「Chapter 21」

35 3 2
                                    

LANNA

" Oh nandito na tayo! "

Agad akong umayos ng upo ng makarating kami sa bahay nila Yana. Kinakabahan ako ngayon dahil kasama namin sina Angel at Qian, hindi pa nila alam ang tungkol sa enggagement namin.

Dalawang malaking kotse ang dala namin. Isang kotseng kulay itim kung saan kami nakasakay nina Saiko, Tan, Gray at Travis at isang kotseng puti kung saan nakasakay sina Qian, Angel at ang mga kapatid nito.

Pagkababa namin ng kotse ay sinalubong kami kaagad ng mga kasambahay nina Yana. Yumuko silang lahat para magbigay galang sa amin.

" Magandang umaga po, Ms. Lanna. Masaya po kaming nakarating ka at ang iyong mga kaibigan. " sabi ng isa sa kanila na ikinangiti ko na lang.

" Salamat po, Ate. Nasaan na po si Sir Nazeer? " tanong ko dito.

" Nasa loob na po, sumunod po kayo sa akin. " sabi niya na ikinatango ko. Sumunod kami sa kaniya papasok ng bahay at nakita sina Tita Daniela at Tito Yeshua sa loob.

" Oh my Gosh! Hi Lanna! " binati ako kaagad ni Tita Daniela at niyakap.

" Hi po Tita, si Sir Nazeer po? " mahinang tanong ko sa kaniya.

" Nasa kusina siya, dear. Puntahan mo na. " mahinang sabi niya na ikinatango ko. Agad naman akong nagtungo sa kusina habang binabati nila Tita at Tito ang mga kaibigan ko.

Mabuti na lang at napag-usapan na namin na walang magbabanggit ng tungkol sa kasal. Sinabi na lang namin kina Qian at Angel na close ang pamilya namin sa isa't isa. Mabuti nga't naniwala sila. Ayaw ko mang magsinungaling sa kanila pero kinakailangan ko.

Ng makarating ako sa kusina ay agad kong nakita si Yana. Mukhang chinecheck niya kung kumpleto na ang mga pagkain at nakaayos na ito. I smiled before I walked closer to him.

" Yana... " tawag ko dito.

Lumingon siya sa akin at agad ngumiti ng makita ako. " You came... " sabi niya " Akala ko hindi ka pupunta. "

" Pupunta kaya ako. Bakit naman hindi? " sabi ko na ikinangiti niya lalo. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa ngiti niya. Uminit ang pisngi ko kaya agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.

" Nasaan si Vion? " pagc-change topic ko.

Pero sa halip na sagutin niya ako ay lumapit siya sa akin. Napaatras tuloy ako sa gulat. Akala ko ay titigil na siya pero papalapit pa rin siya ng papalapit kaya atras ako ng atras hanggang sa magtama ang likod ko sa sink, wala na akong aatrasan.

Hinarang niya ang dalawang braso niya sa magkabilang dadaanan ko, kinulong ako sa gitna ng braso niya, bago ako titigan ng diretso sa mata.

Nagulat ako ng ngumisi siya at ilapit ang mukha sa mukha ko. Halos mag-mukhang kamatis na ako sa sobrang pula dahil sa lapit namin. Unti na lang ay mahahalikan na niya ako. W..wait.. h-Hahalikan ba niya ako?

Halos pigilan ko ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba. Sobrang lapit na talaga niya sa akin kaya naman pumikit na lamang ako at hinintay na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko, pero sa halip na ilapit niya iyon sa labi ko ay nilipat niya ito sa bandang tainga ko.

" You look gorgeous, love... " he whispered making my heart skipped a beat.

Napamulat ako sa sobrang hiya at naabutan siyang nakatingin sa akin at nakangisi. He chuckled when I avoided his gaze bago ako iwan doong nakatayo at namumula na parang kamatis.

Why is he likes this?!

" You look gorgeous, love... "

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Where stories live. Discover now