Kabanata 15

19 17 0
                                    

Tumayo ng matuwid habang nakabuka ang dalawang paa. Ipikit ang mga mata saka dahan-dahang ibuka ang mga kamay.

Pokus.

"Kapangyarihan ng hangin sumanib ka sa akin." Bulong ko habang taimtim na nakapikit pagkatapos ay dahan-dahang ibinuka ang mga mata at deretso ang tingin sa mga maliliit na batong inilagay ko hindi kalayuan mula sa akin.

Pang limang subok ko na ito kaya sana naman gumana na.

Itinuon ko ang palad ko sa kinaroroonan nito para subukan itong kontrolin at habang nakatingin sa bato ay inisip ko ang lahat ng nangyari. Ang lahat ng rason kung bakit ako nandito ngayon, ang pagkamatay ni Jury, ni Mama, at Lola pati na rin ang pagkamatay ni Papa.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata.

"Tumaas ka! Sige na!"

Nakita kong dahan-dahang tumaas ang mga maliliit na bato kasabay ng pagtaas ko ng kamay ko hanggang sa ilang pulgada na ang distansya nito mula sa pinaglagyan ko.

Natuwa ako sa aking nakita subalit pinilit kong hindi iyon ipakita para hindi mawala ang pokus ko sa mga bato.

Sinubukan kong itaas pa ang mga bato kaya dahan-dahan akong tumayo at mas lalo akong natuwa ng hindi ito bumagsak.

"Magaling Wanda!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ricky sa tabi ko habang pumapalakpak kaya napatingin ako sa kanya dahilan upang mawala ang pokus ko at bumagsak ang mga bato. Nakita ko rin ang ibang emblems na nakatingin sa akin na bakas ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Hindi niyo naman kaylangang gulatin ako," may halong pagkadismaya na sambit ko. Naglakad ako at pinulot ang mga batong bumagsak pagkatapos ay lumapit muli kay Ricky.

"Ayos lang 'yan. Konektado na ngayon ang utak, puso mo at ang kuwintas kaya magagawa mo na 'yun kahit anong oras." Nakangiting niyang saysay.

"Talaga?"

Tumango ito. Naglakad kami papunta sa aming ibang kasama.

"Eh, paano naman po 'yung isa ko pang kapangyarihan?" tanong ko rito.

"'Yung pwersa? Sa tingin ko mabilis mo na iyung maipapalabas ngayon." Sambit niya na nakapagpangiti sa akin.

"Magkakaroon tayo ngayon ng pagsusulit," us ni Ricky sa harap naming lahat.

"Pagsusulit?" tanong ni Dion.

"Tungkol po ba sa kapangyarihan namin?" singit naman ni Mica.

Bakas ang kaba sa iba naming kasama, kahit ako ay kinakabahan din. Paano kapag hindi ko magawang maipalabas ang kapangyarihan ko, mapapahiya ako tama?

"Isa-isa ninyong ipapakita sa akin at sa iba ninyong kasama kung paano ninyo maipapalabas ang inyong hawak na kapangyarihan. Kayong dalawa," sabay turo niya kina Arthur at Zach.

"Hindi muna kayo kasali sa pagsusulit na ito. Ipapakita niyo sa akin ang kakayahan ninyo kapag nag ensayo na tayong magpana." Paliwanag ni Ricky kaya naman tumango at tumabi ang mga ito.

"Paano naman po kapag may isa sa aming hindi magawang palabasin ang kanyang kapangyarihan?" tanong ni Mino kay Ricky.

Tumango naman ang iba. Lahat yata gustong malaman kung ano ang mangyayari sa kanila kapag nabigo sila.

"Sa lahat ng mga mababagsak sa pagsusulit na ito ay maiiwan dito at  mag-ensayo. Hindi siya maaaring sumama sa ibang nakapasa na mag ensayong mag pana." Wika ni Ricky pagkatapos ay pumunta ito sa gilid at umupo.

"Sinong mauuna?" tanong niya.

Nagtinginan kami kung sinong gustong mauna sa amin. Ayaw ko namang mauna dahil kapag nabigo ako aba'y ako rin 'yung unang mapapahiya.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Where stories live. Discover now