「Chapter 17」

28 6 1
                                    

LANNA

" You look gorgeous "

I smiled as I remember what he mouthed me earlier. Namula ako lalo ng maalala ang pagngisi niya ng makita na namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. He's really a flirt sometimes!

I rolled my eyes on myself before I continued to walk to a small room where I was assigned. There I saw Saiko and Gray whose now looking at me proudly.

" Yiee ang bongga ng pa thank you ha! May pa eye to eye contact pa sila ni Sir! " pang-aasar ni Saiko sa akin. " At mlay pa special mention pa sa thank you speech, ganun? "

" It was only a sincere thank you, no big deal Saiko. " pagtatanggi ko na tinawanan lamang nilang dalawa.

" Sige, sabi mo eh. " pang-aasar pa nila bago ako inayusan.

Ng makalabas ako ng classroom ay nakasuot na ako ng dark blue two piece gown na off-shoulder. May crystals itong nakadisenyo sa upper part ng gown na nagpapaganda lalo sa style ng damit na ito.

Inayos muli ni Saiko ang buhok ko, this time it's a messy bun. She made a few strands of my hair fall to my face as she fixed my bangs. Hindi na nila ako pinagpalit ng heels, kaya yung glass shoes pa rin ang suot ko.

" Wow, ang ganda mo talaga! " sabi ni Gray at niyakap ako.

" Thank you, at thank you rin sa tulong ninyo ni Saiko. " sabi ko.

Tumango siya at kumalas na sa yakap, sinamahan na nila akong maglakad patungo sa backstage, nakasalubong naman namin si Travis na ngayo'y may dala-dalang banner.

" Wow, ang ganda naman ng president namin! Galingan mo ha, i-che-cheer ka namin. " sabi niya na tinanguan ko.

" Nakahanda na ba si Tan, para mamaya? " tanong ni Saiko na agad inakbayan ni Travis.

" Wag kang mag-alala! Pagkatapos ng intermission nila, ipapatuloy na ulit ang pageant, may time pa sila Tan at ang banda niya para magprepare! Ang sunod na mag-i-intermission ay Monterico Dance Group. " paliwanag ni Travis at tinuro si Gray.

" Ah, oo nga pala. Si Saiko na ang bahala sa make up at hairstyle mo. " sabi ni Gray.

Tumango ako. " Sige, okay lang ba sayo? " tanong ko kay Saiko na agad niyang ngitian.

" Of course! I am Saiko and I'm the best! Kayang kaya yan! " sabi niya na ikinangiti ko.

Spreading positive vibes as always..

Magsasalita sana si Tan ng may biglang tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita si Qian na hinihila si Angel papalapit sa amin.

" Wow... " I saw how Angel's eyes widden as she looked at me in surprise. " You look like a goddess. "

" Syempre! Si Lanna pa! Sobra-sobra ang ganda nyan, diba Pres? " nakangisi na sabi ni Qian, medyo nagyayabang.

" Kaya nga! Sobra-sobra. Di man lang kami binigyan! " parinig ni Gray.

" Ano ba kayo! Maganda rin kaya kayo! " sabi ko sa kanila na ikinangiti nila agad.

" Pati ako? " takang tanong ni Travis.

" Oo, maganda kang sapakin! " sabi ni Saiko bago siya irapan " Wag kang assuming ha! Mukha kang unggoy! "

Napailing na lang ako ng magsimula silang mag-away habang naglalakad patungo sa room. Nagpaalam na si Gray na magpre-prepare na sa intermission nila kaya naman... naiwan kami nina Angel at Qian.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя