「Chapter 33」

32 3 0
                                    

LANNA

"Nakahanda na ba ang mga gamit mo?"

Napatingin ako kay Yana na ngayo'y nag-aayos ng kaniyang gamit bago tumango. "Kagabi pa" sabi ko.

He smiled. "Good then" mahinang sabi niya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kaniyang gamit.

Nandito kami ngayon sa bahay at hinahanda ang mga gamit na gagamitin. Aalis kasi kami mamaya para sa hinanda sa amin ni Tita Daniela at ni Mom na honeymoon trip. I told them not to do this... pero dahil makulit silang dalawa, pupunta tuloy kami ngayon sa isang resort para i-celebrate ang "honeymoon" namin.

Well, its not bad! Masaya rin naman sigurong pumunta muna sa kung saan para makapagpahinga. Mae-enjoy ko rin ang bakasyon sa ganitong paraan.

At isa pa... gusto ko talagang makasama si Yana sa mga trip na tulad nito. I bet mas masaya kapag kami lang dalawa...

"Oh let me help you" sabi ko kay Yana at tinulungan siyang ilagay ang mga damit sa maleta. Inaayos na lamang namin ang gamit niya, after this ay aalis na kami.

"Thanks" he said. Tahimik naming inayos ang mga damit niya at ang iba pa niyang gamit na kinakailangan niya sa maleta.

"Hey, nag-usap na ba kayo ni Dianne?" taka kong tanong sa kaniya.

Natigilan siya bago nag-iwas ng tingin. "N-No we haven't seen each other since. Seems like galit pa rin siya sa akin" he said.

"Galit?" takang tanong ko.

"Oh... nagalit siya sa akin 3 days bago yung kasal natin" he said softly. "I tried calling her but hindi na siya sumagot. Hindi na nga siya nagparamdam"

Napakunot ang noo ko. "Wait... so hindi kayo nagkita nung araw bago yung wedding?" tanong ko.

"Hindi... she didn't even call" sabi niya.



"Alam mo, kagabi... Nazeer went to my place. Nagalit ako sa kaniya dahil pumayag siya dito sa wedding ninyo, kahit na alam nyang masasaktan ako na girlfriend niya. So sinuyo niya ako magdamag kagabi. And you know what happened next?"

Lumapit siya sa tainga ko at maarteng tumawa. "We made love" she said.



"So she was just lying that time?" mahina kong tanong sa sarili.

"What?" takang tanong sa akin ni Yana.

"Ah.. it's nothing" sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Useless lang yung pagseselos ko nung araw na yun!





"Let's go" sabi ni Yana at tinulungan akong ilagay ang gamit namin sa sasakyan. Uunti lang naman ang gamit na dala namin dahil isang week lang naman kami duon.

Nandito kami sa garahe ng bahay namin at dahan-dahang nilalagay ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan.

Sasakay kami sa kotse ni Yana kaysa magcommute papunta duon. At least kapag may emergency ay makakauwi kami kaagad.

"Kompleto na ba lahat ng gamit natin?" tanong ni Yana sa akin.

"WAIT FOR ME"

Agad nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na iyon. Napalingon ako sa gate ng bahay namin at agad nakaramdam ng inis ng makitang dire-diretso siyang pumasok sa bahay namin.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito?!

"Dianne...?" even Yana didn't expect to see her. Nakasuot ito ng puting sando at black shorts. At may maleta at maliit na bag rin itong dala-dala.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Where stories live. Discover now