Chapter 10

1.4K 62 63
                                    

Nag-angat ng tingin si Wyndell nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya. And why was she not surprised to see Riley, walking inside her office, towards her.

"Hi!" Nakangiting bati nito sa kaniya at may inilapag ito sa ibabaw ng mesa niya.

Its been two days since they got back from Russia and Riley didn't show up for two straight days pagkatapos siya nitong ihatid sa hospital nang makabalik sila sa Pilipinas. Akala niya ay hindi na siya pepestehin nito dahil dalawang araw na itong walang paramdam.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at umupo naman si Riley sa upuang nasa harap ng lamesa niya na para bang nasa bahay lang ito.

"Pinupuntahan ka." Riley answered at sumubsob ang binata sa lamesa niya tapos ay inilapat nito ang pisnge nito sa lamesa at tiningnan siya. "I've been busy dahil tinapos ko muna lahat ng kailangan kong gawin bago ako pumunta rito para walang biglang tatawag sa akin. Ayaw kong maistorbo. It's my alone time with you." Pagkwekwento nito at pagak naman siyang tumawa.

"Well mister, umuwi ka na lang at matulog ka. I have an operation scheduled in approximately," Wyndell stopped talking as she looked at her wristwatch. "twenty seven minutes." She continued then she looked at Riley. "So just go home dahil mukha ka nang zombie dahil diyan sa eyebags mo." Aniya at tinawanan lang naman siya ni Riley tapos ay nangalumbaba ito.

"Dito na lang ako tutulog." Sambit nito at binuksan ang dala nito and Wyndell saw a small cake. "Kumain ka muna bago ka umalis. Is it a hard operation?" Tanong ni Riley at inilagay sa harapan niya ang cake.

"Not really." Wyndell answered with a shrug tapos ay tinanggap niya ang tinidor na inabot sa kaniya ni Riley. "At huwag mo akong kausapin, hindi tayo close." Sambit ni Wyndell at itinusok niya ang tinidor na hawak niya sa cake na nasa harapan niya.

"Mhm." Riley hummed with a chuckle. "Anong lasa? Masarap ba?" Tanong ng binata sa kaniya at tumango-tango naman siya rito.

"Yeah. Saan mo 'to binili?" She asked at ngumiti naman ng malapad sa kaniya ang binata and Wyndell's eyes automatically landed on his dimples.

"I made it." Sagot nito at sumandal sa likod ng upuan nito. "I asked Hunter for a recipe kasi gusto kong ipatikim sa'yo 'yung favorite na cake ko, pero wala akong oras para lumipad papuntang Europe para bumili ng cake. Hindi mo pa siya nakikilala kasi hindi siya nakapunta sa Russia, and yeah, nag videocall kami tapos tinuruan niya ako." Pagkwekwento sa kaniya ni Riley kaya hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata.

"And he gave you the recipe? Ng ganon ganon lang?" She asked in a confused voice at umiling naman si Riley habang tumatawa ito.

"I bought the recipe. Its fine. No big deal." Sambit nito at nagkibit-balikat. "Ang mahalaga nasarapan ka." Wyndell didn't know what to say.

Hindi naman siya tanga. Alam niyang hindi barya ang ibinayad nito para makuha ang recipe na sinasabi nito. Her heart actually started fluttering and she just stared at the man sitting in front of her.

"Hello? Earth to Wyndell. Yohoo." Wyndell blinked a couple of times when Riley started waving his hand in front of her at tumikhim siya nang makabawi siya.

"Oh?" She asked with a raised eyebrow.

"Wala. You just started spacing out. Can I sleep here? Gisingin mo ako once you're done with your work." Tanong nito sa kaniya kaya napabuntong hininga siya.

"Umuwi ka na kasi. Magpahinga ka ng deretso sa bahay mo." Aniya at sumimangot naman si Riley.

"Ayoko. Its cold there." Anito kaya kumunot ang noo niya.

"Malamig din dito sa hospital?" Patanong na sagot niya at napailing na lang sa kaniya ang binata.

"Hindi kaya. This place feels warm." Anito at sumubsob sa lamesa niya.

Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon