「Chapter 16」

35 5 0
                                    

LANNA

" Nakaready na yung susuotin mo para sa contest. Nakausap ko na si Tita Amara. "

Napatango na lang ako sa sinabi ni Yana. Narito kami ngayon sa loob ng classroom namin, wala namang ibang tao dahil busy silang lahat sa mga activities.

" Your mom asked me if you wanna hire a make-up artist for the contest. " sabi niya at tumabi sa akin.

" Please tell her that I don't need one. Sinabi ko na po sa mga kaibigan ko ang tungkol dito and they said that they'll help me. No need to worry about that, Sir Mclyntre. " sabi ko at tumayo na para umalis na pero hinila niya ako pabalik sa upuan kaya natigilan ako.

I froze when he went closer to me. Pinantay niya ang mukha niya sa mukha ko bago ako titigan diretso sa mata.

" I told you to call me Yana when we're alone. " he said in the most husky and sexy way as possible making me lose my mind.

Bumaba ang paningin ko sa labi niya at napalunok ng makitang medyo basa pa ito.

" Eyes up, doll. " he teased making me look at him in the eye. " That's it. Now... call me by my name. "

" Y-Yana... " namula ako ng mautal ako sa harapan niya.

He smiled before patting my head. Tumayo na siya at inabot sa akin ang kamay niya. " Tara na, they must be waiting for us there. " sabi niya.

I blinked a few times before taking his hand. Tinulungan niya akong tumayo at hinila papalabas ng classroom.

My heart is going crazy right now... bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?



" Hi Pres! "

Ngumiti ako sa mga istudyanteng bumati sa akin na nasa practice room. Sila ang mga representative para sa contest. Anim kaming lahat dahil each grade level ay dapat may representative.

Ngayong araw kaming magpra-practice ng mga gagawin dahil dalawang araw na lang ay magaganap na ang Ms. Halloween. " Start na tayo sa lakad, dali! " tinuruan kami ng instructor ng tamang paraan ng paglalakad.

Masasabi kong kinakabahan ako dahil ang gagaling nilang lahat. Mukha silang professional, halatang sanay na sanay sa mga ganitong contests. Habang ako... isang beses lang ako sumali, napilitan pa.

Nagpractice akong maglakad sa isang gilid gamit ang heels na pinadala ni Mom sa akin. Muntikan pa akong madulas dahil madulas ang sahig, mabuti na lang at nahawakan ni Yana ang kamay ko.

Inalalayan niya ako habang nagpa-practice akong maglakad.

" Okay that's it. Good. Perfect! Very good Risa! " sabi ng instructor namin sa grade 9 representative. " May sariling instructor ka ba at ang galing galing mong maglakad? " tanong pa nito.

Ngumiti yung Risa at umiling. " Tinuruan lang po ako ni Ms. Fernandez, ang galing nya po! " sabi nito at tinuro si Dianne na kakadating palang.

" Ikaw naman Risa, hindi naman ako masyadong nagtulong ano! Sariling talent mo yan pero thank you. " nakangiting sabi niya pero agad iyong naglaho ng makita ang magkahawak na kamay namin ni Yana.

Binitawan ko kaagad ang kamay ni Yana pero hinawakan niya ulit ang kamay ko. I looked at him but it seems like he didn't care. Mukhang hindi nga niya napansin si Dianne dahil focused siya sa akin.

" Y-You're girlfriend is here. Let go. " sabi ko.

He looked around and saw Dianne. He waved his hand on her before looking at me again. Akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko, pero hindi pa rin pala. Magrereklamo na sana ako ng magsalita siya.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Where stories live. Discover now