CHAPTER TWENTY-TWO

Start from the beginning
                                    

"Let it be, Tita. Masaya nga at ganyan ang mukha ni Ashley sa picture." Narinig niyang wika ni Alex.

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan na inaasar na naman siya. Sumimangot siya dito. Pinagtatawanan na naman kasi siya ni Alexander.

"Alex, it'is Ashley's wedding. Can you stop that?" Pinanlakihan pa ni Tita Ivy si Alex ng mata.

Itinaas lang ni Alex ang dalawang kamay na tandang sumusuko ito. Pagdating kay Tita Ivy ay tiklop silang lahat. Malaki ang respeto nila sa ina ni Cole.

"John, pwede bang ayusin lang muna ni Ashley ang make up niya. Sumabay ka na din sa pagkain namin. Maraming inihandang pagkain ang mga katulong." Paki-usap ni Tita Ivy sa taong nagkasal sa amin.

"Of course. It's been so long since we talk. I want to tell you something."

Tumungo si Tita Ivy at tinapik siya. Tumingin siya sa kanyang asawa. Lorenzo is smiling with her.

"I'll be back," aniya.

"Okay. I wait here." Hinalikan ni Lorenzo ang kanyang noo.

Matamis siyang ngumiti sa kanyang asawa bago lumapit kay Cole. Sinamahan naman siya ng pinsan sa itaas para ayusin ang kanyang make-up. Wala silang imikan ng pinsan habang umaakyat ng hagdan. Napag-iwan naman si Alex para samahan din si Tita Ivy. Hinintay siya ni Cole habang inaayos ang kanyang make-up. Mabuti na lang talaga at marunong siya maglagay noon dahil hindi na sila kumuha pa.

"Cole, pwedeng magtanong?" aniya sa pinsan habang naglalagay ng eyeshadow.

"Ano iyon?" nakatayo ang pinsan sa may pinto ng kanyang kwarto.

"Are you the one who tells Tita Ivy about my wedding today?"

"Yes. Tinanong niya ako kung alam ko ang tungkol sa pagpapakasal mo kay Lorenzo at sinagot ko naman siya. Alam mong hindi ko kayang magsinungaling kay Mommy. She will know it anyway. Tinanong niya ako kung kailan at ang sabi niya ay pupunta siya. Oo nga pala, siya ang nag-utos sa mga katulong na magluto ng pagkain. Plano kasi namin ni Alex na bumili na lang. Iilan lang naman kasi tayo pero ang sabi ni mommy ay hayaan ang mga katulong na magluto."

Napangiti siya sa narinig. Tita Ivy still cares for her. She will never change.

"Mom is disappointed to us. Hindi lang sa iyo."

Napahinto siya sa paglagay ng lipstick at tumingin sa pinsan sa pamamagitan ng salamin. Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Cole pero agad din nitong itinago.

"Bakit daw natin itinago sa kanya ang problema mo? Pwede daw niya kayong tulungan ni Lorenzo ng hindi na kailangan magpakasal. Kilala niya ang mga Dela Costa. She can talk to Lj's father. She can make everything possible but still we choose to hide it from her."

Hindi siya nakapagsalita. Napayuko na lang siya. May punto si Tita. Marami itong kakilala. Kaya nitong gawan ng paraan ang problema nila ni Lorenzo pero mas pinili nilang itago iyon at ayusin na sila lang. Bakit nga ba nakalimutan niyang madaling lapitan si Tita Ivy?

"I'm sorry. Nadamay pa kayo ni Alex sa akin." Tanging nasabi niya.

"Don't be. Pinili din naman namin ito. At saka, nandito na tayo. Kasal ka na kay Lorenzo. I know you are happy that you already married to him. I want your happiness, Ashley. The happiness that we don't have." Tuluyan ng pinakita ni Cole ang lungkot sa mukha nito.

Binitiwan niya ang hawak na lipstick at nilapitan ang pinsan. Niyakap niya ito ng mahigpit. Alam niyang hindi talaga masaya ang pinsan. Cole may have everything everyone wants in this world but not the love that he wanted. Ang pagmamahal ng taong noon pa nito pinapangarap. Cole is a lonely prince. Dahil ang babaeng tanging minahal nito ay masaya sa piling ng ibang lalaki. Hindi na ito muli pangnagpakita pa sa babaeng iyon dahil ayaw na nitong guluhin pa. At saka, isa ang babaeng iyon sa naging dahilan ng pagkakasakit ng pinsan.

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now