Epilogue

17 9 0
                                    


Sabado ng umaga, dalawang linggo matapos mamatay si Rex. Unti-unti ng bumalik sa dati ang lahat.

Tandang-tanda ko pa kung paano ko pinatay si Rex ng araw na iyon. Sa bawat paglubog ng patalim sa kanyang puso ay siya ring sunod-sunod na pag kislap ng aming alaala sa aking isipan.

Isang gabi nag-usap kami ni Dion sa loob ng kwarto, sinabi ko sa kanya na isa sa aming kasamahan ang anak ni Ether kaya naman palihim naming binantayan ang bawat isang emblems at nakita nga ni Dion ang palihim na paglabas ni Blade mula sa kanilang kwarto kaya naman kaagad niyang ipinaalam ito sa iba naming kasamahan habang ako naman ay sinundan si Rex papunta sa kanyang bahay. Kasama rin sa plano ko ang magpahuli sa kanya nang sa ganun hindi nila mamalayan ang pagsugod nina Dion at nagtagumpay nga ang plano.

Nagawang magtagumpay ng emblems sa labanang iyon. Naubos ang lahat ng tauhan ni Rex ng walang kalaban-laban. Nasunog ang kanyang bahay kasali na ang katawan ng kanyang mga kasamahan ngunit katulad ng sinabi ko sa kanya bago siya tuluyang mawalan ng buhay ay kinuha ko ang kanyang bangkay at inilibing ito sa Erethia, sa kanyang tunay na tahanan.

Bumalik kami sa South at doon kinuhang muli nina Ricky at Ms. Bregette ang kuwintas ng ibang emblems. Bumalik sa normal ang pamumuhay ng lahat ngunit hindi parin mawawala sa kasaysayan na minsan ay iniligtas nila ang siyudad.  Habang ang asul na kuwintas naman ay tuluyan ng ibinigay sa akin bilang gantimpala sa ginawa ko ngunit sinabi ni Ricky na maglalabas lang ulit ito ng kapangyarihan kapag ipinanganak na ang susunod na tagapagtanggol na manggagaling sa aking lahi.

"Ate, ang swerte mo po kay kuya Dion ang bait niya po. Tingnan niyo, tinutulungan niya ang mga tao."

Napatingin ako sa batang babae na biglang tumabi sa akin. Nakaupo kasi ako sa isang malaking bato habang nakatingin sa mga taong nagtatrabaho.

Nagigigil ang bata at halatang kinikilig ito. Nginitian ko siya saka hinaplos ang kanyang buhok.

"Kapag lumaki ka na huwag na huwag mong ibibigay kaagad 'to ha?" Sabay turo sa kanyang puso. "Piliin mo iyong lalaking mamahalin ka ng tapat at may malasakit sa kapwa hindi 'yong lalaking nagustuhan mo lang dahil maganda ang hubog ng katawan."

"Bakit ate? Maganda rin naman po ang hubog ng katawan ni Kuya Dion at pogi rin po kaya bakit niyo po siya nagustuhan?" 

Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi. Hindi ko lubos maisip na pinapayuhan ko ang batang ito base sa naranasan ko.

"Ang pagiging pogi ni Kuya Dion ay bunos na lang na ibinigay sa akin. Hindi ko siya nagustuhan dahil sa ganun, nagustuhan ko siya dahil mahal niya ako at tingnan mo, matulungin din siya, diba?"

Tumango ang bata at ngumiti pagkatapos ay tumayo ito at tumakbo papunta sa kanyang mga kaibigan. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya napangiti na rin ako.

Tumayo rin ako at linapitan si Dion na tinutulungan ang isang matanda sa paglilipat ng gamit.

"Hi!" Nakangiting bati niya sa akin.

"Pawis na pawis ka." Kinuha ko ang isang tuwalya na kanina pa nakasabit sa balikat ko at pinunasan ang pawis na pawis na si Dion.

Niyakap niya ako at hinagkan sa noo pagkatapos ay nagpaalam itong muli at bumalik sa kanyang trabaho. Napangiti na lamang ako. Ang swerte ko para makatuluyan ang lalaking una kong nagustuhan at minahal.

Ilang buwan mula ngayon ay magpapakasal na kami ni Dion at sina Mama, Lola at Jury pati na rin si Mica alam kong magkakasama na sila ngayon at alam ko rin na masaya sila para sa akin at masaya rin ako para sa kanila dahil matatahimik na ang kanilang buhay.

Para naman kay Rex, naging magkaaway man kami sa huli pero hinding-hindi ko siya makakalimutan at patuloy kong aalahanin ang mga masasayang alaala naming dalawa.











*************end.

Salamat sa lahat ng mga bumasa sa kwentong ito. Sa lahat ng mga sumuporta hindi ko man kayo kilala personally pero lubos parin akong nagpapasalamat dahil sinuportahan niyo ako kahit paman ako'y baguhan pa lamang.

Ano mang hamon ng buhay piliin sana nating lumaban dahil ang lumalaban lamang ang nananalo sa huli.

Cry, rest, continue fighting❤❤

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Where stories live. Discover now