CHAPTER TWENTY-ONE

Start from the beginning
                                    

"I can do that. Pwede kong sabihin sa ama ko ang tungkol kay Ashley pero walang magbabago sa sitwasyon ko. My father doesn't like your family. Siguradong tutulan niya ang pakikipagrelasyon ko kay Ashley."

"Kung ganoon ay wala kang ibang na-isip na paraan para makawala sa pagpapakasal mo kay Cathness kung hindi pakasalan ang pinsan ko?"

"Yes! Kina-usap ko na si Cathness para tumulong pero kagaya ko ay wala din siyang magawa."

"You know we need Ashley's parents consent before you can marry her. She is twenty years old, Lorenzo. Not yet in legal age to get married. Alam mo na sa batas ng bansa ay kailangan pa niya ng pagpayag ng magulang bago magpakasal." Sa wakas ay nagsalita na din si Cole.

"I know. Pero hindi ko na mahihintay pa ang limang taon, Lincoln."

"May magagawa ako para hindi niyo na kailangan ka-usapin ang magulang ni Ashley pero may isang tanong ako sa iyo."

Nagkatinginan sila ng kasintahan. Walang emosyon ang mga mata ni Cole pero alam niyang handa itong tumulong. Walang binanggit ang pinsan tungkol sa bagay na itatanong nito.

"Ano iyon?" Humigpit ang pagkakahawak ni Lorenzo sa kamay niya.

"Kapag nalaman ng ama mo ang tungkol sa pagpapakasal mo kay Ashley ay siguradong mawawala sa iyo ang lahat. Ang posisyon mo, ang kapangyarihan ng pangalan mo, ang kayaman na meron ka ngayon at ang pamilya mo. Handa mo ba iyong ipagpalit para kay Ashley?"

Natigilan siya sa tanong na iyon ni Cole. Napatingin siya sa kasintahan. Nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na iyon. May posibilidad ngang mawala ang lahat kay Lorenzo kapag nalaman na ng ama nito ang tungkol sa pagpapakasal nila. Maaaring mawala kay Lorenzo lahat ng pinaghirapan nito. Ang pinangarap nitong posisyon at pinaghirapan nitong kompanya. Binalot ng lungkot ang puso niya.

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Lorenzo. Nakatitig lang ito kay Cole. Hindi din inaalis ni Cole ang tingin sa kanyang kasintahan at ganoon din si Alex. Hinihintay ng mga ito ang sagot ni Lorenzo. At kahit siya ay ganoon din. She is waiting for his answer.

"The moment I ask Ashley to marry me I know I will lose everything I have right now. But..." tumingin sa kanya si Lorenzo. "...we are talking about her. I can give up everything for her. Kaya kong bitawan ang lahat para sa kanya. At kung ang kapalit ng lahat ng meron ako ay makasama siya habang buhay ay handa akong bumitaw. I love her. I love her more than anything in this world."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Alex. Si Cole ay walang reaksyon pero nagpatuloy ito sa pagtanong.

"Kung ganoon ay paano mo bubuhayin ang pinsan ko kung mawawala sa iyo ang lahat?"

Napatingin siya sa pinsan dahil sa tanong nito. Anong ibig nitong sabihin sa tanong na iyon?"

"Alam mong hindi ka pwedeng umasa na lang kay Ashley. Hahawakan na nga ng pinsan ko ang Cassa Pilar at hindi pwedeng umasa ka sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa iyo at kay Ashley?" Tanong naman ni Alex.

"I don't care about people going t---"

"But I do, Ashley. May paki-alam ako dahil babae ka. Kung sa amin lang naman ni Cole ay wala kaming paki-alam pero ibang usapan na kung ikaw iyon. We bow to protect you. We will protect you no matter what happen." Putol ni Alex sa ibang sasabihin.

Pinisil ni Lorenzo ang kamay niya. "I will find a job. Alam kung malawak ang koneksyon ng ama ko pero may limitasyon iyon. I can find a job that can sustain Ashley and me. Gagawin ko ang lahat para sa pinsan niyo. Ibibigay ko pa din kung anong meron siya ngayon."

Mahinang tumawa si Alex at magsasalita sana kung hindi lang ito na unahan ni Cole.

"Then, can you work for me? Kaya mo bang magtrabaho sa kompanya ko?"

My Lost Husband (Cousinhood Series 4)Where stories live. Discover now