Kabanata 3

79 67 45
                                    

Nakaupo sa gilid ng kama habang yakap-yakap ang mga binti. Mukha man akong bata na inagawan ng laruan ngunit iyon ang totoo kong nararamdaman. Habang nakayuko ay hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luhang pilit kong pinipigilan.

Nagsinungaling sila. Paano nila nagawang magsinungaling tungkol sa ama ko?

Buong buhay kong kinamuhian ang ama ko dahil sa sinabi nilang nasangkot ito sa illegal na pagbebenta ng droga kaya siya pinatay.

Kahit totoong pangalan ng ama ko ay ipinagkait nila sa akin. Bakit? Para saan?

"Wanda, apo?"

Nakaupo si Lola sa kama ko hawak-hawak ang kanyang tungkod.

Pinigilan ko ang aking paghikbi saka huminga ng malalim bago nagsalita.

"Bakit kayo nagsinungaling?" may halong pagkainis kong tanong.

Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ni Lola.

"Apo,"

"Bakit niyo nagawa 'yun? Bakit?!" sigaw ko.

"Para protektahan ka! Kayo ni Jury!" napasigaw na rin si Lola.

"Protektahan? Saan?!"

"Sa itim na mangkukulam." Tumayo si Lola at naglakad papunta sa bintana ng kwarto ko.

Sandali siyang naging tahimik. Pinagmamasdan ang kagubatang makikita mula sa bintana.

"Nandito na ako ng patayin ng itim na mangkukulam ang lahat ng tao," panimula ni Lola.

Nandito siya?

"Nandito ka? Pero bakit? Akala ko ba namatay ang lahat ng tao nang maganap 'yun?" Tumayo ako at naglakad ng ilang hakbang papalapit kay Lola.

"Namatay na sana kami ng Lolo mo kung hindi dahil kay Marta," dugtong pa nito.

"Si Marta? 'Yung mangkukulam?"

"Oo. Siya ang tumulong sa amin ng Lolo mo nang maganap ang nakakatakot na paghihiganting iyon. Nalaman niya ang masamang balak ng itim na mangkukulam ngunit huli na ang lahat para masagip niya ang lahat ng tao kaya dalawa lamang kami ng Lolo mo ang kanyang nailigtas. Lumipas ang ilang taon at nagdalang tao ako, binasbasan ni Marta ang dinadala kong bata upang maging tagapagligtas at iyon nga ang tatay mo, si Arkhan." Batid sa boses nito ang sakit na naramdaman.

"Ako lang ba ang hindi nakakaalam tungkol dito?"

Kaya ba naiinis si Jury sa akin dahil alam niyang kakaiba ako? Kaya hindi niya ako matanggap bilang kapatid?

Humarap si Lola sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko pagkatapos ay tinitigan ako sa mga mata.

"Katulad mo ay wala ring alam ang Mama mo at ang kapatid mong si Jury. Itinago ko ang lahat ng ito sa inyo lalo na sa'yo para protektahan ka apo, dahil kapag nalaman ng itim na mangkukulam ang tungkol sa'yo sigurado akong papatayin ka niya, tayong lahat," sagot ni Lola.

Talaga palang totoo ang mangkukulam at ako lamang ang makakapatay sa kanya?

"Apo, lakasan mo ang loob mo. Ikaw lamang ang tanging makakapagligtas sa buong Elysian. Namatay ang ama mo matapos niyang talikuran ang kanyang misyon at piliin ang Mama mo."

Tinapik ni Lola ang balikat ko pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng kwarto.

Pagkalabas ni Lola ay para akong nanghina dahil sa lahat ng mga hindi kapani-paniwala pangyayari na aking nadiskubrehan kaya pabagsak akong napaupo sa aking kama.

Hindi ko kaya. Bakit ako pa? Pwede namang si Jury na lang dahil matapang siya at matalino tapos- ahh! Hindi ko kaya!


Inabot ko ang unan na nakalagay sa dulo ng kama at itinapon ito ng malakas sa sahig.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon