「Chapter 30」

30 3 0
                                    

LANNA

"Grabe, ang bilis ng panahon! Tapos na agad ang pasko"

Ngumiti ako kay Saiko at tinapik ang balikat nya. "Ganoon talaga, hindi mo namamalayan... lumilipas na ang panahon. To think na malapit na tayong mag-graduate" yumuko ako sa naisip bago bumuntong hininga.

I wanna graduate. I really do...

.... pero sa tuwing naiisip ko yung mga time ko sa school, I feel like staying longer.

"Wala tayong magagawa... ganito naman diba? Everything has an ending" sabi naman ni Angel bago umupo sa tabi ko.

Tumango si Gray na ngayo'y nakaupo sa sahig at nagbubukas ng regalo.

Naririto kami ngayon sa bahay ni Saiko at naghahanda para mamaya. Mamaya kasi ay nagka-countdown na para sa new year.

Bagong taon, bagong problema.

" Ano ba yan, Gray? Tapos na ang pasko may gifts ka pa ring natatanggap?!" reklamo ni Saiko.

"Nagbigay kasi bigla si Tan, sabi ko wag na eh" sabi ni Gray at tiningnan ang regalo. Napangiti siya ng makita ang isang kulay itim na unan na hugis pusa. Napakacute nito at halatang napakalambot.

"Tapos ikaw lang ang binigyan?! Madaya!" reklamo ni Saiko.

"Ano ka ba, Saiko? Malamang si Gray lang ang bibigyan nya.... alam mo namang sila na ni Tan diba?" pang-aasar ni Angel kay Gray na agad ikinapula ng pisngi nito.

"KAYO NA NI NATHANIEL?! KAILAN PA?!" napatakip ako ng tainga sa sobrang ingay ni Saiko.

"N-Nung p-pasko lang... h-hindi mo alam?" tanong ni Gray, nahihiya.

Umamin na si Tan kay Gray ng sumapit ang pasko. Kilig na kilig kami ni Angel sa kwento niya habang si Saiko siguro ay hindi nag-iintindi. Kasama naman namin siya ng magkwentuhan kami tungkol duon pero parang lutang na lutang ang babaeng ito. Huli lagi sa balita.

"Hindi ako updated! Bakit ngayon nyo lang sinabi?" reklamo niya na tinawanan namin.

"Anong dadalhin daw mamaya ng boys?" tanong ni Gray sa amin pagkatapos niyang itabi ang regalo ni Tan.

"Drinks daw kay Qian, si Tan naman ang madala ng fireworks habang si Travis naman... siya na daw bahala sa movie na papanuorin" sabi ni Saiko at sumimangot. "Ang cheap talaga ng lalaking yun"

"Hayaan mo na, kami na ni Angel ang bahala sa snacks" sabi ni Gray.

"Ambag ko barbeque" sabi ni Saiko.

"Ako na lang rim ang ma-grill, pandagdag-ambag" sabi ni Angel na tinanguan namin.

"Ako na ang bahala sa ibang pagkain at mga kulang. Sa bahay na lang namin tayo magcelebrate" sabi ko. Napag-usapan na rin namin na mags-sleep over sila sa bahay na binili sa amin nila Mom.

Tumango si Saiko. "Oo, walang parent dun eh! Andun nga lang si Sir" sabi nito.

"He won't mind at all. Sabi niya okay lang daw, besides baka wala siya mamaya. I'm sure that he'll spend his new year with his girlfriend" sabi ko at nagpilit ng ngiti.

"Ay buhay pa pala si Ms. Dianne" sabi ni Saiko "Hindi ko na siya nakikita eh"

"Busy daw eh" sabi ko na lang at tumayo na. "Mamili na tayo ng kailangan at pumunta na sa bahay para makaayos na tayo"

Tumango sila at sumunod na sa akin.


"Masarap ba ito?" tanong ni Gray sa amin habang nagtitingin kami ng mga snacks na bibilhin. Naririto kami ngayon sa grocery store at namimili ng mga pagkain at iba pang gagamitin para mamaya.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Where stories live. Discover now