「Chapter 01」

108 13 50
                                    

LANNA

" Do you, Tanya Alfonso, take David John Collins as your husband? For better and for worse? Through sickness and health? Until death do you part? "

Isang ngiti ang sumilay sa labi ng babaeng ikakasal matapos marinig ang tanong na iyon mula sa pari.

Agad siyang tumango, " I do. " maikling sambit niya habang nakatitig sa mapapangasawa. Sa simpleng titigan na iyon ay makikita mo na ang pagmamahalan ng dalawa.

Bumuntong hininga ako bago napasimangot at umirap.

" Sana all! " mahinang sambit ng katabi kong kaibigan na si Saiko habang pinapanuod na ianunsyo ng pari na opisyal ng mag-asawa ang kinakasal. Nagpalakpakan ang mga tao ng maghalikan ang dalawa habang ako naman ay napaiwas ng tingin.

" Bongga naman pala ng Ate mo Travis! Akalain mo yun, napangasawa niya si Mr. Collins, I mean sobrang yaman ng lalaking yan! " namamanghang sabi ni Gray kay Travis na ngayo'y seryosong naunuod sa kasal ng ate niya.

" Whatever. " inis na sagot naman ni Travis bago umirap. " Hindi uubra sa akin ang pera niya kapag sinaktan niya si Ate. Makita kita ko lang talagang umiyak ang kapatid ko, ipapakain ko sa kaniya ang pera niya. " nagpigil ako ng tawa ng marinig ang banta niya sa asawa ng Ate niya.

" Ito naman! Pabayaan mo na nga si Ate mo! Tingnan mo enjoy na enjoy siya. Ikaw naman nakasimangot. " pagpapakalma sa kaniya ni Saiko.

" Para kang si Lanna oh! Pareho lang kayong nakasimangot. " tatawa-tawang pang-aasar ni Tan sa akin. Inirapan ko siya.

" Paano kasi, nakakainis. Inimbita ninyo ako dito, alam ninyo namang bitter ako pagdating sa bagay na yan. " inis na sabi ko sa kanila.

Tapos na ang kasal kaya naman pupunta na kami sa bahay nila Travis. Hindi kami sasama sa party mamaya dahil hindi kami interesado. Tumayo na kami at lumabas na kasabay ng ibang mga taong dumalo.

" Aysus, inggit ka lang kasi. Masyado mo kasing dinidibdib ang pagiging President mo sa buong school. " pang-asar sa akin ni Saiko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

" That's because unlike you, I prefer books than boys. " masungit na sabi ko na tinawanan niya.

" Study first ka pang nalalaman! Pag nalamanlaman naming may nobyo ka na, lagot ka sa amin! " pang-aasar pa ni Gray na kinailing ko.

" Bahala kayo. Isa pa, bawal sa school ang magnobyo. Sumbong ko kayo kay Dean eh! " sabi ko kina Saiko at Travis.

Bata palang kami tatlo ay bestfriends na kami ni Saiko at ni Travis. Kahit bitter ako sa love ay masasabi kong bagay na bagay silang dalawa at masaya akong naging sila. Hindi ko na lang sila sinumbong dahil nakita ko rin naman kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa pa ay wala naman silang ginagawang masama sa school at matataas ang grades nila.

" Sus, hindi mo yon magagawa noh. Love na love mo kaya kami! " malambing na sabi ni Saiko na agad ko namang pinandirian.

" Love na love na ano? Kadiri pakinggan Saiko! Kahit as friends! " sabi ko na tinawanan nila. Sanay na sila sa ugali kong ganito. Nandidiri talaga ako sa mga bagay na tungkol sa love.

" Hayaan ninyo na nga yan si Lanna! Punta na tayo sa bahay ninyo at baka gabihin pa tayo " yaya na lamang ni Tan bago hinila si Gray papasok sa koste ni Travis. Papasok na rin sana ako ng tumunog bigla ang cellphone ko.

Mom calling....

" Oh... guys, wait lang ha! Tinatawagan ako ni Mom " paalam ko bago ako lumayo ng bahagya sa sasakyan. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Mom.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Where stories live. Discover now