Chapter 11

1.4K 70 70
                                    

As soon as they arrived at Wyndell's house, Wyndell quickly got out of the car kaya napanguso na lang si Riley. Hindi siya hinayaan ng dalaga na magmaneho dahil wala daw itong tiwala sa kaniya sa kalsada, which is understandable dahil alam din naman ni Riley na kaskasero siyang magdrive.

He just followed Wyndell inside, then he roamed his eyes around the house, which is on the normal size before he glanced at Wyndell, who just finished removing her shoes at nagsusuot ito ng pambahay na tsinelas.

Riley's eyebrows furrowed when he noticed that the house isn't exactly dirty. He was expecting to see something chaotic, like how his house would usually be like tuwing heightened ang emotions niya, but everything is well organized in Wyndell's simple abode.

"Uhm.. Anong lilinisin natin dito?" He asked while he's removing his shoes and Wyndell answered without looking at him habang may hinahanap ito sa cabinet.

"Malamang 'yung buong bahay. Hindi mo ba nakikita 'yung mga namumuong alikabok?" Sarkastikong sagot nito sa kaniya kaya napanguso siya at naglakad siya papalapit sa dalaga pagkatapos niyang maipatong ang sapatos niya sa shoe rack.

Sakto namang humarap sa kaniya si Wyndell tapos ay inabutan siya nito ng pares ng tsinelas. "Alright, so ganito ang gagawin mo. Dust the high places habang ako, maglalaba ako. Okay? Kung matatapos ka kaagad, wipe the glass and the furnitures. I'll be back soon." Sambit nito at tumikhim muna si Riley bago siya nagsalita.

"Alright." Aniya at pinaningkitan siya ng mata ni Wyndell.

"Mag-ingat ka. Huwag kang manira ng mga gamit ko." Paalala nito sa kaniya at iniabot nito ang pampalispis kaya sinimangutan niya ang dalaga.

"I won't." Riley answered at Wyndell smiled then she clapped her hands.

"Good." Nakangiting sambit nito bago ito tumalikod and Riley watched as she walked towards a room at pumasok doon ang dalaga.

Nagkibit-balikat na lang siya as he started what she told him to do. He was humming a melody while he carefully did his job. He had seen some people clean while he was still a child so, hindi naman siya ganoon kaignorante sa mga bagay-bagay na hindi niya talaga ginagawa.

And Riley moved quickly. He has quick reflexes and a strong stamina, kaya wala lang sa kaniya 'yung ginagawa niya. Instead, he's actually enjoying what he's doing dahil sinisimulan na siyang pagpawisan. Pakiramdam niya tuloy, nag e-exercise lang siya. And when he got done, namaywang pa siya at inilibot niya ang tingin niya sa buong paligid. 

"Yep. Done." He talked to himself tapos ay naglakad siya patungo sa pintuang pinasukan ni Wyndell.

He didn't even knocked. Basta niya lang binuksan ang pinto, only to see Wyndell wearing a simple sleeveless shirt habang naka-messy bun ang buhok ng dalaga kaya natigilan si Riley. Umaandar ang washing machine pero may nilalabhan ito gamit ang kamay nito sa lababo. Ni hindi man lang nito napansing pumasok siya sa kwarto kaya napangiti si Riley tapos ay naglakad siya palapit sa dalaga.

He locked her in between his arms, at itinukod niya ang magkabilang kamay niya sa gilid ng lababo tapos ipinatong niya ang baba niya sa ulo nito at napatingala naman sa kaniya si Wyndell.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito sa kaniya kaya mahina siyang napatawa.

"Nagchacharge. Tapos na ako doon sa labas." He answered as he closed his eyes for a couple of seconds.

"Riley, lumayo ka nga. You're making me feel uncomfortable." Wyndell stated kaya napamulat siya pero hindi niya dinibdib ang sinabi nito. Instead, Riley hugged her from behind tapos ay ipinatong niya ang noo niya sa balikat ng dalaga.

Behind His MaskWhere stories live. Discover now