Kabanata 5

74 58 31
                                    

Ilang metro pa lamang ang layo namin mula sa bahay ngunit tanaw ko na ang napakaraming taong nakapaligid dito. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman.

Sakay kami ngayon ng kotse ni Dion. Kasalukuyan kasi siyang nagmamaneho kanina pauwi sa kanilang bahay nang makita niya akong tumatakbo kaya sinundan niya ako at ipinarada ang kotse sa dulo ng simentong daan at tumakbo na lamang para sundan ako dahil masyado ng masukal ang daan papasok sa paa ng gubat.

"Ipara mo diyan." Pag-utos ko kay Dion sabay turo sa aming bahay.

Kaagad niya naman akong sinunod at nang huminto ang kotse ay mabilis akong bumaba at tumakbo papasok sa loob ng bahay.

"Ma?"

Inilibot ko ang aking tingin sa aming sala para hanapin si Mama. Napansin ko kaseng wala na ang katawan ni Jury sa labas ng bahay ng pumasok ako.

"Apo,"

Napalingon ako sa sofa sa bandang sulok ng bahay nang may magsalita.

"Lola?"

Parang mas lalong kinurot 'yung puso ko nang makita si Lola na nakaupo sa sofa habang nanginginig na nakahawak sa kanyang tungkod. Takot na takot ito habang umiiyak.

Patakbo ko siyang nilapitan at niyakap.

"Lola, patawad po. Si Jury, ako ang may kasalanan kung bakit namatay siya. Lola, si Jury. Wala na si Jury, Lola."

Humagulgol ako ng iyak ganun rin si Lola.

Namatay si Jury ng hindi man lang ako nakahingi ng tawad. Sana pala pinahalagahan ko nalang 'yung mga araw na nandiyan pa siya. Sana pala hindi ko nalang siya iniwasan kahit pa iniinis niya ako.

Ngayon wala na siya. Kasalanan ko 'tong lahat! Kung hindi dahil sa akin buhay pa sana si Jury ngayon. Lumaki sana siyang mabait at puno ng pagmamahal. Hindi sana siya nakaramdam ng sama ng loob.

Humiwalay si Lola sa pagkakayakap sa akin kaya humiwalay na rin ako. Pinunasan niya ang mga luha niya habang ako naman ay yumuko at pinipigilan ang paghikbi.

Iyak lang kami ng iyak sa loob ng ilang minuto ni Lola. Walang gustong magsalita, kahit ako ay hindi magawang magsalita. Para bang bigla na lamang huminto ang utak ko sa paggana dahil sa sobrang sakit.

Nabanggit ni Lola kanina na dinala ng mga pulis ang bangkay ni Jury sa punerarya at sinamahan ito ni Mama kaya wala siya rito nang dumating ako.

"Wanda,"

Malungkot akong napatingin sa pinto nang marinig ang boses ni Dion.

Akala ko ba umalis na siya?

"Pasensya na kong naabala kita. Pwede ka ng umuwi. Salamat sa paghatid," saysay ko gamit ang paos kong boses.

"Wanda, kung ano man ang nangyari, lagi mong iisipin na lahat ng nangyayari ay may rason. Hindi mo iyon kasalanan. Magiging okay rin ang lahat," seryoso niyang wika.

Hindi ako sumagot sa halip ay yumuko lang ako at mas lalo pang linakasan ang pag-iyak.

Kasalanan ko iyon Dion. Kasalanan ko kung bakit ito nangyayari.

Naramdaman ko ang pagsara ng pinto. Siguro ay umalis na siya.

Nagpatuloy ang katahimikan sa aming bahay habang patuloy ang paglalim ng gabi at pagdaan ng oras.

Kapag nawalan ka ng isang mahal sa buhay, ang lahat ng nasa paligid mo ay mawawalan ng saysay. Hindi mo mamamalayan ang pagdaan ng oras dahil ang tanging maiisip mo lang ay ang katotohanang nawalan ka, nawalan ka ng mahal sa buhay.

THE FALL OF THE NORTH WITCH //completed//Where stories live. Discover now