Kabanata 4

71 65 33
                                    

"Wanda, bumaba kana, kakain na tayo!"

Rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.

Kasalukuyan ako ngayong naglilinis ng mga galos na natamo ko kanina nang matumba kami ni Dion sa rooftop. Pagkatapos naming magpunta sa klinika upang ipagamot ang mga sugat namin ay pinayuhan kami ng nurse na umuwi na lang kahit para sa akin ay hindi naman nakakasagabal ang mga ito dahil konting galos lang naman at hindi malala, ngunit dahil pag-uutos iyon ng nurse kaya sumunod nalang kami at umuwi na lang.

"Pababa na ako, Ma," sagot ko rito.

Napapikit ako sa sobrang hapdi nang dumambi ang cotton na may alcohol sa siko ko. Pagkatapos linisan ay kumuha ako ng malinis na bendahe at itinali ito ng marahan sa galos na kakatapos ko lang linisan.

Ibinalik ko ang first aid kit sa kabinet ng kwarto ko at pagkatapos ay inayos ang sarili at lumabas para maghapunan. Pababa pa lang ako ng hagdanan ay nahagip agad ng mata ko si Jury na nakaupo sa hapagkainan habang nakataas kilay na nakatingin sa akin. Nakahawak ito sa kaniyang cellphone. Siguro ay nagtataka siya kung bakit may bendahe ako sa siko.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagbaba hanggang sa makarating ako sa mesa at kaagad ay umupo na rin.

"Anong nangyari diyan sa braso mo?"

Napatingin ako kay Mama nang magtanong ito, pati na rin kay Lola at sa nakataas kilay kong kapatid na siguradong naghihintay na magkamali ako.

"Ah eto? Aksidente kasi akong nadapa sa rooftop." Nag-aalangan kong sabi sabay yuko.

Narinig kong huminga si Mama ng malalim habang si Lola naman ay kaagad akong hinawakan sa kamay upang pakalmahin.

"Ano pa bang aasahan namin sa isang tanga," biglang pagsingit ni Jury.

Nakangisi ito habang nakatingin sa kanyang cellphone ngunit paminsan-minsang ibinabaling ang tingin sa akin. Para bang iniinis ako.

"Jury," pagsasaway ni Lola rito kaya inilapag niya ang kanyang cellphone at nag-umpisa nang kumain.

Nginitian ako ni Lola at senenyasang magpatuloy na sa pagkain kaya sinunod ko nalang ito.

Ilang minuto kaming tahimik, tanging tunog lamang ng kutsara at pinggan ang naririnig namin. Lahat ay tahimik habang kumakain.

Hindi yata kinaya ni Jury ang katahimikan kaya nagpatugtog ito gamit ang kanyang cellphone. Sinasabayan niya ang kanta habang siya'y ngumunguya. Sana lang hindi siya mabulunan.

"Walang respeto," bulong ko sa sarili. Mahigpit si Lola pagdating sa harap ng kainan. Ayaw niyang sinasabayan ng paglaro ang pagkain at naiinis din siya kapag hindi kami nagseryoso sa harap ng hapagkainan kaya sa ginagawa ni Jury ngayon, siguradong makakatikim siya.

"Jury, patayin mo 'yan," pag-utos ni Lola. Hindi ito sumagot sa halip ay nagpakunwari itong hindi narinig ang sinabi ni Lola at nagpatuloy lang sa mahinang pagkanta sabay subo ng pagkain.

"Ikaw bata ka! Sinabi kong itigil mo 'yang pagkanta mo!" Sigaw ni Lola rito sabay hampas ng kanyang palad sa ibabaw ng mesa.

Nagulat si Jury sa biglang pagsigaw ni Lola pati kami ni Mama ay napalundag sa aming mga upuan. Lahat kami ay napatigil sa pagkain at sabay na napatingin sa galit na matanda.

"Ma?" tanong ni Mama kay Lola.

"Alam mo ba na ang pagkanta sa hapagkainan habang kumakain ay pagtawag sa mga masasamang espirito?!" pasinghal ang pagkakasabi nito kay Jury.

"Anong pinagsasasabi niyo?" nakakunot noo namang sagot ni Jury. Bakas sa mukha nito ang pagkairita.

Palipat-lipat lamang ang tingin ko kay Lola at kay Jury. Nakikiramdam kung ano ang susunod na mangyayari.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Where stories live. Discover now