Chapter 18

1.4K 66 34
                                    

Wyndell giggled when Riley scrunched his nose at her. They're talking about random things habang kumakain sila ng chocolate, while they're watching the stars above them. 

"Talaga naman kasi. Don't spoil Slay and Kill. Lalo silang magiging maangas diyan sa ginagawa mo." He stated with a chuckle and she pouted.

"But they're cute. I can't help it." She refuted.

"Just feed them in moderation. Okay?" Sambit ni Riley and Wyndell smacked her lips before answering.

"Fine." Pagsuko niya at tumagilid naman ng higa si Riley paharap sa kaniya kaya napalingon siya sa binata.

"Still not sleepy?" Tanong nito.

"Mhm." She hummed at ngumiti naman sa kaniya ang binata.

"You're so beautiful." Biglang sambit nito and she wasn't expecting that sudden compliment kaya pakiramdam ni Wyndell ay nag-init bigla ang pisnge niya.

"Ano ba?" Natatawang aniya and Riley chuckled at her reaction.

"Do you have days na hindi ka busy sa trabaho?" Riley suddenly asked kaya naman napaisip si Wyndell.

"Hmm. Kalimitan, during weekends, especially Sundays. Maliban na lang kung may biglang emergency, pero I try to free those days a little, para sa paper works." She answered honestly. "Ikaw? Aren't you busy?" She asked back.

"Sakto lang. My companies would function without me, and I have a secretary who's good at his work kaya kahit minsan natatambakan ako ng trabaho, hindi ganoon kahirap." Sagot nito sa kaniya and Wyndell's hand moved on their own to caress the man's cheek.

"Buti ka pa. 'Yung boss ko, parang gusto na niyang ipamigay 'yung hospital niya." Pagrereklamo niya sa binata at tinawanan naman siya nito.

"That's because you're good at your job. Pierre is usually very picky. Maarte siya so its hard to please him as a doctor. You did a great job doing that." Malambing na sagot naman ng binata sa kaniya kaya napangiti siya.

"Yeah. Well, I do enjoy my job, honestly. Gusto ko lang magreklamo kasi tamad ang boss ko." Aniya at mahinang tumawa naman si Riley.

"Lahat kaming magkakaibigan, tamad kami. Kaya malamang, sinusumpa rin ako ng secretary ko, 'no?" Natatawang sambit nito at napatango-tango naman siya.

"Malamang. Kaya huwag kang tamad. Maawa ka sa empleyado mo." She stated with a smile at isinubsob naman ng binata ang mukha nito sa leeg niya.

"But I want to be with you. What's the use of my money kung hindi naman ako masaya?" Parang bata itong nagrereklamo sa kaniya. "And even if I lose a company or two, hindi naman ako mamumulubi. Even if I stop working as a businessman, I have enough money to last for more than my whole lifetime." Dagdag pa nito kaya napabuntong hininga na lamang si Wyndell.

"Oh edi ikaw na ang mayaman." She stated at kumubawbaw naman bigla sa kaniya si Riley.

"Sadya." Mayabang na sagot nito kaya napataas siya ng kilay. Then he placed a soft kiss on her lips bago ito pabagsak na humiga sa tabi niya.

"Do you like roses?" Tanong bigla nito kaya gumulong siya paharap sa binata.

"Well, I don't hate them." She answered at ngumiti naman ng malapad si Riley.

"When you get home, go straight to your room. I left a dozen roses there." Anito kaya nangunot ang noo niya.

"Hindi ba lanta na 'yun kapag nakauwi ako?" Nalilitong tanong niya rito at makahulugan namang ngumiti sa kaniya ang binata.

"They won't wither, don't worry." The man answered with a mysterious grin kaya sinimangutan niya naman ito habang nanatiling nakakunot ang noo niya.

Behind His MaskWhere stories live. Discover now