Chapter 6

1.5K 57 55
                                    

"Wyndell? Bakit ka nandito? And why do you look like you're about to murder someone?" Napatunghay si Wyndell nang marinig niya ang pamilyar na boses ng kapatid niya, and she quickly stood up, tapos ay nagmamadali siyang naglakad papalit sa kapatid.

She didn't even noticed na hinayaan lang siya ni Riley na tumayo at umalis sa kinauupuan niya para puntahan ang kapatid niya samantalang kanina ay kulang na lamang ay iharang nito ang buong katawan nito sa daan para lamang hindi siya makaalis.

"Ate!" Wyndell called out as she hid behind her sister's back. "That motherfucker! That, ugh!" She was so frustrated that her fists clenched right after she pointed at Riley's direction. "He freaking dragged me here! I should be at the hospital by now, working, pero 'yang baliw na 'yan, hindi ko alam kung paano niya napapayag ang boss ko pero, ugh, ewan ko. Basta ang alam ko kasalanan ng pesteng yan!" 

Anger can be heard from the tone of her voice, and she's shooting daggers with her glare. Kung nakakamatay ang tingin, baka nakahandusay na ngayon sa sahig ang binata dahil sa sama ng tingin niya rito.

"Anong nangyari?" Her sister asked as she looked at Riley at nagkibit balikat naman ang binata habang sumasagot ito.

"Gusto ko siyang isama papuntang Russia, so sinama ko siya." Parang nagliliyab sa galit ang buong katawan ni Wyndell dahil sa ugali ng binata.

He looked so nonchalant about what he did, that its driving her mad.

"So that's why you took Euclid's Ducati." Napalingon siya sa lalaking nagsalita.

It was the man in the picture. Ito ang kasama ng kapatid niya sa Batangas and the guy is standing beside her sister. Ni hindi man lamang niya napansin ang lalaki kanina dahil sa sobrang galit.

"Yep. Paano mo nalaman? Ikaw ha bestfriend, iniistalk mo ako ha." Wyndell rolled her eyes when she heard Riley's playful voice. The man spoke in a high pitched voice, contrary to the low voice that he uses whenever he speaks with her and he just can't stop herself from rolling her eyes because of it.

Buwisit!

"Kausap ko si Euclid habang itinatakbo mo ang Ducati niya, Ri. Wag kang assuming." The man beside her sister stated kaya napabuga siya ng hininga bago nanggigigil na nagsalita.

"You!" She called Riley's attention with an angry tone at nakangiting tumingin naman sa kaniya si Riley.

"Yes, my lady?" Nakangiting tanong nito at mas lalo lamang siyang naiinis sa tuwing nakikita niyang nakangiti pa ito habang galit na galit na siya.

"You motherfucker, let me go back to the hospital, you dipshit!" She angrily stated pero bago pa makaimik si Riley ay may nagsalita mula sa likuran nila.

"People, please, don't fight here. Riley ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo? I can hear you all from outside." They all looked at the man who spoke and Wyndell saw a very handsome man walk towards them habang nakapulupot ang kamay nito sa magandang babaeng kasama nito and the woman was holding the kid's hand.

"Daemon! It's been a while, my man!" Muling napairap sa hangin si Wyndell nang excited na nilapitan ni Riley ang lalaking bagong dating.

Hindi niya na pinakinggan ang usapan ng mga ito dahil wala naman siyang kilala maliban sa boss niyang dumating din. Masama niyang tiningnan si Pierre na ngumiti lang sa kaniya at nagkibit balikat pa ito kaya inirapan niya rin ang lalaki bago bumalik ang tingin niya kay Riley at muli niya itong sinamaan ng tingin.

Her eyes were glaring at that man. Gusto niya itong sapakin, sakalin at itapon sa labas ng eroplano dahil sa sobrang galit. Hindi alam ni Wyndell kung gaano katagal ba niyang sinasamaan ng tingin si Riley habang nakikipagusap ito sa mga kaibigan nito at mukhang hindi na siya nito naaalala.

Behind His MaskNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ