「Special Chapter 2」

33 3 0
                                    

A/N: Saiko and Gray's point of view! Enjoy!

--------

SAIKO

「Grabeng tagal naman yan」

Napailing na lang ako sa sobrang inis ng magreklamo na naman ang boyfriend kong si Travis. 「Travis hindi mo ba alam ang salitang wait lang?! Kanina ka pa ha, naiinis na ako sayo」

「Ako ang mas naiinis sayo, ang lakas mong magreklamo pag-ako ang late tapos pag-ikaw ang late ayaw mong nagrereklamo ako!」 sabi niya na lalo kong kinainis.

「Paskong pasko pero ang epal mo」 inis na sabi ko.

「Paskong pasko pero ang bagal mo! Pasalamat ka mahal kita」 agad akong namula sa sinabi niya pero umiling ako.

「Bahala ka nga dyan」 agad ko na lang pinatay ang tawag at pinagpatuloy ang pag-aayos.

Yung Travis na yun! Alam talaga niya ag weakness ko

Umiling na lang ako ulit bago tiningnan ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng isang kulay pulang fitted dress na hanggang tuhod ko. I tied my hair into a ponytail bago ko kunin ang maleta kong kulay pula at ang susi ng kotse ko.

Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko bago ako bumaba sa sala. As usual walang katao-tao.

Saia is probably with her girl friends, she'll spend a week in her friend's house. Mom and Dad? They're on a business trip. Wala silang time para umuwi para lang bisitahin kaming mga anak nila. Wala rin namang mga kasambahay dito dahil umuwi sila sa kani-kanilang bahay para magcelebrate ng pasko with their family.

I sighed before turning the lights off. Lumabas na ako sa bahay at sinarado ito. Nagtungo ako sa kotse ko at nilagay ang gamit ko sa loob nito. Ng makasakay ako ay agad ko itong pinaandar patungo sa bahay ni Travis.

Without him... I'll probably celebrate Christmas alone.
              
                  
                 
            
           
"Oh yes, you're finally here, darling!" napangiti ako ng salubungin ako ng yakap ni Tita Mae, Mommy ni Travis.

"You look so pretty, ah. Matutuwa si Travis pagnakita ka" sabi ni Tito Dale, ang Dad ni Travis. Naririto ang buong pamilya nila, and they all welcome me.

Childhood best friend kami ni Travis kaya walang problema sina Tita Mae ng ipakilala ako ni Travis noon as his girlfriend. Close na close ako sa pamilya niya, afterall... they're always here for me when my own family isn't.

"Saiko, I missed you. How are you?" I hugged Ate Tanya, Travis' elder sister, before smiling brightly.

"I'm fine po Ate. And I missed you too po! Ang tagal na rin po nating di nagkita" I look at her, amazed. Wala siyang pinagbago, except sa lumalaki niyang tiyan. "Congrats rin po, magkakababy ka na rin"

She grinned and nodded. "Yes! And can you suggests some names later? Para sa baby ko?" tanong niya.

I smiled and nodded. "I will po" sabi ko na ikinangiti niya lalo.

Pumalakpak siya. "Perfect! Wait lang ah, tatawagin ko lang si Travis. Nasa kwarto pa niya eh" sabi niya. "Oh ilapag mo na dyan sa gilid ang gamit mo, papakuha ko na lang kay David yan"

"Ay ako na po" pagtatanggi ko kaso umiling siya at hinila ako papalayo sa gamit ko.

"Si David na! You look tired so magpahinga ka na muna dito" sabi niya at pinaupo ako sa may sala. Nilingon nito ang asawang nagtutulong sa pag-hahanda ng mga pagkain. "Sweetheart, can you please bring that luggage upstairs?"

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Where stories live. Discover now