CHAPTER TWENTY-THREE

Start from the beginning
                                    

"To be honest with you, Lorenzo. Wala akong alam tungkol sa Mommy mo at sa pinsan kong si Paulo. Ang tanging alam ko lang ay high school sweet heart sila. They started as a very good friend until they fall to each other. Nang ikasal kasi ako sa asawa ko ay nawalan na ako ng kominikasyon sa pamilya ko. Wala na si Paulo ng bumalik ako sa pamilya Cortez. I don't know what really happen with them." Malungkot nitong sagot sa tanong niyo.

Yumuko siya at tumungo. Kung ganoon ay walang alam si Tita Ivy tungkol sa mommy niya at kay Tito Paulo. Nilihim din ba ng lalaki ang tungkol sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang ina? Wala bang nakaka-alam sa pamilya Cortez ang tungkol sa relasyon ng mga ito.

"Pero alam ng ama ni Ashley."

Nagtaas siya ng tingin ng marinig ang sinabi nitong iyon. Seryuso na ang mukha ni Tita Ivy. Pinakatitigan siya nito ng mabuti.

"Armando knows everything about your mom at Paulo. Malapit kasi si Armando kay Paulo. Alam niya kung anong nangyayari sa pinsan naming iyon. Zenny also knows but she is not someone you can talk too. Ka-ugali kasi ni Ashley si Zenny. Matapang ang isang iyon at magtatanim ng galit sa isang tao. If you want to know about your mom and Paulo, I will recommend you the father of your wife."

Lorenzo put his head down. Ang ama ni Ashley ang nagkakaalam ng tungkol sa ina niya pero paano niya haharapin ang ama ni Ashley kung ganitong nagpakasal sila ni Ashley ng hindi nito nalalaman? Hindi ganoon ka kapal ang mukha niya para lapitan ang ama ni Ashley at tanungin ito ng basta-basta. Paano kung malaman nitong kasal na ang nag-iisang anak nitong babae sa kanya? He even marries Ashley without his consent.

"Lorenzo."

Ang pagtawag na iyon ni Tita Ivy ang nagtaas ng kanyang ulo. "Tita..."

"Aramdo is a great man. Hindi ka dapat matakot sa kanya dahil napakabait ng ama ni Ashley. Siya ang kapatid ko na may malawak na pag-unawa. If you want to talk to him, I can call him for you."

Tumungo siya. "Pwede po ba, Tita?"

May tiwala siya sa bawat salita ng matandang kaharap. Alam niyang maari niyang pagkatiwalaan ito. Tita Ivy have this soft face. Ibang-iba ito kay Cole na may malamig na aura at hindi kayang ngumiti kahit kanino. Hindi din ito masyadong kumikibo kaya nakakatakot lapitan. Ilang beses ng sinabi sa kanya ni Ashley na mabait ang pinsan niyang iyon pero hindi niya kayang maniwala dahil na din sa minsan nilang pagkikita. Naalala pa niya ang ginawa nitong pagsuntok sa kanya. Nakakatakot ang mukha nito. Tama ang sabi nila na nakakatakot makabangga ang isang Cortez.

Si Cole pa lang ang nakita niyang nagalit. Hindi pa si Alex na ang sabi ay mas nakakatakot kapag nagalit dahil walang sinasanto.

"Of course, it's alright with me. Gusto mo ba na ngayon na?"

"K-kung hindi po kayo busy, Tita?"

"I'm not, Lorenzo. Let me call him for you." Tumayo na si Tita Ivy para tawagan ang nakakabatang kapatid nito.

Alam niya na si Tita Ivy ang pinakamatanda sa magkapatid na Cortez at ang anak nitong si Cole ang pinakamatanda sa magpinsan. They are both responsible persons. Madali din lapitan ang dalawa. Cole is very responsible to Ashley. Hindi iyon ma-itatanggi ng lumapit si Ashley para maka-ikasal sila.

KANINA PA hindi mapalagay si Lorenzo. Pagkatapos ka-usapin kanina ni Tita Ivy ang ama ni Ashley ay agad siyang niyaya nito na pumunta sa opisina ng ama ni Ashley, sa Cazza Pilar. Pinapanalangin niya na wala doon ang asawa dahil nais niyang makaharap ang ama nito ng siya lang. He doesn't want her to worry. Nais niya lang malaman ang tungkol sa relasyon ng kanyang ina at Tito nito. He wants the truth.

Nang huminto ang kotse sa parking lot ng Cazza Pilar ay agad siyang sumunod sa kay Tita Ivy. Kasama nila ang isa sa body guard slash driver nito. Tuloy-tuloy na pumasok si Tita Ivy habang nakataas ang noo. Walang humarang sa kanya.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now