba kundi ang lalaki na may mga asul na mata.

 Bumuntong-hininga si Kira at tumingin sa crew niya na si Cadyuth. Minsan lang niya bigkasin ang pangalan ng binabaeng empleyado. Tuwing binibigkas niya ang pangalan nito ay naaasiwa siya.

 "Cadyuth, may tanong ako sa 'yo."

 "Ano pa 'yon, Madam?"

 "Kapag ba may lalaking nag-alok sa 'yo na gusto ka niyang maging nobya, papayag ka ba?"

 "Aba, syempre naman po! Pangarap yan ng mga beki!"

 "Ay, oo nga pala." Napakamot siya sa batok. Mali ang tanong niya. "Ganito. Kapag ba may nagsabi sa 'yong lalaki na gusto ka niyang maging nobya, anong ibig sabihin no'n?"

 "'Yon lang?" Tiningnan siya ng beki na parang nawiwirduhan ito sa tanong niya.

 "Oo, 'yon lang. Bakit? May problema ba sa tanong ko?"

 "Eh, Ma'am. Ang manhid n'yo naman yata para di malaman kung ano ang ibig sabihin kapag gusto ka ng isang lalaki na gawing nobya."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ako pa ang manhid?" Sa tinagal-tagal niya sa mundong ibabaw, ngayon lang siya nasabihang manhid.

 "Aba, oho. Dahil kapag gusto ka ng isang lalaki na maging nobya, wala na iyong ibang ibig sabihin maliban sa may pagnanasa siya sa 'yo, o matagal ka na niyang mahal."

 Nalunok si Kira. "O-okay." Walang sabi-sabi na tumalikod siya dito at nagtungo sa opisina niya. That's bullsh-it. Imposible.

 Siya, matagal ng mahal ni Callan? Hah! Mas maniniwala siyang may pagnanasa ito sa kanya kesa sa mahal siya nito. Kilala niya si Callan. Halos buong buhay na niya itong nakikita. Sa tinagal-tagal ng panahon na naging kapitbahay niya ito, alam na niya kung ano itong klase ng lalaki.

 Yes, he was hot. Dayum hot.

But he was a dangerous beast. Isang uri ng lalaki na kapag minahal mo ay masasaktan ka lang.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon