「Special Chapter 1」

41 2 0
                                    

A/N: Special chapter that contains what happened to them in Christmas Day! Enjoy!

--------

LANNA

"Good morning"

Agad nanlaki ang mata ko ng magtungo sa kusina. Napakaraming masasarap na pagkain ang nasa lamesa. At hindi lang iyon, nandoon rin si Yana na hinahanda ang mga plato at kutsara naming gagamitin.

"You're finally awake" sabi niya at umupo sa upuan niya.

Umupo ako sa harapan niya at pinagmasdan ang mga pagkain sa lamesa. Mukhang masarap ang mga ito ah...

"It's Christmas so let me do the cooking" sabi niya na agad kong ikinangiti.

"If you insist...." kinuha ko ng tinidor at tinikman ang pancake na gawa niya. Agad namula ang mukha ko ng malasahan ito. Napakasarap!

Wala man lang sinabi ang pancakes ko!

"Ikaw na lang kaya magluto araw-araw! Ang sarap ng luto mo" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Natigilan ako ng biglaan niyang pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. "You have something here..." sabi niya at ipinakita sa akin ang maliit na piraso ng pancake na nasa gilid ng labi ko.

Halos mabilaukan ako ng isubo niya iyon at magpatuloy sa pagkain na parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya. Napaubo ako, pulang pula na talaga ang mukha.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya kaya agad akong tumango at dahan-dahang uminom ng tubig.

"I'm going out later. Do you wanna join me?" tanong niya.

"Where are you going?" tanong ko.

"In my house" sabi niya. "Gusto ko lang bisitahin"

Tumango ako at ngumiti. "Okay then, I'll join you" sabi ko.

"That's nice then" sabi niya.

"Oh, hindi ba dapat kayo ni Dianne ang magkasama ngayon?" tanong ko na ikinatigil niya.

"No... she's uhm... she's---" naputol ang pagsasalita niya ng biglang may tumawag. Nagulat ako ng pinatay lamang niya iyon at hindi sinagot. "... she's busy"

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.





"Wow, may naglilinis dito?" takang tanong ko kay Yana pagka-upo ko sa sofa. Kakarating lamang namin sa island niya. Napansin kong malinis ito masyado, imposibleng walang naglilinis dito.

"I go here and clean the house myself when I have free time" sabi niya na ikinagulat ko.

"Ikaw mismo ang naglilinis? Bakit hindi ka na lang maghire ng tagalinis?" takang tanong ko.

"I don't want to anyone to find out about this..." mahinang sabi niya bago tumingin sa akin. "I want this to be a secret between just you and me"

Namula kaagad ang aking pisngi kaya naman agad akong napayuko. "A-Ah... s-sige... kung magpapatulong k-ka sa paglinis... magsabi ka lang" sabi ko at tiningnan siya. "I-I'll help you clean your house"

"Our house" pagtatama niya na ikinapula lalo ng mukha ko.

Why is he like this?! This is unfair!

Kapag hindi pa siya tumigil, wala ng atrasan itong nararamdaman ko para sa kaniya!

Tumalikod na lamang ako at nagkunwaring nagmamasid-masid.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt