"Baka kakain?" sarkastikong sagot nito. "Teka, sasabihin ko na ang order ko."

 "Oy, hindi ako waiter dito."

 "Ow? Oo nga pala. Ikaw ang guard. Ang tapang mo kasi." Mahinang tumawa ito at ngali-ngaling tuktukan niya ito. Kung hindi lang ito customer at isang pulis, baka natuktukan na niya nga ito. Kaso naka-uniporme ito at ayaw man niyang aminin subalit kagalang-galang ito nang sandaling iyon.

 "Hindi ako ang guard. Umayos ka nga."

 "Oo na, oo na. Ikaw 'yong cashier."

 "Callan.."

 "Ah, hindi ba? Baka ikaw 'yong dishwasher?" patuloy na pang-aasar nito.

Naningkit ang mata ni Kira. "Fontanilla, umayos ka!" mariing saway niya. "Ano ba talaga ang kailangan mo dito?"

 "Kakain."

 "Sinong kakainin mo?" Ang sarili naman niya ang tila gusto niyang tuktukan. Mali ang ginamit niyang pag-tanong. Ang "ano" ay naging "sino". At aware siya na iba ang dating ng tanong nito.

 Ubod ng kapilyuhan na ngumiti si Callan kasabay ng pagkislap ng pagnanasa sa mata nito. "Kung sabihin ko kung sino ang gusto kong kainin, baka masampal pa ako."

 Sh-t. Bakit ba kasi ang hilig niyang makapag-bitaw ng words na double meaning. "Ugh, forget that. Ano ba talagang gusto mo? I don't believe wala kang ibang agenda sa pagpunta dito. Sinabi mo pa nga sa empleyado ko na girlfriend mo ako!"

 "And what's the problem with that? Ayaw mo nun. Di ka masasabihan na bitter pa rin--"

 "Stop." Umupo siya sa kaharap na sila nito. "Ano ba talaga?"

 "Magaling umupo ka. Now, we can talk. Pero mas maganda kung kakain muna tayo." Hindi na niya napigilan si Callan ng tumawag ito ng waiter at umorder ng pagkain para sa kanila. Iniwasan niya ang nagtatakang tingin sa kanya ng empleyado niya at masama ang tingin na ipinukol sa binata. She didn't know what he truly wants from her. Kaya kinalma niya ang sarili hanggang sa hindi pa natatapos umorder si Callan.

 Humarap ito sa kanya mayamaya. May matagumpay na ngiti sa labi nito. "Hayaan mo na ako ngayon na makasabay ka sa pagkain. Minsan lang naman na mangyayari ito."

 She raised a brow. "So.. 'Yan ang dahilan mo sa pagpunta dito?"

Tumango si Callan. "Yeah. I just want to have luch with you."

 Hindi niya mapigilan ang mapanganga. Suddenly she was speechless. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

 "Matagal ko na gustong yayain ka na mag-lunch. Pero hindi ko 'yon noon magawa dahil may nobyo ka at alam ko naman na tatanggihan mo lang din ako. So now i think, hindi ka na makakahindi sa akin." He winked at her and she felt her body shivered with his words. Pulang-pula na siguro ang mukha niya sa kilig na kumakalat sa kabuuan niya.

 "O, huwag kang kiligin d'yan. Libre mo naman 'to, eh."

 Tila isang drum ng malamig na tubig ang bumuhos sa kanyang katawan dahil sa sinabi ni Callan. Sa labis na inis, malakas na tinadyakan niya ito. Napasipol ito at kumalat ang kulay sa mukha.

 "Peste. Dapat lang 'yan sa 'yo." Panira ng kilig ang hudyo! Siya pa pala ang manlilibre dito. "Kung ako pa pala ang manlilibre, aalis na ako." Tatayo na sana siya nang pigilan ni Callan ang braso niya.

 "Don't. That was just a joke."

 "Well, that's not funny." asik niya sa lalaki. Humingi ito ng pasensya at pinagbigyan niya ito. "Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo, Callan? Bakit bigla-bigla ka?"

 "Dapat ba dinadahan-dahan muna?"

 "Seryoso ako, ha. Huwag mong haluan ng kamanyakan kung ayaw mong iwanan kita dito."

He grinned wickedly. "Wala naman akong ibig sabihin doon sa dahan-dahan, ah? Greenminded ka lang yata, eh."

 "Hindi ako greenminded. Sadyang manyak ka lang."

 "Well, i'm guilty. But i just want to let you know that you're the reason behind my dirty thoughts."

 Nalaglag ang panga ni Kira. Parang ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nito. She's the reason behind his dirty thoughts? What the hell did she do? Bago pa niya magawang makapag-react sa sinabi ni Callan ay dumating na ang inorder nitong pagkain nila.

 Inanyayahan na siya nitong kumain. Tuloy nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa kasi siya kumakain ng tanghalian. Inuuna muna niyang tapusin ang ginagawa sa tapat ng computer niya bago kumain. Kung hindi pa dumating si Callante, hindi pa niya maaalala na hindi pa siya nagtatanghalian.

 "Kumusta naman itong business mo? Maganda ba ang takbo?" seryosong tanong ng binata habang kumakain sila.

 She nodded. "Awa ng Diyos maganda naman ang takbo at hindi ako nalulugi."

 "Malaki na siguro ang naiipon mo."

 "Oo. Kahit buwan-buwan akong nagpapadala kina Mama, hindi nauubos ang ipon ko para sa sarili ko. Gagamitin ko rin naman 'yon sa isa pang business."

 "What business?"

 "Balak ko pa kasi na magtayo ng bar." Noon pa niya binabalak iyon. Pero ang gusto muna niya ay mag-ipon pa at palaguin ang Shakira's. Kasama sa mga plano niya na bilhin ang lote sa tabi ng Shakira para gawing bar.

 Sa ngayon kasi ay hindi pa niya mabibili 'yon dahil hindi pa kaya ng budget niya. She just wished na hindi siya maunahan.

 "That's a good idea, Kira. Plano ko rin nga na magtayo ng bar malapit dito."

 Umangat ang kilay niya. "Really? May plano ka pang ganoon, eh ang dami mo na yatang inaasikaso sa family business n'yo? Plus the fact that you are a police officer. Hindi ka naman yata nagpapakalunod sa trabaho, ano?"

 Nakangiting umiling. "Hindi naman. Nasa dugo na namin ang pagiging negosyante. Bata pa lang ako tinuruan na ako ni Papa kung papaano maghandle ng negosyo. If you're going to think of it, masasabi mo nga na mahirap. Pero sa akin, nasanay na ako kung papaano ko imamanage ang oras ko."

 "Bakit ba hindi mo na lang i-give up ang pagiging police officer mo? Sa totoo lang, mas delikado 'yang propesyon mo kesa sa maghandle ng family business n'yo."

 Gumuhit ang ngiti sa labi ni Callan. "Interesado ka na ba sa buhay ko, Kira?"

She rolled her eyes. "Asa ka. Nagtatanong lang ako kung ano-ano na ang ina-assume mo. Ofcourse, i just want to know. Alam kasi Callan, hindi ko lubos isipin na magiging pulis ka."

 "Why?"

 "Dahil sa impresyon ko sa 'yo at reputasyon mo bilang palikero."

 "I'm not a playboy, honey. I don't play with women."

 "Well, that's hard to believe." Ngumisi siya. "So, saan ka ba nagpa-plano magpatayo ng bar?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang maungkat pa ang hindi dapat maungkat. Gusto niyang makalimutan ang gabing iyon na may nangyari sa kanila ng binata. Pero aminado siya na mahirap kalimutan ang nangyari ng gabing iyon. Tila nakatatak na sa katawan niya ang bawat bakas ng labi ni Callan, lalo na ang tamis ng halik nito sa pagitan ng hita niya. That one night was hard to forget. At nararamdaman niya na hindi na yata niya makakalimutan pa 'yon. Pero kailangan niyang magpatay malisya.

 "Hmm.. Sekreto pa kung saan. Pero nabili ko na ang lote at nasa akin na ang titulo."

 "C'mon. Kahit malaman ko kung saan, hindi naman kita kakaribalin." Ano ba naman ang laban niya kay Callan pagdating sa pagnenegosyo?

 "Talaga? D'yan lang ako sa tabi ng Shakira's."

 Muntikan na mabilaukan ng pagkain si Kira. Nanlalaki ang mga mata at di makapaniwalang tumingin kay Callan.

 "Oh my God."

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now