Kabanata 19

18 11 0
                                    


Magmula ng dumating kami rito sa South, unang beses kong nakapunta sa likurang bahagi nito. Mayroong isang wishing wheel na halos lamunin na ng mga halaman. Halatang napabayaan na ito.

Ilang metro mula sa wishing wheel ay mayroon namang maliit na sapa kung saan sa ibabaw nito ay mayroong tulay. Bigla akong nagsisi dahil sa hindi ko kaagad pagpunta rito. Sobrang ganda ng tanawin sa bandang ito na mahalintulad sa tanawin na makikita sa pantasya.

Naglakad ako papunta sa tulay at tumayo sa gitna nito. Habang pinagmamasdan ang mahinahong agos ng tubig sa ilalim ay nakaramdam ako ng kapayapaan. May kaonting parte sa isip ko na nagsasabing sana naging isda na lang ako dahil katulad ng isda ay gusto kong maranasan ang maging malaya. Malayang nakakalangoy sa tubig.

"Wanda!"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nakita ko si Arthur na humahangos papunta sa kinatatayuan ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagkataranta. Huminto siya sa harap ko at huminga ng ilang beses bago nag-umpisang magsalita.

"Si Mica! Sa gym!"

Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang kanyang sinabi. Hindi pa man niya tuluyang nasasabi ng buo ang kanyang dapat sasabihin ay inunahan na ito ng utak ko.

Mabilis akong tumakbo papunta sa gym na sinasabi ni Arthur. Ni hindi ko na namalayan kung sumunod ba siya sa akin o nagpaiwan muna roon para magpahinga.

Nadatnan ko ang ilang emblems kasama na si Ricky sa loob ng gym at ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan nila ay ang umiiyak na si Mica.

"Anong nangyayari?" Nagtataka kong tanong habang palipat-lipat ang tingin kay Mica at sa iba naming kasama.

Napansin kong nakahawak si Mica sa gilid ng kanyang tiyan at nang tingnan ko ito ng maayos ay nakita ko ang nakataob na palaso rito at ang maraming dugo. Humakbang ako para lapitan siya ngunit pinigilan ako ni Dion.

"Wanda! Huwag mo siyang lalapitan. Siya ang anak ni Ether!" Aniya nito kaya napatigil ako sa paghakbang at gulat na tiningnan si Mica.

Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin at kasabay ng pagbuhos ng maraming dugo mula sa kanyang sugat ay siya ring pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Wanda, huwag kang maniwala. Hindi 'yan totoo. Kilala mo ako, hindi ba?"

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi at iyung oras na hindi ko siya nadatnan sa loob ng kwarto namin. Totoong matagal ko na siyang kilala ngunit hindi ko maiwasang magduda lalo pa at nag-iba ang kilos niya magmula kahapun.

Kilala nga ba kita?

Dahan-dahan akong humakbang pa atras habang malungkot na nakatingin kay Mica. Alam kong masakit pero sapat na saaking namatay ang pamilya ko dahil sa kanya at hindi ko hahayaang may mamamatay pang iba.

"Paano mo nagawang magsinungaling sa akin?" Nag-umpisa na ring magtubig ang mga mata ako.

Umiling-iling siya sa ikalawang pagkakataon at pinilit na humakbang papalapit sa akin ngunit napahinto rin ito at napaluhod nang panain siya ni Rex. Sinigawan ko ang ibang emblems na huwag nilang sasaktan si Mica dahil aaminin kong nasasaktan ako at hindi ko kayang makitang nahihirapan siya dahil sa loob ng ilang taon ay naging mabait siyang kaibigan sa akin kahit pa man hindi ko alam kung ito ba ay totoo o pagpapakitang tao lamang para hindi ko siya pagdudahan.

"Maniwala ka! Hindi ako ang kalaban, Wanda!" pagmamakaawa niya.

"Sinungaling!" Singhal ni Rex. "Nasa likuran ka rin ni Mino noong mga panahong namatay siya kaya hindi malabong palihim mo siyang pinatay!" dugtong pa nito.

"Kagabi, hindi ko siya nakitang pumunta sa opisina ni Ricky para kamustahin si Wanda at napansin ko rin ang mga kakaibang ikinikilos niya," saad naman ni Dion.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon