Kabanata 9

42 32 2
                                    

Pareho kaming napabalikwas ni Dion at mabilis na bumangon matapos kaming gambalain ng isang malakas na tunog.

Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka at pagkatakot. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang napakaraming ibon na nagsiliparan na para bang natatakot at gusto ng makaalis sa lugar.

"Ano ang tunog na iyon?" kinakabahan kong tanong.

Nilingon ko ito at nakita kong pilit niyang binubuka ang kanyang mga mata na kamumulat lang at para bang gusto pa ng kanyang mga matang pumikit ulit ngunit pinipigilan niya ito dahil sa tensiyong nangyayari.

Kinusot-kusot niya ito bago sumagot.

"Hindi ko alam," sambit niya.

Sabay kaming tumayo at kaagad na pinagpag ang aming mga damit pagkatapos ay mabilis kong dinampot ang mga damit na ibinigay ng tinulungan kong matanda habang si Dion naman ay naghanap ng sanga ng kahoy na pwedeng gamiting panlaban.

Umalingawngaw na naman muli ang isang tunog. Sa sobrang takot ko ay hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko at napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Dion. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit mas nangingibabaw ang nararamdaman naming takot.

Habang nakatingin sa pinanggalingan ng tunog ay naramdaman kong pinisil ni Dion ang kamay kong nakahawak sa kanya kaya kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman kong kaba.

"Wanda," kinakabahan niyang sambit. Inangat ko ang mukha ko upang tingnan siya. "Sa tingin ko isa iyong mabangis na tigre." Dugtong niya sabay lunok ng kanyang laway. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya, kulang na lang ay magpabuhat ako sa kanya dahil sa sobrang takot.

"A-ano? T-tigre?" nauutal kong saysay. Dahan-dahan naman itong tumango.

Isang tunog ng galit na tigre ang umalingawngaw sa buong gubat. Nagsiliparan ang mga ibon palayo, nagsitago ang mga maliliit na insekto at ang ibang hayop. Ang tigre ang isa sa pinakakinakatatakutan kahit saang gubat.
Mabangis ito at malakas, may taglay rin itong bilis kaya naman hindi maipagkakailang kahit tao ay takot rito.

"Sa timog na bahagi ng gubat nanggaling ang tunog kaya sa norte tayo pupunta." Wika ni Dion na ipinagtataka ko.

Alam kong gusto niyang umiwas sa tigreng nasa timog pero sa timog kami pupunta kaya paano kami makakarating sa puso ng gubat kong babalik kami sa norte?

"Pe-pero kailangan nating magpatuloy sa paglalakad papunta sa timog para marating ang puso ng gubat? Paano tayo makakarating doon kung babalik tayo sa norte?"

"Hindi tayo pwedeng manatili rito. Kailangan nating bumalik at kapag nakalayo na tayo pwede tayong mag-iba ng daan papunta sa timog," paliwanag niya.

Sa tingin ko tama naman ang sinasabi niya. Pwede kaming bumalik sa timog gamit ang ibang daan, ang mahalaga ay makalayo kami rito.
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang naisip kaya naman habang bitbit ko ang mga damit ay dahan-dahan kaming tumalikod at nag-umpisang humakbang pabalik ngunit napatigil kami at napalingon matapos maramdaman ang mga nagsisiliparang mga ibon at ang malakas na kaluskos ng mga halaman.

"Pa-parang papunta na siya rito," sambit ko.

"Takbo Wanda, takbooo!" Sigaw niya saka mabilis na tumakbo.

Tinanggal ni Dion ang kamay kong nakakapit sa braso niya pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit ang kamay ko sabay hila. Habang tumatakbo ay ramdam na ramdam namin ang mahinang pag-alog ng lupa sanhi nang bawat pagtalon ng tigre.

"Gaano ba kalaki ang tigreng iyan para mag sanhi ng mahinang pag-alog ng lupa?" tanong ni Dion habang naghahabol sa kanyang paghinga.

"Iyon nga rin ang iniisip ko," sagot ko rito. Ipinagpatuloy namin ang pagtakbo, si Dion ang tagahawi ng mga halamang nakaharang sa dinadaanan namin habang ako ay nakasunod lang sa kanya.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Where stories live. Discover now